Chapter 20 - Annoyed

91 2 0
                                    

"Ilang shots na lang Diann... Okay! Thank you! Tom, Noah. Kayo na!" Sigaw ni Grad. Umalis na ako sa harap ng camera at nilapitan agad ako ng stylist at make-up artist ko. Samantalang si kuya Noah at Thomas ay nagsimula na rin.

"Well done, Diann!" puri niya habang chinecheck niya yung mga shots ko sa laptop. Hindi rin nagtagal tumingin na siya kung saan nakatayo yung dalawa.

"Madam, change outfit na po kayo." Napatingin ako sa organizer namin na naka-focus ngayon sa laptop. 

"Grad, marami pa ba akong shoot ngayon?" napalingon siya sakin at napawi ang ngiti. 

"Isa na lang, after nito kayong tatlo na." Kanina pa kasi kami nandito. Ang unang kinuhanan si Tom, tapos si kuya. Then by partner, ako si kuya, then si Tom at ako. Tapos ngayon silang dalawa naman. 

"Okay." I replied, pumunta na ako sa dressing room at umupo na sa pwesto ko. Bago ako magpalit ng damit, inayos ulit ng hair stylist ko yung buhok ko. Hindi rin nagtagal make-up naman ang inayo sa akin ngayon.

"Madam, tingin po kayo sa taas." Sabi ni Misty, ang make-up artist ko.

"Stop calling me Madam, Misty. Ang tagal-tagal ko nang sinasabi sa'yo yan." 

"Sorry po Miss. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako pag Miss lang tawag ko sa iyo." 

"Ako naman ay naiilang sa pagtawag mo ng Madam sa akin. Wala pa akong anak." At nagtawanan lang kami sa birong 'yon. 

"Pero Miss Diann..." 

"Hmmm.." Nakapikit na ako ngayon dahil nakafocus na siya sa talukap ng mata ko.

"Nung mga nakakaraan napapansin ko lang, parang parehas kayo ng mata ni sir Tom." Nang hindi ko na maramdaman yung brush sa mata ko ay sumulyap na ako sa kaniya. 

"Bakit mo naman nasabi?" natatawa kong tanong.

"Kasi yung mga paraan niyo po ng pagtingin parehas. May mga times po kasi na ganon."

"Hmm, siguro. Pero marami na nagsasabi sa akin na may mga kahawig daw ako. Kaya hindi na bago sa akin yan." Nag-kibit balikat na lang siya at tinanggal na ang mga excess na make-up product sa mukha ko. Pagkatapos ko ron ay agad akong nagpalit ng damit.

"Audrey Diann, pakibilisan. Matatapos na si Noah at Tom." Napalingon sa akin yung mga stylist ko nang sumigaw mula sa labas si Grad. Inirapan ko na lang siya at hindi na sumagot. Ang init lagi ng dugo sakin non. Letse!

Narinig ko ang mahinang hagikgikan ng mga kasama ko. Napangiti na lang ako at inayos na lang ng stylist ko ang mga gusot na parte ng damit. Lumabas na kami at nakita ko si Grad na naka abang sa may pintuan, dinaanan ko lang siya at pumunta sa kinatatayuan ng dalawa.

"Okay ka lang?" Tanong ni Tom.  Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Ano ginawa ko?" angal niya. 

"Okay ka lang, Diann?" 

"Gusto ko lang umuwi, kuya. Marami pa kaming aasikasuhin ni ate Gianna." Narinig ko ang kaniyang buntog hininga at hindi na nagsalita. Naging maayos naman ang daloy ng shoot naming tatlo. May mga shots na nakaharap ako kay kuya, may mga shots naman na nakaharap ako kay Thomas. Buti na lang puro praises at compliments ang natatanggap namin sa photographer. At ni isang salita wala ako narinig kay Grad.

Natapos ang shoot namin kaya mabilis rin ako nag-asikaso ng sarili. Nang matapos lumabas nako ng studio, si kuya Noah daw maghahatid sa akin pero may gagawin lang daw siya saglit kaya pinauna na ako sa sasakyan niya.

"Miss...Miss Diann!" Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa tumawag sa akin.

"Bakit?" Hindi agad nagsalita  si Misty at hinabol ang kaniyang hininga.

My 15 Brothers And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon