Prologue

1.1K 28 2
                                    

"Kuya!! Tama na!" natatawang sabi ni Audrey.

"No, hindi titigil si kuya! Parusa mo 'to bunso sa pag gising sa akin" natatawa ring sabi ni Luke sa kapatid nya at tumigil na sa pagkiliti kay Audrey, naghabol ng hininga ang bata at humiga si Luke sa tabi nya at ito ngayon ay nakatingin sa kisame.

"Wala po kasi akong kalaro, si kuya Noah busy po sa pag gawa ng assignment." nag pout naman si Audrey na ikinatawa naman ni Luke at pinisil pisnge nito.

"Ikaw kuya hindi ka ba busy?" Iling na lang ang sinagot ng binata at humarap kay Audrey at dinampian ng halik sa noo.

"Hindi bunso, sabi ng monster naming professor, kailangan naming magpahinga. Kasi malapit na graduation namin." At napatakip ng bibig si Audrey na para bang natakot sa sinabi ng kuya nya.

"Talaga kuya?"

"Yes bunso.. Sobrang nakakatakot sya. Parang ganito..." at kiniliti naman ng binata si Audrey at tumawa naman ito ng malakas.

"Kuya! Tama na!" at tumigil naman si Luke.

"Hindi na nakakatuwa kuya ah."

"Pero tumatawa ka.." at tumawa ulet ung binata.

"Kasi kinikiliti mo ako!" napa iling na lang si Luke sa sinabi ni Audrey at ngumiti. Sa murang edad kung mag isip na 'to parang matanda na. Habang naglalaro ung mag kuya, pumasok na sa eksena si Noah, ng makita ito ng bata agad itong bumaba sa kama at tumakbo papunta kay Noah na kaagad namang kinarga ng binata at dinampian ito ng halik sa pisnge na nagpahagikgik sa bata. Tumingin si Noah kay Luke at kung makikita sa mga mata nito parang may ibabalita syang hindi maganda.

"Ano problema Noah?"

"Si Tita..." tinutukoy ni Noah ung mommy ni Audrey.

"Ano nangyari!?"

"Car accident... And dead on arrival." at dun na umiyak si Audrey kaya biglang nag panic ung dalawa.

"Shh baby.. Wag ng umiyak." sabi ni Luke at kinuha si Audrey kay Noah at hinimas himas ung likod ng bata.

"My mommy is dead!" lumapit si Noah at kiniss nya ito sa pisnge.

"I'm sorry bunso.." medyo tumigil na sa pag iyak si Audrey at tumingin kay Noah na kaagad namang pinunasan ng binata ung luha nito.

"Pero.. B-bakit kailangang mangyari kay mommy 'to?" sabi ni Audrey at umiyak ulit kaya binigay na ni Luke si Audrey kay Noah, humigpit naman ung yakap ni Audrey sa kuya nya na ikinangiti ng konti ng dalawa.

"Don't worry bunso. Kahit wala na si Tita Mommy, lagi lang sya nasa tabi mo. Hindi sya mawawala, kaya lang hindi mo nga lang sya makikita." ng sabihin un ni Noah kumalas ung bata sa pagkakayakap sa kuya nya at tinitigan sa mata.

"Totoo kuya?" sabay punas sa luha.

"Yes bunso, kaya wag ka ng umiyak, mas lalong malulungkot si Tita pag nakita nyang ung kaisa-isa naming prinsesa naiyak. Atsaka papanget ka nyan sige ka." at bigla na lang ngumiti si Audrey sa sinabi ni Noah.

"Atsaka andito naman kaming mga kuya mo hindi ka namin iiwan..." sabi ni Luke at kiniss sa noo si Audrey. Binigyan naman ng bata ng tig-isang kiss ung dalawang kuya nya at niyakap sila.

"I love you so much kuya Luke at kuya Noah" ngumiti naman ung dalawang binata sa sinabi ni Audrey.

"We love you too bunso.." sabi naman nung dalawa


A/N: hello^^ kamusta ung kwento? Hehe! Ayos ba? So.. Ung next chapter.. Gagawin ko na lang pag ginanahan aq.. Wahaha! Geh byiiee!!

My 15 Brothers And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon