Chapter 25 - Conflict

78 1 0
                                    


"You should go now, Zach." I insist. Masyado na akong abala kay Zach. Lumipas na ang dalawang araw simula nung nagkamalay si dad. At si Zach hindi pa rin umuuwi. Pinahiram na nga ni kuya Ethan ng mga damit niya eh. 

"I'm fine, really. I want to stay here." 

"But you have to work. And I'm sure tambak na ang mga gawain mo don." He sighed and nodded as the sign of defeat.

"You can visit anytime here. Just don't skip your responsibilities at work. Konsensiya ko ang kalaban ko if you do that." Pagod siyang ngumiti. 

"Okay, if my girlfriend say so. Just let me say my goodbye to Tito. Mamimiss ako non pag hindi ako nag-paalam." natawa na lang ako at tumango. 

Since dad regained his consciousness, parang hindi siya inatake. He is still my old man, with his talkative manner, his corny jokes and  hard-headed attitude. Gusto na nga niyang alisin yung mga naka kabit sa kaniya dahil magaling na raw siya. Well ang sabi ng doctor, kailangan pa raw obserbahan si dad for at least 1 to 2 months. 

Nang pumasok na kami sa kwarto, naabutan naming nagtatawanan si tita mommy at daddy. Nang mapansin kami ay lalong lumapad ang ngiti ni Daddy.

"Anong meron 'nak?" Nagmano muna si Zach bago sagutin ang sagot ni Daddy.

"Aalis na po sana ako, Tito." 

"Bakit naman?" 

"Pinapaalis na ako-" Pinalo ko siya para putulin ang kalokohang sinasabi niya.

"Dad, may kailangan pang gawin si Zach." Tumango siya at ngumiti.

"Sige na, Zach. Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Ngumiti ang boyfriend ko at tumulak na. 

Inasikaso ko na ang aming kakainin sa tanghalian. Tinulungan ako ng mga katulong sa paghahanda. Si kuya Luke ay bumalik na sa trabaho, ganon din si kuya James. Tanging si kuya Matt, kuya Ethan, kuya KD at si Kiel lang ang nandito, yung tatlong itlog mamayang gabi pa aalis. Si Kiel, hindi ko na alam ang gusto nito mangyari sa buhay. Pero ang sabi naman ng mga katulong lagi naman raw natulong si Kiel dito sa gawaing bahay. Lalo nung dumating si Daddy, sobrang aligaga raw niya dito. 

"Kiel, tawagin mo na sila kuya. At kakain na tayo." Tawag ko sa kaniya habang nag-aasikaso kaming dalawa nang mga pinggan sa hapag.

"Okay po." at tumakbo na siya papunta sa hagdanan para puntahan na ang iba naming kapatid sa kani-kanilang kwarto. 

Nakita ko ang isa naming katulong na palabas na sa kusina na may hawak-hawak na food tray.

"Para kay Papa yan?"

"Yes po, Miss Diann."

"Okay, andun na rin naman si Tita Mommy." 

"Okay po, Miss." at umalis na yung katulong. 

Hindi rin nagtagal ay nagbaba-an na mga kapatid ko at naglakad na patungo rito. Nag upuan na kaming lahat na naririto at naghanda na ng mga pagkain namin. Random lang mga pinag-uusapan namin. 

"So mga kuya, nakapag-decide na kayo na sa Heaven's na kayo magtatrabaho?"  Tanong ni Kean kila kuya Ethan.

"Ah, Yes. Same lang din naman ng rate na inaalok sa amin ni James saka don sa pinapasukan namin ngayon. Pero try pa namin utuin yon baka itaas." At nagtawanan kaming lahat sa biro ni kuya Matt.

"Baka kamo ibaba." si Kevin.

"Sus, hindi yon. Matitiis ba kami ni kuya?" si kuya KD.

"Oo naman." sagot ni kuya Isaac. Puro pang-aasar ang ginagawa nila kay kuya James ngayon tungkol sa pagiging bugnutin nito, habang ako nakikitawa na lang sa kanila. Nako, pasalamat kayo wala si kuya James ngayon dito. 

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now