KABANATA 51

765 32 25
                                    

Necklace

Hindi ko alam kung tototohanin ba talaga ni Yahwi ang sinabi niya kanina. Kung totoo man ay excited na ako! Wala namang bahid ng pagbibiro ang mukha niya kanina nang sabihin niya iyon eh. Kaya siguro gagawin niya at ipapakilala talaga siya sa akin! Ang excitement ko ay nahahaluhan din ng kaba at nerbyos dahil baka hindi ko alam ang tamang gagawin at maayos na sasabihin kapag mismong nagkaharap na talaga kami.

Matapos ang naging pag-uusap namin tungkol roon ay nanatili pa rin kami sa mesa. Hindi na siya umalis at hinintay naming dalawa ang tuluyang pagbaba ng lolo niya. Kaya lahat kami ngayon ay nakatayo at pumapalakpak habang pinapanood ang lolo niyang masayang nakangiti at puno ng galak ang mukha habang naglalakad. Dumiretso siya sa harap na kitang-kita ng lahat habang pinapakilala at may sinasabi ang MC tungkol sa kanya.

The patriarch of the Fonteverdes looks young and healthy. Hindi mukhang matanda na uugod-ugod na at nakatungkod. Kung hindi ay matikas at makisig pa rin ang katawan, halatang malakas pa at bata. Hapit at sumakto sa katawan ang gintong kulay ng american suit na suot niya. His posture is strong and dominative. It shouts for mighty and power.

And like Yahwi's hair, his medium-length platinum blonde hair was brushed up neatly. Malinis at poging tingnan sa mata ang mukha niya. Puti rin ang balbas sa pangahan niya at sa ibabang parte ng ilong. Hindi rin nakatakas ang pagkinang ng bughaw na kulay ng mga mata, senyales na may iba pero hindi basta-bastang lahi ang nananalaytay sa dugo niya.

Napasulyap ako kay Yahwi na nakatutok din ang atensyon sa lolo kahit pa abala siya sa pagpisil-pisil sa palad ko sa ilalim ng mesa, mahigpit at hindi niya mabitaw-bitawan mula kanina pa. May lahing pinagmanahan nga naman talaga. Their genes is exceptional. Kailangang ikalat at paramihin ang angkan. Hindi rin naman biro ang yaman nila kaya kahit ilan pa siguro ang i-produce na anak ng angkan niya ay okay lang. Mabubuhay at mabubuhay pa rin ng marangya at hindi maghihirap.

Sayang nga lang kung hindi siya magkakaroon ng mga anak na maibibilang sa angkan nila dahil lang sa ako ang gusto niyang makasama hanggang pagtanda. Eh, hindi at never naman akong magbubuntis. Hay. Pero kami kaya talaga hanggang sa huli?

Shit. Ito na naman ako sa mga iniisip.

Ipinilig ko na lang ang ulo at bago pa siya mapabaling sa akin ay umiwas na ako. Umupo ako agad nang matapos at nakinig na lang sa speech niya para sa lahat. Nagpatuloy ang kasiyahan at sayawan. Kumain na rin kami nang may magserve ng pagkain sa mesa namin.

Habang kumakain ay iginala ko ang tingin. Natuon ang atensyon ko sa mesa ng ALFA at pansin kong siya lang yata ang hindi kumakain. Tanging wine lang ang sinisimsim at abala sa sariling cellphone. May ilang kasama rin naman siya sa mesa niya at pansin kong halos lahat ay may pilak ding kulay ng buhok. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil ang cute lang nilang tingnan doon. Mas lalo na siguro kung lahat ng mamamataang may pilak at puting buhok rito sa loob ay makikisama sa kanila. Baka magmukha na silang isang angkan ng mga diyos at diwata.

"Yahwi,"

"Hmm?" Baling niya agad sa akin pero umangat rin ang kamay niya at may kung anong pinahid sa taas ng labi ko.

Naitikom ko ang bibig at mabilis na lumayo, iniwasan ang ginagawa niyang pagpahid. Naiwan sa ere ang kamay niya kaya masungit niyang ibinbaba iyon. He scoffed and glared at me. Ngumiti lang ako.

"What is it?"

"Eh, tuloy pa ba 'yong sinabi mo kanina?"

"Which part?"

Ngumuso ako. "Iyong kay ALFA?"

Natahimik siya saglit at napatitig sa pagkain. Napainom ako ng wala sa oras nang mapansin ang biglang pagbaling sa akin nina ate Angge na mukhang narinig ang sinabi ko. Napailing-iling pa si Blythe habang umiinom rin at nasa amin ang tingin. Napayuko ako.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon