Chapter 30 - B

82 1 0
                                    

A/N: Waahhh 3k reads na story natin guys! Hindi 'to mangyayari without you guys! Salamat sa pagsuporta ng aking libro kahit umabot na 'to ng taon... I will tell you guys the reason bakit tumagal ng ganon itong libro ko, soon! <3

I decided to go home and pack some clothes, konti lang naman. Gusto ko muna  makasama si Monique kahit isang gabi lang, I really need her right now. And since hindi ako marunong magmaneho, hinila ko siya para samahan ako sa bahay.

"Dapat may bayad ako dito, Diann ha." ngumisi na lang ako at lumabas na ng unit niya. Sumunod na siya sa akin at dumiretso na kami sa may elevator, pinindot yung button don at inantay pumanhik yung elevator. Hindi nagtagal ay bumukas na ito at pumasok na kami. 

Kwentuhan lang ginawa namin sa loob, wala ring mga kasama kaya free na free humalakhak si Monique. Dahil sa tawa hindi ko na rin mapigilang sumabay. Makalipas ang dalawang minuto ay bumukas na ang elevator sa ground floor, at siya ring tigil ko sa paghakbang nang makita si Zach na papasok sa elevator na sinasakyan namin ngayon. Napawi ang ngiti ko nang ilipat ko sa kasama niya yung tingin ko, nadatnan kong nakakawit ang braso ni Winter sa braso ni Zach.

Nang mapansin yun ng boyfriend ko ay agad niya itong kinalas. 

"D-Diann," tawag niya sa akin nang lagpasan ko siya. 

"Putangina mo, Zachary!" sigaw ni Monique sa lobby. Patuloy pa rin ang pag-tawag sa akin ni Zach hanggang sa palapit na palapit na rin yung boses niya sa akin. Saka ko lang naramdamang may humawak sa palapulsuhan ko nang makarating kami sa labas, agad kong binungad siya ng sampal pagkaharap na pagkaharap ko sa kaniya.

"Pagod ako, Zach. Bukas na tayo mag-usap." Then I gave him a cold glare.

"L-let me explain,"

"Please bukas na lang. Wala ako sa mood makipag-usap sa'yo." agad kong naramdaman ang pag-luwag ng mga kamay niya sa palapulsuhan ko at yun na ang pagkakataon ko para umalis. Hindi man nagsasalita si Monique sa likod ko pero alam kong kasama ko siya. Nakita ko agad ang kotse niya, inalis niya alarm nito at saka ako dumiretso sa passenger's seat.

Pumikit ako at sinandal ulo ko sa back rest. Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan sa driver's seat at ang pagsara nito.

"Diann,"

"Uwi muna tayo, kukuha lang ako ng damit." at tumingin sa kaniya, nakita ko ang mga mata niyang nagbabadya ng luha.

"O-oh. Bakit ka naiyak?" natatawa kong sabi.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit eh." 

"H-ha?"

"Eh kasi naman, sampal lang binigay mo sa kaniya kaya gusto ko magalit. Pero natatawa ako dahil sa reaksyon niya." ngumiti ako at niyakap siya. 

"I don't deserve a jerk like him. Hindi ko aaksayahin yung luha ko sa mga lalaking katulad niya." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at kinurot ilong ko. 

"Aray naman."

"That's my girl." at nagtawanan kami. Nagsimula nang magmaneho si Monique at nagpatugtog na siya ng mga maiingay na musika. Sinasabayan lang namin 'yon sa byahe. 

Reminiscing my moments with Zach suddenly hit me. Dami naming pangako sa isa't-isa pero nang dahil lang sa pagtatraydor niya sa akin, sa isang iglap mawawala lahat 'yon. 

Maybe I'm not good enough for him kaya naghanap siya ng iba. 

Sinandal ko ulo ko sa bintana at tinignan yung mga tindahan at shops. May mga pamilya, magkakaibigan, magkasintahan na pumapasok sa mga establishments. Sa pagtulo ng luha ko siya namang sabay ng buhos ng ulan, kaya yung mga taong nasa labas, nasa sidewalk ay naghanap agad ng masisilungan. 

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now