KABANATA 61

756 41 28
                                    

Ring

"Yes?"

"Uh..."

Hindi ko alam kung magpapakilala ba ako o ano dahil mukhang hindi na niya ako nakikilala. Walang bakas ng gulat sa mukha niya at isang beses niya lang akong sinulyapan bago itinuon muli ang atensyon sa pagbabasa sa menu. Napalunok ako ng mariin at ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib.

"N-Nothing, I'm sorry. Can I take your order, señor?"

"Hmm."

Ang casual ng trato niya. Parang wala naman kaming pinagsamahan noon! Hindi ko matanggap na ganito ang trato niya sa akin ngayon na para bang hindi kami magkakilala. Ibang-iba rin ang awra niya. Sobrang seryoso ng mukha at tuon na tuon talaga ang atensyon sa hawak-hawak.

Hindi ko inaasahang magkikita pa kami pagkatapos niyong exhibit, at dito pa talaga sa Barcelona. Hindi ko rin siya nakilala kanina dahil inakala kong isa siya sa mga espanyol na costumer dahil sa kulay ng buhok. Makapal at medyo may kahabaan ang pilak na buhok niya. It was darker, the shade of the silver color of his hair is darker and it suited him perfectly. He looks more foreign now. Hindi mo iisiping tumira sa Pilipinas at nagkaroon ng kaibigan na mga Pilipino... na naki-relasyon sa isang lalaki noon. Baka nga hindi na siya pumapatol sa lalaki ngayon eh.

Napasimangot ako sa isip. Mas iginala ko ang mata sa kabuuan niya. Hindi talaga ako makapaniwala na ang laki-laki ng pinagbago niya lalo na sa pisikal na aspeto. Mas naging lalaking-lalaki siya tingnan dahil sa kisig ng katawan. His chest now are more wide and matured, his shoulders is bulging with those thick muscles. Halata pa rin iyon dahil sa suot na hapit na itim na turtleneck longsleeves. Nang magawi naman ang tingin ko sa pang-ibabang katawan niya ay hindi ko rin napigilan ang sariling punahin. Nakapatong ang hita niya sa isa, at kahit ganoon ay kapansin-pansin ang mahahabang mga biyas niya. At siyempre, alam kong malaki at mahaba pa rin ang kanya-

"Me estás mirando con los ojos..."

Napakurap-kurap ako nang marinig ang sinabi niya. "P-Pardon, señor?"

"Siempre me miras con los ojos..." He even continued.

Mariin kong nakagat ang labi at iniiwasan ang matiim na pagtitig niya sa akin habang nakatingala. Ramdam ko agad ang mabilis na pag-init ng mga pisngi ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko, naghuhuramentado dahil sa kaba at hiya. Napalunok ako at malimit na ngumiti.

"I-I'm sorry but I don't understand you, señor."

"A croissant salado, panqueques and a coffee. My order, Yuki..." Aniya at ngumisi.

Pero iba ang naging reaksyon ko. Natawa ako ng mahina at sinulyapan siyang titig na titig sa mukha ko. Nahihiyang nakagat ko ang labi at ngumiti.

"K-Kilala mo pa pala ako, Yahwi..."

"Hmm, what made you think I don't?"

"Uhm..."

Hindi ko na alam ang saktong isasagot sa kanya. Kung bakit ko ba naman kasi nasabi iyon! Desperado lang siguro akong malaman at marinig mula sa kanya na kilala pa niya ako at naaalala hanggang ngayon.

"What was your order again, señor?" I uttered instead, changing the topic.

Inihilig niya ang mukha at mas lalong tumitig sa akin. Ngumiti ako at yumuko, ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak ang notepad at ballpen. Ayos na para sa akin na malamang naaalala pa niya ako. Hindi ko lang alam kung bakit may bigat pa rin sa loob ko habang nakatitig sa kamay niya.

"I want a croissant salado, panqueques and a coffee..."

"R-Right away, señor!" Pormal na ani ko at mabilis na tumalikod.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon