KABANATA 66

977 44 37
                                    

Pretty and her Child

Nanatili ako sa Barcelona at hinintay ang araw ng Arts Fair. Gaya ng sabi ni Yahwi ay tutulungan niya akong makauwi ng Pilipinas kapag itutuloy ko ang pagsali roon. Hindi na ako umangal pa at pumayag na lang sa kagustuhan niya. Ginamit ko ang ilang pera ko sa pagbili ng mga bagay na magagamit ko pero hindi ko pala afford kaya nadagdagan ang utang na babayaran ko sa kanya. Sa huli ay siya ang bumili lahat.

Huling linggo ng February ang unang linggo ng Arts Fair. Sa unang araw ay ibang events pa ang nangyari kaya hindi na ako dumalo pa. Si Yahwi lang pumunta dahil kailangan niya. Panigurado nandodoon din siguro si Alexa. Ayaw ko nang isipan pa kung nagkasama ba sila doon o ano. Sa pangatlong gabi lang ako sumama dahil aniya ay kailangan daw naming mga kasali ang makidalo.

Sabay kaming bumaba sa minaneho niyang kotse. Sinadya kong nagmadali sa pagbukas bago pa niya ako pagbuksan. May bumati agad sa kanya nang makita. Sumabay siya sa paglalakad sa akin.

Gaya ko ay pareho kaming naka-tuxedo ng itim at puting dress shirt sa loob, at may kasama pang bowtie sa may leeg. Itim rin ang trousers na suot namin at pareho din ang suot na itim na leather shoes. Sabay pa naming binili ang mga damit namin ngayon at pinadagdag ko na lang sa utang ko ang nagastos.

His hair was neatly brushed up but some of his hair strands fell both in the side of his forehead. Malinis ring naahitan ang panga niya. Samantalanga ko, never pang nag-ahit dahil wala namang aahitan!

He was fixing his wrist watch when he noticed me staring at him intensely. He gave me a smug grin after playfully licked his lip. Napaiwas ako agad at itinago ang pamumula. Nagmadali na lang ako at mas inunahan siyang maglakad. Una akong pumasok pero bigla ay pinigilan ako ng dalawang guard na nakabantay sa glass door papasok.

"¿Eres invitado aquí, señor?" Are you guest here, sir?

Natulos ako sa kinatatayuan at nangangapa ng sasabihin gayong hindi ko iyon naintindihan. Seryoso ang mukha nilang dalawa at titig na titig sa akin at tila nagdududa. Hindi ba ako mukhang imbitado?! Maayos naman ang damit ko at presentable ah!

"Vete a la mierda. Él está conmigo." Fuck off. He's with me.

Tatalikod na sana ako at aalis nang mapasulyap ako agad kay Yahwi nang magsalita, nasa tabi ko na at nakahawak ang palad sa likod ng bewang ko. Halos mapahinga ako ng maluwag at ngiting tiningala siya. Pero seryoso rin at walang bahid na kung anong emosyon sa mukha niya habang kaharap ang dalawang guard. Napaatras silang dakawa at agad kaming pinagbuksan.

"! ¡Lo siento, señor!" Yes! I am sorry, sir!

Hindi sila pinansin pa ni Yahwi at binalewala. Nagpatianod ako sa hawak niya at tuloy-tuloy kaming naglakad papasok. Bahagya pa akong napapikit nang sumalubong sa amin ang maraming flash ng camera. Lumayo ako pero naagapang naabot ni Yahwi ang palad ko at sininyesan silang huwag kumuha ng litrato sa amin. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko at pagririgodon.

"¿Quién está con usted, señor Fonteverde?" Who is with you, Mr. Fonteverde?

"¿es el tu amigo?" Is he your friend?

"¿Es su amante, señor Fonteverde?" Is he your lover, Mr. Fonteverde?

Ni isang tanong nila ay hindi nag-abalang sinagot ni Yahwi. Kabadong-kabado ako dahil panay ang kuha nila ng litrato sa amin. Tapos parang gusto pa ni Yahwi! Hindi ko mahila ang kamay kong hawak niya dahil sa higpit at ayaw niya akong pakawalan. Hinila niya rin ako palayo roon at hindi naman sila pwedeng sumunod pa at lumagpas papasok. Halos makahinga naman ako ng maluwag at sisitahin pa sana siya pero hindi ko na naituloy. Hindi ko aakalaing sunod na makakasalubong namin si Alexa!

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon