KABANATA 27

1.2K 44 4
                                    

Confession

Maaga ay nagising ako na tagaktak ang pawis sa leeg at kili-kili ko senyales na unti-unti nang nawawala ang init sa katawan ko. Mabuti-buti na ang pakiramdam ko at dahil iyon siguro sa pagod at pamamawis ko rin kagabi.

Sinubukan kong gumalaw pero napaungol lang ako nang mahina nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa katawan ko ng mga braso ni Yahwi. Nang bumaba ang tingin ko sa kaniya ay tulog na tulog pa sa pagitan ng leeg at dibdib ko. Mabagal ang paghinga niya at awang na awang ang namumulang labi.

Pansin kong nakahubad pala siya kaya ang init na nagmumula sa katawan niya ay sumisingaw sa akin kahit na balot na balot ako ng damit. Hula ko ay dinamitan niya pa ako bago siya natulog. I don't feel sticky too and maybe he did clean me again.

I heaved a sigh. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya na nakapaloob pala sa loob ng pajama ko at ang palad ay nasa puwitan ko pa. Natatawang napaiking na lang ako. Hindi siya nagising nang tuluyan ko iyong nailayo mula sa pagkakahapit sa akin. Sinubukan kong umupo at pinakiramdaman ang paa. Wala ng kirot ang naramdaman ko kaya dinahan-dahan kong ibinaba sa lapag at sinubukang tumayo.

I'm so thirsty that I need more glasses of water. Namamaos at nanunuyo rin kasi ang lalamunan ko at naiihi pa ako. I need to wash my face too or even my body. Tantiya ko ay wala na yata akong lagnat kaya okay na siguro.

Pasuray-suray akong naglakad. Noong una ay nakakaya ko pa ang minsang pagkirot-kirot niyon at nagpapasalamat ako na nakalabas pa ako nang hindi nakakagawa ng ingay dahil sa ngiwi.

"Ah!" daing ko ng mahina nang makarating sa sala. Napakapit ako sa sandalan ng sofa.

"What the fuck, Yuki?!" Dumagundong ang mariing boses niyon ni Yahwi pagkatapos malakas na mabuksan ang pinto ng kwarto niya.

Napabaling ako sa kanya at maliit na lang na ngumiti nang mapansin ang galit na mukha habang bumababa siya ng hagdan at siyang lapit sa akin na tanging boxer lang pala ang suot.

"H-Hi, goodmorning too. Maaga pa ah, matulog ka muna-"

Mabilis akong napakapit sa leeg niya nang agad akong binuhat pagkalapit niya. Iniiwas ko ang namumulang mukha sa galit at nandidilim na kanya.

"Why the fuck did you walk? Damn it!"

"Kumalma ka nga, kaya ko na at hindi naman na masyadong masakit-"

"Even so!" Asik niya at naglalakad na papasok uli sa kwarto. "Don't force it!"

Napaawang ang labi ko at mabilis siyang pinigilan.
"Nauuhaw ako..."

Pero huli na at nakaakyat na siya sa hagdan at ipinasok agad ako sa kwarto at inilapag sa kama.

"You should've woke me up, Yuki. Just damn it."

"Eh, himbing ng tulog mo. Atsaka mas puyat ka..." Kagat ang labing turan ko. Mariin siyang napapikit at umalis na lang na walang paalam. Napanguso ako at hinintay na lang siyang bumalik.

"Here,"

Napapiksi pa ako ng bahagya nang lumitaw siya sa gilid ko. Inilalayan pa niya akong umupo at pinainom.

"Uh, thank you. Matulog ka na ulit." Utos ko nang maubos ko ang isang baso. Kinuha niya iyon at inilapag sa mesa bago sinipat ang leeg ko.

"Your fever slowly getting down, I'm glad..."

"Oo nga eh," ngiti ko pero hindi man lang siya ngumiti pabalik at masungit na iniwas ang mata.

Sunod niyang inalis ang nasa noo ko. Napanguso ako at sinusundan ang bawat galaw niya.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon