KABANATA 4

1.5K 53 2
                                    

Meet again

That scene kept inside their mind even the next next days. Hindi madali sa kanilang kalimutan iyon dahil sangkot ang isang sikat at kilalang tao rito sa unibersidad. I don't know if I was the one who they are throwing hate or that girl who pushed me. Dahil ba sa ipinagtanggol ako ni Yahwi at napahiya ang babaeng iyon kaya siya ang mas kinampihan. I tried my best to avoid those people para makaiwas ako sa mga sasabihin nila. Especially that man...

When I got to see and meet him halfway, ako ang uunang iiwas at liliko ng daan para hindi kami magkasalamuha. Hindi rin naman niya ako napapansin at hindi ako kailanman magpapapansin sa kanya.

"I heard you dump some girls again, Yahwi. Why is that na naman, huh?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan niya. Kahit na nakasuot ako ng earphone at malakas na ang volume ng patugtog ko roon ay hindi pa rin talaga nakatakas sa pandinig ko. I slowly took it off.

"I don't like them."

Iniangat ko ang mukha ko para hanapin kung saan sila at nanlaki ang mga mata ko nang nasa dulo pala sila ng hallway at madadaan ko sakali iyon. Nakahalukipkip siyang nakasandal sa pader habang nakaangat ang isang paa at nakatukod roon. Bagot siyang nakatingin sa harap niya habang ang mga kausap ay nakaupo sa bench na naroon. Mga officers pala ang mga iyon.

"Palagi namang ayaw mo sa mga nagbibigay sayo ng motibo eh," iling-iling na ani ng isang lalaki.

Yahwi remained silent and didn't bother to answer. Hindi ko rin alam kung bakit nakikinig pa ako sa usapan nila.

"Wala pa akong nababalitaang girlfriend mo!"

He just shrugged it off and raked his hair. "You know that I don't want a girlfriend."

Natatawang napairap ang ilang babaeng kasamahan niya roon at napailing-iling rin ang mga kalalakihan dahil sa narinig na sagot mula kay Yahwi. I got confused and bewildered.

"Sayang!" Hagikgik ng mga senior ko. Nagulat ako nang bigla iyong napatingin sa pwesto ko at ngiting kumaway.

"Gov!" Sigaw niyon at hindi ko alam kung paano ako mag-rereact gayong nasa bandang pwesto ko ang lahat ng mga mata nila.

I gasped when his eyes fixed to me that I quickly turned my back from them but I was welcomed with a body. Muntik na akong mapaupo dahil sa saktong pagkaharap ko ay nabangga ako sa isang malapad na dibdib. Namumula ang mukhang tiningala ko siya at mabilis ring napalayo nang makitang ang governor ng department pala namin iyon.

"S-Sorry, gov!" Kagat ang labing paumanhin ko at mariing napahawak ako sa cellphone kong dala.

He chuckled and lightly messed my hair. "Okay lang," and he smiled.

Kaya wala sa sariling napangiti na rin ako dahil nadala ako ng ngiti niyang iyon. Medyo umawang ang labi niya at mabilis na tinanggal ang kamay sa ulo ko na mukhang napaso na ewan.

"Sorry po talaga, hindi kita nakita..." Malumanay na sabi ko at tumitig sa kanya.

"Uh, what's your name again?"

"Miyuki po, Gov." I smiled at him and he coughed as if faked. Kinagat ko ang labi sa naisip.

"I am-"

"Kilala na po kita Gov. Blythe po... hindi ba?"

"Uh, yes, yes... I'm glad you know me then," matamis na ngiti niya kaya bahagyang uminit ang pisngi ko.

"Gov! Tara na!" Sigaw iyon mula sa likod ko at mukhang naiinip na sa kahihintay kay Gov.

"Uh, sige gov at mauuna na ako-"

"Just... You can call me Blythe, Yuki."

"Po?"

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon