KABANATA 9

1.3K 50 4
                                    

Call

Dumating ang araw ng Lunes at medyo maayos pa rin naman ang takbo ng buhay ko. Maaga ang klase ko ngayon kaya maaga rin kaming pumasok ni Chanwoo. Walang masyadong ganap at pinatapos lang sa amin ng prof ko ang plates na pinapagawa. Karamihan din ay nagsisimula nang gawin ang mga kanya-kanyang entry nila sa mini-auction na magaganap. Mabuti at pinapayagan pa sila ng prof na maisingit iyon kapag walang ginagawa. Habang ako ay nag-iisip pa ng subject na ipipinta ko.

Sa mga sumunod na araw ay naging madali rin para sa akin. Wala akong masyadong iniisip pero may namumukod tangi talaga at palaging sumisingit kapag blanko ang utak ko. Hindi ko alam kung bakit dismayado akong hindi na kami nagkakasalubong ni Yahwi. At kung minsan man ay hindi talaga siya namamansin at parang hangin ako. Naasar ako sa sarili kung bakit pinag-iisip ko pa iyon. Dahil pa rin ba ito sa ginawa ko?

"Hintayin na lang kita o sasama-"

"Ano ka ba, Bea. Hintayin mo na lang ako rito," pigil ko kay Bea na namimilit na sumama sa akin at magbabantay daw sa labas ng banyo.

P.E class namin ngayon at may laro kami ng tennis ball. Pang-hapon kasi at hindi naman pwedeng naka-P.E uniform na kaming papasok kaya kanya-kanyang dala na lang at dito sa school magpapalit. Mabuti nga at tuloy-tuloy ang klase namin at pwede na kaming umuwi suot-suot ito.

"Sige na nga! Bilisan mo ha?" Nguso nito kaya kinurot ko na lang ang pisngi at tangong ngumiti. Bahagyang napaawang ang labi niya at namula ang pisngi. 

"Oo na,"

"Huwag ka ngang ngumiti! Marupok ako sabi eh,"

Tinawanan ko na lang siya at tumalikod. Akala ko ay mag-isa ulit ako na gagamit sa c.r pero nagulat ako nang makitang naroon pa pala si Jameson na kasalukuyang naghuhubad na ng slacks. Hindi naman ako pwedeng bigla-bigla na namang mag-react at mabilis na lalabas dahil baka kung ano na naman ang isipin niya and worse, ang gagawin niya gaya ng ginawa ni Yahwi sa akin. Nakakapamula ng mukha sa tuwing dumadapo sa isip ko iyon!

"Uy, Yuki! Ikaw pala, dalian mo na at nagpapabilis si Prof." Aniya nang makita ako. Ngiwing ngumiti na lang ako ng tipid at tumango.

"Uh, s-sige,"

Ngumisi siya. "Oo,"

Inilapag ko ang paper bag na hawak ko sa sink at tiningnan ang sarili sa salamin. Namuo ang pawis sa noo ko kaya huminga ako ng malalim at sinimulan nang tanggalin ang butones ng polo ko. Mabuti at medyo malayo siya sa akin at nasa may pinaka-likod ko at nakatalikod. Tanging ang likod niya lang ang minsang nasusulyapan ko.

Saktong pagkatanggal ko nang polo ko ay bigla siyang humarap. Naitakip ko tuloy ang damit ko sa sarili lalo pa at naglakad siya palapit sa akin. Nataranta ako at mabilis na hinalukay ang P.E shirt ko sa paper bag.

"Okay ka lang?" Bahagya akong napatalon nang magsalita siya at naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko.

"H-Huh? Oo naman," ngumiti ako para ipakitang okay lang ako pero nailang ako sa klase ng tingin niya lalo pa nang hinagod ng tingin niya ang hubad kong pang-itaas na katawan. I felt him suddenly gripping on my shoulder and stepped forward. Napaatras ako at kabadong natawa.

"Tapos ka na? Mauna ka-"

"Hintayin na lang kita kung gusto mo at para sabay na tayong pupunta, 'di ba?" Nakakalokong ngisi niya at lalapit pa sa sana siya nang biglang bumukas ang pinto.

Sabay kaming napabaling roon at iniluwa niyon si Yahwi na malakas na isinara ang pinto. Nasa akin ang mga mata niya at matiim na nakatitig, pinasadahan niya rin ang katawan ko na agad ko namang pinamulahan ng mukha. Mabilis kong hinawi ang kamay ni Jameson at tumalikod sa paningin ni Yahwi. Pero hindi rin iyon naging sapat para itago ang sarili dahil salamin ang kaharap ko. Dali-dali kong isinuot ang t-shirt at tinupi ang polo. Baka kung ano ang isipin niya!

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon