WAKAS

1.6K 50 48
                                    

[Hi, peaches! Thank you so much for reading my first BL story! But sad to say, need na yata nating magpaalam ngayon sa kanila. All I Ever Need is ending now. This is the final chapter of Miyuki's POV. Dito na magtatapos ang lahat! Sa next chapter ay ang POV ni Yahwi. Pero hindi ko maipapangakong maisusulat ko agad kasi hindi ko pa yata kaya. Hindi ko pa kayang i-end ng tuluyan ang kuwento nila! Pero sobrang nagpasasalamat ako sa inyong lahat na nagbasa at nag-abang sa story nila!! Thank you so, so, so much po! Hindi niyo alam kung gaano niyo ako pinapasaya! Salamat po talaga ng marami! Hope you all are doing fine! Enjoy reading! Love you!]

I do

Dumating ang araw ng kasal ni ate Angge. Dahil Sabado naman ay wala akong pasok at libre ang araw ko at walang trabaho. Maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili dahil didiretso na ako sa simbahan. Hindi ko alam kung inimbitahan ba talaga ni ate Angge si Yahwi. Imposible namang hindi. Siguro magkikita na lang kami roon. Nakalimutan ko rin kasing ipinaalam sa kanya dahil nawala sa isip ko sa araw na iyon.

Simpleng white shortsleeve button down shirt at vintage pants ang suot ko saka isang pares ng white sneakers. I slightly tucked in my shirt and unbuttoned the first two buttons above my chest. Sinusuot ko pa rin ang lumang relo ko kahit na hindi na gumagana. Nasa loob pa rin ng locket ang luma naming litrato ni Yahwi. Kaya hindi ko naman kaya at basta-basta na lang itapon o ibenta.

Iniwanan ko si Hyerin kina Calla at pinabantayan. Makikisabay rin sana ako kay Chanwoo dahil naimbita rin pero hindi makakapunta dahil may inaasikasong ibang bagay. Nag-commute na lang ako papunta sa simbahan kung saan magaganap ang kasal. Wala pang masyadong tao nang makarating ako sa loob ng simbahan pero hindi ko inaasahang makakasalubong ko sina Blythe at kasama niya si Brian. Ilang taon na rin nang huli kaming nagkita-kita. Umupo ako sa kung nasaan sila at nakipagkamustahan. Hanggang sa napunta tungkol kay Yahwi.

"So you're working for him?" Si Blythe.

Tumango ako. "Oo. Bakit, hindi pa ba kayo nagkikita?"

"Not yet. He doesn't want to!" He chuckled. "Alam niya kasing nagtatrabho sa akin si Brian," ngisi niya at sinulyapan si Brian na nasa tabi ko naman.

Sobrang laki na rin ng pinagbago ni Brian at mas lalong nag-matured ang katawan at mas lumaki. Mas matangkad rin siya kaysa kay Blythe. Iba na rin ang awra at mukhang masungit. Hindi na palakibo at medyo tahimik. Hindi gaya kay Blythe na mas naging playful at magaan lang ang awra niya.

"Nagkabalikan kayo, Kyum?" Iyon ang sunod na tanong niya habang nakaharap sa akin.

Ngumiti ako at ambang sasagot pa lang nang magsalita si Blythe at siya ang sumagot sa kanya.

"Selos ka?"

"Nagtatanong lang." Seryosong saad niya at malalim na tumitig sa kanya.

Napaismid lang si Blythe at nagkibit ng balikat bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko na nasagot ang naging tanong ni Brian dahil sabay-sabay na nagsipasukan ang mga bisita. Wala pa ang bride pero nakapuwesto na ang groom sa harap at halos lahat ng bisita ay narito na kaya naghintay pa kami para sa kanya. Inakala naming lahat na bride na ang pumasok kaya sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan. Umawang ang labi ko nang makita si Yahwi na kapapasok lang at abala sa paglilibot ng tingin animo'y may hinahanap. Balewala sa kanya ang mga tingin ng tao at mas sinuyod ng tingin ang loob. Formal siya sa suot na puting turtleneck na dmait at napatungan ng khaki coat at terno sa khaki pants niya.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon