Chapter 11 - Photo shoot

133 3 0
                                    


Audrey Diann's 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Audrey Diann's 

Siya ba talaga yun? Bakit ang laki ng pinag-bago niya? Nung huli naming kita which is last 3 years ago, lagi siyang naka cap at black shirt at black pants. Para ngang may pinaglalamayan sa soot niya eh. Kahapon, naka formal suit siya, ibang-iba sa soot niya noon. Tapos yung buhok ang haba na compared noon. Laki nang pinag-bago niya, ganon ba talaga mga lalaki?

Maaga akong gumising ngayon at nag-jogging sa loob ng village namin. Medyo maliwanag na nung lumabas ako kaya hindi na rin ako mag-tatagal dahil may pasok pa ako mamayang 8 sa LBD. Then diretso na ako sa restaurant ng 12 noon. Tumigil ako sa kalagitnaan ng pag-jajogging nang may tumawag sa phone ko habang nakasalampak sa tainga ko yung earphones. 

"Hello?" After ko pindutin yung phone button sa earphones.

"Diann." kuya Noah's voice.

"Mamayang, 9 may photoshoot tayong dalawa. Kasama natin si Tom Berroya."

"Agad-agad?" Bigla ako nakaramdam ng pagod nung tumigil ako sa pagtakbo.

"Yes. So umuwi ka na dito at mag-ayos kana. Mga 7:30 aalis na tayo." 

"Yes po." At binaba ko na yung tawag. Hayy, makakasama namin siya? Saka hindi pa alam ni kuya na siya yung naka-date ko last 3 years ago. Sasabihin ko ba? Hindi na siguro siya magagalit dahil sa taon na rin naman ang nakakalipas kaya naka-move on na silang lahat.


"Hindi ka pa kumakain no?" Tanong ni kuya Noah, kami ay umalis na siya ang nagmamaneho ngayon. Rest day kasi ng driver namin kaya si kuya na ang nag-kusa. Tumango ako at chineck ko phone ko nung may nag-text. Napangiti na lang ako nang mag-flash sa screen pangalan ni Zach.


"Don't forget to eat your breakfast. Love you."  

"Gusto mo bang kumain sa fast food?" kuya Noah.

"Drive-thru na lang tayo. Kailangan din natin pumunta ng maaga dun at baka magalit yung staff kapag na-late tayo." I suggested. 

"Okay." At luminga-linga siya sa kalsada para maghanap ng malapit sa fast food chain. 30 minutes kasi ang layo ng LDB mula sa bahay ehh kapag nagtigil pa kami para kumain male-late na kami. Nakakahiya naman sa Thomas na yun, lalo na't first time namin siya makaka trabaho.

"Ah, kuya?" 

"Hmm?"

"Do you still remember what happened last 3 years ago?"

"Diann, there are bunch of events that happened last 3 years ago. Can you be more specific?" at nirolyo ko na lang mata ko sa pamimilosopo niya.

"The date." tipid kong sagot.

"And, what about that?" napahawak ako ng maigi sa phone ko, bakit ba ako kinakabahan?

"Ahm, yung naka-date ko po kasi noon, si Tom Berroya."  Napatingin siya sa akin at binalik agad ang mata sa kalsada.

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now