Chapter 26 - Re-Opening

88 2 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


A/N: Ayon guys! Before kayo mag proceed sa next chap promote ko lang new story ko! Peanut and Butter! Yung pic sa taas yung book cover ng new story ko!


Chapter 26

Months passed at umaayos na ulit yung lagay ni Daddy. Yung renovation rin ng restaurant ay tapos na. Pumirma na rin sila kuya Ethan, kuya Matt at kuya KD ng kontrata kay kuya James. Naeexcite na ako dahil ngayon na ang ribbon cutting ng Heaven's. So lahat kaming magkakapatid ay dadalo, pati na rin ang mga pamilya nila kuya Luke at kuya Ison.

At since ngayon ang re-opening ng aming restaurant may hinandang buffet si kuya James don, at may mga new dishes siyang nilagay sa buffet which is nakaka excite dahil matitikman ko na yon. Mga nakakaraang buwan kasi bukod sa busy si kuya sa pag-aasikaso ng renovation, inabala niya rin sarili niya sa pag-gawa ng mga new dishes dito sa bahay. Eh ayaw akong patikimin ni kuya, ang lagi lang taga tikim ng mga dishes niya si Kiel.

Bilang rin ang mga bisita ni kuya James kaya sakto lang din yung niluto ng mga chefs. 

Zach is invited too, kaya inaantay ko na lang siya dito sa salas. Dahil susunduin niya raw ako. 

Wearing short A-Line Maroon dress, together with the necklace that Zach gave me, gold purse and gold pumps.

I got bored scrolling my Facebook kaya binaba ko na ang phone ko, pag-angat ko ng ulo ko ay sumakto sa dining area at napansin ko ang pagtingin ni kuya Noah sa akin. Bigla akong napaiwas ng tingin at ginala ang aking mata. 

I saw Kiel is struggling with his tie. Tumayo ako at pumunta sa kaniya. 

"Let me," binitawan niya yung tie niya at ako na ang nag-ayos non. Sumulyap ulit ako kay kuya Noah at nakita kong nakatutok na siya sa phone niya. 

After what I did in the studio at matapos akong pangaralan ni kuya Ethan, bigla akong nahiya sa sarili ko. Oo, medyo galit pa rin ako sa kaniya pero mas nangingibabaw na yung hiya ko para sa sarili ko. 

I'm too emotional that time, pinangunahan ako ng galit ko. He tried to approach and talk to me pero ako na yung unang umiiwas. Hanggang sa tumigil na siya sa pag lapit sa akin. 

Ang hirap, sa totoo lang. Ang laki-laki ng bahay namin pero lagi kaming nagkaka salubungan. At sa tuwing nangyayari yon laging nagkakaroon ng karera sa dibdib ko. 

"Ayan." at hinaplos ko yung tie niya.

"Thanks, Ate!" ngumiti ako ng bigyan niya ako ng halik sa pisngi.

Maya't-maya pa ay umaalis na rin mga kapatid ko sa kani-kanilang mga sasakyan, kahit sila Daddy umalis na rin. Paano alas dose ang simula ng event, yung sundo ko wala pa eh 11:15 na. Babyahe pa kami. Hanggang sa ako na lang ang natira sa salas.

"Susunduin ka ba ni Zach?" nagulat ako sa nagsalita at nakita si kuya Noah na umupo sa sofa sa tabi ko, akala ko umalis na siya kanina. Kasi biglang tumahimik yung bahay eh. Agad kong inabala yung sarili ko sa pagtitipa ng aking cellphone at niratrat na si Zach ng text.

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now