Chapter 46 - Out of Town

55 4 2
                                    

I'm done taking my breakfast, ngayon dumiretso na ako sa kusina para kumuha pa ng tubig. Pero habang nagsasalin ako may naramdaman akong pumasok sa loob ng kusina at nakita ko si kuya Noah na mukhang didiretso din sa ref para kumuha ng kung ano man pero mukhang nagulat rin siya sa presensiya ko kaya basang-basa ko kilos niya kung tutuloy pa ba siya o hindi. 

Dahil nakaharang ako sa pintuan ng ref ngayon ay tumabi ako para maka access siya sa ref. Nang malagyan ko na ng tubig yung baso ko ay ininom ko na 'to. Pinagmamasdan ko lang siya habang may kinukuha siya ngayon sa ref, nakita kong kinuha niya yung fresh milk at direktang uminom rito. 

Nakita ko kung paano gumalaw yung adam's apple niya habang iniinom niya yon. Hindi ko na naalala yung iniinom ko kaya yung tubig ay umakyat na sa ilong ko at may pumasok nang tubig don kaya bigla akong naubo at napapikit na sa sakit.

Ano Audrey Diann? Okay ka lang?

"Are you okay?" tanong niya. Tumango na lang ako, at naramdaman ko paghagod niya sa likod ko kaya bigla akong napalayo. 

"O-okay lang ako." at umubo-ubo pa rin ako habang nakatingin sa kaniya. Lalapit na sana ulit siya pero kumaripas na ako ng takbo palabas ng kusina. 

Nang makarating na ako sa sasakyan ko ay huminga muna ako ng malalim. Naramdaman ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahil siguro 'to sa pagtakbo ko kanina. Napailing na lang ako sa isang ideya na pumasok sa isip ko at bigla akong umiling. 

"Imposible yun," at tumawa na lang ako sa kawalan at pinaandar na ang sasakyan ko  at umalis na. 

"Sama ka?" tanong ni kuya Matt sa akin habang nandito kami ngayon sa veranda ng restaurant at kumakain ng tanghalian.

"Of course, Matthew. Buong Briones nga 'di ba?" singit ni kuya James. 

"Syempre, baka hindi mo payagan dahil may trabaho siya." Kumunot na noo ko habang nagtatalo yung dalawa. Habang si kuya Ethan ay tahimik lang at kuya KD. 

"Ano bang meron?" Napansin ko ang pag-lagok ng tubig ni kuya KD sa baso niya. 

"Outing daw, nag-aya si kuya Noah eh." sagot niya sa tanong ko. Tumango-tango ako. 

Naalala ko bigla yung pagpaplano niya ng outing isang taon na ang nakakalipas, matutuloy sana yun kung hindi lang nangyari kay Papa 'yun.

"Plano na ni kuya yan dati." natigil sila sa pagsasalita nang sabihin ko yun, lalo na si kuya Ethan na matalim na ang tingin sa akin ngayon. 

"Kailan pa?" tanong niya. 

"A year ago, before Dad left us." 

"Bakit hindi sinasabi sa amin?" nahimigan ko na ang pagkairita ni kuya Ethan sa boses niya na kahit sila kuya KD, kuya Matt at kuya James ay napatingin na sa kaniya.

"Plano pa lang naman yun kuya-"

"Kahit na," putol niya, dahil sa inis niya ay tumayo na agad siya nang hindi kami tinitignan at umalis na. 

"Anong problema non?" tanong ni kuya Matt. Nag kibit-balikat na lang sila kuya James at sinundan na lang ng tingin si kuya Ethan na pababa na ngayon. 

Lumipas na ang ilang araw at ang iba kong kapatid ay abala na sa pagpaplano sa outing na sinasabi nila.

Since busy sila Andre at ang kambal sa school hindi na sila makakauwi. Si Mommy naman ay inaaya namin kaso lang mukhang hindi pa kaya umuwi ng Pilipinas. 

"Ate, pasuyo naman sa mga container para mailagay na don yung mga pagkain natin." Tumango ako at tinuro sa akin ni Kiel saan nakalagay ang mga container. Nasa bodega pa raw, pero naibaba na nila kuya Matt yun, kukunin ko na lang. 

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now