Chapter 12 - The Devil, The Saint, The Angel

123 3 0
                                    

"Why are you late?" As usual, dinaig pa niya ang nanay na bungangera

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Why are you late?" As usual, dinaig pa niya ang nanay na bungangera. Nandito kami sa likod ng restaurant, sa tapat ng back entrance na para sa mga employees lang.

"Sorry, James. Natagalan kami. Dami kasing-" 

"I don't wanna hear your excuses. And you." Turo niya sa akin. 

"Kung ayaw mong nalelate ka mag-resign ka na jan sa pag-momodel mo. May trabaho ka na bakit ka pa nag-sasayang ng oras jan?"  

"Stop, James. Please. Nandito tayo sa restaurant. Have some decency naman." kuya Noah pleaded.

"Why should I stop? Gusto ko lang ipaintindi sa kokote niyo na hindi biro yung trabaho kong 'to. Pinagbigyan ko na nga si Diann na mag-model pero kung nakaka-abala sa trabaho niya-"

"I said stop!" Napatingin ako kay kuya Noah na naiirita na.

"Hindi mo ba alam kung anong ibig sabihin ng tumigil? Oo, maling-mali na mahuli sa trabaho si Diann at kasalanan ko yon!"

"Kuya.." hawak ko sa kaniya.

"Pero bakit kailangan ipahiya si Diann?" Napatingin ako kay kuya James na biglang tumawa.

"Bakit ba lagi niyo na lang siya pinagtatanggol? Kaya nasasanay maging baby ehh." 

"Anong baby?" Hindi ko na naiwasang pag-taasan siya ng boses. Excuse me, baby? Really kuya James? Paano akong naging baby? Spoiled brat ganon? Aray ha!

"Tignan mo Noah, ng dahil sa inyo pinag-tataasan na ako ng boses. Sinasanay niyo kasi siya na makuha yung mga gusto niya." at nilipat ni kuya James tingin niya sa akin.

"Ikaw." sabay duro sa akin. Nagulat ako sa pagtapik ni kuya Noah sa daliri ni kuya James na nakaduro sa akin. 

"Naiines na ako ha." then I saw him clenched his jaw and made an intense eye contact to kuya James, I unconsciously held kuya Noah's hands to prevent him from something he could do. Natatakot na ako.

"Oh, bakit? Susuntukin mo ko ha?!" Biglang paghamon ni kuya James at dinibdiban ito. Kaya gumanti rin si kuya Noah.

"Please! Tumigil na kayo! Tinitignan na tayo ng mga empleyado dito!" Tumulo na luha ko, hindi ko pa nakikitang magalit ng ganito si kuya Noah ehh, yung mga mata niya, hindi ko na makilala. Kapag nagagalit naman si kuya James ang nagpapa amo lang sa kaniya si kuya Luke pero wala siya para pakalmahin si kuya James! 

Napasinghap ako dahil hinawakan na ni kuya James si kuya Noah sa kwelyo nito kaya ganon na rin ginawa nung isa. Buti na lang talaga mga empleyado lang ang nakakakita nito pag kasi pag ibang tao na pwede na 'to maka-apekto sa restaurant eh. But please! Don't just stand there, help me!

"Ano?! Kating-kati ka na sa pagsuntok sa akin? Dali! Nag-aantay ako!" Nanlalabo na paningin ko kaya pinunasan ko muna ito saka pumagitna sa kanila.

"Ano ba?! Hindi ba kayo titigil? Hindi ba kayo nahihiya?" Hagulgol ko at tinignan silang dalawa.

"Pati yung away niyo dinadala niyo sa ibang lugar!" At tumingin ako kay kuya James na nakatitig pa rin kay kuya Noah.

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now