KABANATA 64

870 41 31
                                    

Scene

Napaawang ng bahagya ang labi ko dahil sa gulat pagkakita sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin at mabilis na lang nag-iwas ng mukha nang tumagal ang titig niya sa akin. Tumayo ako at doon ko lang napansin ang kasama niya nang magsalita sa may likod niya.

"Let's go na, Alexander!" It was Alexa!

Parehong pormal at maayos ang suot nila at mukhang nag-date rin ngayong gabi. Paalis na rin yata sila at talaga namang nakasalubong ko pa!

Hindi siya nakatingin sa akin at pilit na hinihila patayo si Yahwi na napatulala saglit bago tumayo at mabagal na pinapasadahan ang kabuuan ko. May dilim sa mga mata niya at mariiing nakaigting ang panga. Kinabahan ako nang iduro ako bigla ni Alexa na mukhang hindi naman niya ako nakilala.

"You," masungit na aniya at yumakap sa braso ni Yahwi. "Apologize to him."

"L-Lo siento, señor!" Mahina ang boses na paumanhin ko bago yumuko at daling tumalikod.

Hindi ko na sila binalingan pa at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Nanginginig ang mga kamay ko at ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso. Unexpected thing really happens in an unexpected time and place. Kaya dapat handa ka sa lahat ng oras. Pero anong magagawa ko?! Nakita ko sila! At pinagdarasal kong hindi ako nakilala ni Yahwi!

Hinanap ko ang mesang reserved para sa amin. Bakante pa lang ang mesa nang makalapit ako pero umupo na ako agad para kalmahin ang sarili. Marahas akong napahugot ng hangin at napabuntonghininga ng malalim. Pinaypayan ko ang sarili at naghintay pa. Agad ko ring namataan ang matanda na kakapasok lang ng restaurant. Dahil nasa may sulok kaming parte ay hinanap pa ng mata niya ang mesa namin. Ngumiti ako at inangat ang kamay para kawayan siya at tawagin. Ngumiti siya agad at humarap sa pwesto ko. Pero napawi ang ngiti ko at mabagal na ibinaba ang kamay nang mabungaran sa likod niya si Yahwi na seryosong nakatuon ang mata sa akin. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay tumayo ako para salubungin ang matanda. Dahil siguro sa kagawian ay humalik siya sa magkabilang pisngi ko bago ngiting umakbay sa akin at iginaya ako sa upuan ko.

"Did you wait for me too long, sweet lady?"

"Uhm. A little bit, señor..." Sagot ko at hati ang atensyon ko sa kanya at kay Yahwi na mag-isa na lang pumwesto sa kaharap na mesa malapit sa amin.

"Okay. Have you ordered already?"

"N-Not yet. I don't know what to order though..." I giggled and glanced at him.

"Leave it to me. I will make you eat whatever you want to eat tonight, my sweet!" Ngisi at kindat niya sa akin bago inabot ang palad ko at hinalik-halikan agad.

"I would love that, señor..."

"Start calling me Nemesio now because you'll be moaning that later tonight."

"Oh..."

Ngumiti na lang ako at kagat ang labing tumango para masabayan siya. Pero nang awtomatikong lumipat ang tingin ko sa likod niya ay napakurap-kurap ako dahil nadatnan ko ang masamang titig ni Yahwi sa akin. May bahid ng panggagalit at pandidilim sa mga mata niya habang abala sa paglagok ng alak na inumin niya. Umiwas ako ng tingin pero bumalik uli nang tumawag siya ng waiter at pinalagyan ng alak ang kanyang baso. Hindi niya kailanman inalis ang mata sa akin. Nagawi ang tingin niya sa palad kong hawak pa rin ni Nemesio na abala sa paghalik-halik.

"You're soft. I'm turned on already,"

Keme akong ngumiti at hinayaan siya sa ginagawa. Hindi naman ako makalandi pabalik dahil sa presensiya ni Yahwi. Kalaunan ay nagtawag rin siya ng waiter at nag-order ng pagkain namin. Tahimik lang akong nakaupo at pinanood siya. Pilit kong iniiwasan at hindi ko hinahayaan ang sariling mapasulyap sa kabilang mesa kahit na tila magnet ang mata niya at pilit akong hinihila pasulyap sa kanya. Kahit hindi ako nakatingin ay alam ko at ramdam ko ang talim ng titig ni Yahwi sa akin. Siguro ay alam niyang ako ito. Sana ay hindi na niya ako lapitan at kausapin pa pagkatapos nito dahil wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon