KABANATA 10

1.4K 55 5
                                    

Tint

Alas onse nang magkasalubong kami ni Bea at ang grupo niya. Naroon pa nga si Luci pero hindi naman niya ako binigyan na ng pansin. Mas mabuti iyon para wala na namang bangayan ang mangyayari. Nga lang ay mukhang hindi nila nagustuhan nang humiwalay sa kanila si Bea at sa akin sumabay. Papunta din sila ng cafeteria at doon rin ang tungo ko pero hindi iyon natuloy nang napagdesisyunan kong sa may labas na lang ako kakain o bibili para sa rooftop na rin ako para diretso na. Kaya sa akin sumama si Bea.

"Bea, bakit ka pa kasi sa akin sumama? Hindi mo sana sila iniwan," puna ko habang nakadungaw ng bahagya sa kanya. Tiningala niya ako at bahagyang umirap. Tinampal niya ang braso kong kinakapitan niya.

"Hayaan mo mga 'yon, sanay na sila sa akin kaya huwag ka ng mag-alala, ano ka ba!"

"Pero-" Nagulat ako nang inilapat niya ang hintuturo sa may gitna ng labi ko at pinatigil.

"Hep, i-lilibre na lang kita para tumigil ka na sa kadadada!" Aniya at inipit ang labi ko. Marahan kong hinawi ang kamay niya at natatawang ginantihan siya ng kurot sa pisngi.

"Okay, ikaw na masusunod, mahal kong Bea," biro ko pa at bahagyang yumuko animo'y nagmamala-prinsipe'ng gagawin ang lahat ng gusto niya. Natawa ako nang hindi siya nakaimik at namumula ang mukhang umiwas.

"H-Hmph! Tara na nga!"

Natatawang nagkibit-balikat na lang ako at inakbayan siya. Ramdam ko ang pagkatigil niya bigla pero agad din iyong naglaho at unti-unti ay naramdaman ko ang pag-ikot ng braso niya sa bewang ko. Ipinagsawalang-bahala ko na lang at tinuloy ang kulitan namin.

"Grabe! Ang lakas mo pala kumain pero parang wala namang epekto sa katawan mo! Ang payat at lamya mo pa rin!" Nahihiwagaang puna niya habang umiinom ng soda.

"Oo nga, sabi nga din ng iba,"

Napainom na rin ako ng akin bago napapunas sa gilid-gilid ng aking labi. Katatapos lang namin kumain rito sa may kainan sa labas, hindi masyadong malayo sa unibersidad namin at nagpapa-baba lang kami ng kinain bago papasok mamaya. Wala rin naman akong klase sa susunod pero mayroon sa kanya kaya sasabay na lang ako. Ayoko naman siyang hayaan mag-isa.

"Ano, aalis na ba tayo?" Tanong ko nang mapansing unti-unti nang nagsisitayuan ang ilang estudyante at ilan na lang ang natira.

"Oo, pero wait lang mag-aayos pa ako! Hindi pwedeng ganito itsura ko papasok, 'no!"

"Huh? Anong itsura? Maayos ka pa naman ah?"

"Eh?"

Napatigil siya sa pagbubukas ng hawak na Lip tint at biglang napasulyap sa akin. Napairap ako ng bahagya at marahang idinantay ang palad sa palad niya. She seems shocked at my sudden action that I saw her face lightly flushed.

"Tss. Natural na maganda ka na, Bea. Hindi mo na kailangan pang mag-ayos o kung ano-ano pang inilalagay mo sa mukha. Believe me, you're beautiful enough, hmm?"

"E-Eh?" Sapo niya ang namumulang pisngi at pasulyap-sulyap ang tingin sa akin. "Yuki naman eh!" Nahihiyang bulalas niya at mahinang tinampal ang palad kong nakalapat sa kanya.

I chuckled. "What?"

"Puso ko pinapakabog mo na naman! Marupok ako sabi!" Nguso niya kaya doon na ako natawa ng malakas. "J-Joke lang!" Bawi niya rin agad at mukhang nahiya sa sinabi.

"Okay, bahala ka na. Bilisan mo kung ganoon, baka ma-late ka sa klase mo, ihahatid na rin kita." tango ko at sumandal sa upuan ko at balak kong panoorin siya sa pag-aayos.

"O-Okay,"

Hindi ko maiwasang mapatawa ng mahina sa tuwing nahuhuli ko siyang napapasulyap sa akin habang tinitintahan ang medyo makapal na labi. Well, I really find her so pretty and cute. And everything about her is her assets. Hindi ko lang alam kung bakit wala pa siyang kasintahan gayong maganda naman siya. At kung maiinlab man ako ng babae, I want her kind.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon