KABANATA 8

1.4K 47 1
                                    

Ignore

Ligtas pa rin akong nakalabas mula sa kwartong iyon na walang kahit anong gasgas o pasa. I even thought that he can beat me up inside just infront of his friends but he didn't. Ni hindi niya ako pinilit na manghingi ng sorry pero ramdam ko sa mga titig niya na may galit iyon. Matalim at nagbabaga.

And I was silent right after we went out at naghihintay pa kung lalabas ba siya at kokomprontahin ako pero wala. Nagtataka pa nga si Chanwoo sa mga ikinikilos ko at lalo na nang hinila ko siya patakbo ng mabilis. That ended my day that day.

Sabado ng hapon ay nagkasama kami ni Chanwoo at sabay na pumuntang Mall. Buti at sa kasunod na floor ko lang siya nakatira at nasa may baba lang ako kaya malapit lang kaming dalawa. Maswerte na rin ako dahil may kotse na siya at iyon ang ginagamit namin papuntang school dahil sabay kaming pumapasok pero minsan lang sa hapon dahil hindi pareho ang oras ng last period namin. Ginagamit rin namin iyon kapag gumagala at may pinupuntahan kagaya ngayon na napagdesisyunan naming bumili ng magagamit namin para sa assignment.

"National Bookstore na lang tayo, mas maganda quality doon eh." Aniya nang makapasok kami sa mall.

Napatango na lang ako sumabay ng lakad sa kanya.
May napapatingin nga sa direksyon namin sa bawat nadadanan namin. Mapa-babae man o lalaki ay napapasunod. Hindi ko alam kung sino ang mas catchy sa suot namin ni Chanwoo o siya lang talaga.

He was wearing a stylish brown Fedora hat and it hangs lazily around his head. Curly bangs were parted on his forehead and his earring is shining that can easily catch everyone's eyes. Ipinapaikot niya ang susi sa daliri nito at preskong ngumuguya ng bubble gum na minsan pa ay pinapalobo ng malaki. He was also wearing a hanging striped polo top and a white khaki shorts and paired with his flip flop slippers same as mine. Nakasuot rin ako ng kulay brown na khaki shorts and as usual I paired it with my light blue hoodie jacket as my top. The hood of my jacket was covering my head, some strands of my wavy hair is on my forehead too, both of my palms were hiding inside the pocket of my jacket.

I pouted when Chanwoo saw me frowning and staring at him. He winked and placed his arm around mine. Isinuksok niya ang kamay roon pero hindi ko inalis ang pagkakatago ng mga palad ko sa bulsa.

"Busangot mo eh," he chuckled. Mas kumapit siya lalo sa braso ko at sabay na pumasok sa National Bookstore.

It took us hours buying things we needed. He was to blame because he bought too many things I think he wouldn't need. Kaya tig-dadalawa kami ng bitbit sa magkabilang kamay pagkalabas ng store. Sa asar ko ay siya ang pinagbayad ko ng lahat ng ipinamili namin. Ni hindi pa kami nakakabili ng grocery ay nakarami na kami. Kung ano-ano kasi ang binili kahit hindi naman kailangan. Ganoon siguro kapag maraming pera ang hawak, sa saya mong may hawak kang malaking pera ay hindi mo na iniintindi ang binibili basta gusto.

"Masasabunutan talaga kita, Chan." Bulong-bulong ko habang naglalagay ng pinamili sa likod ng kotse niya.

"Sorry na," nguso niya at tumulong na rin.

"Heh,"

Kaya bumalik ulit kami sa loob at hindi ko alam kung bakit sa grocery din kami sunod na pumunta gayong dapat kumain na lang muna sana kami. Kaya bumalik ulit kami sa sasakyan niya at ipinasok roon. Napatampal na lang kami pareho ng noo at natawa rin kalaunan.

"Nigutom tuloy ako,"

"Saan tayo kakain kung ganoon?" Aniya habang naglilibot rin ang mata, naghahanap ng pwedeng kainan.

"Ikaw, saan mo ba gusto?" Balik ko sa tanong niya kaya inirapan niya ako. I chuckled and shrugged my shoulders while my hands are still inside my jacket.

"Doon na lang kaya?"

Sa biglang pagturo niya sa isang restaurant ay doon din natuon ang atensyon ko. Pero sa halip na iyong restaurant ang unang nakita ay hindi. I saw Yahwi entering the restaurant with a girl beside him. The girl was clinging into his arm and giggling.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon