KABANATA 5

1.5K 48 2
                                    

Little Bunny

"Yuki!"

Mabilis kong hinanap ang tumawag sa pangalan ko at bumungad sa akin si Bea na patakbong naglalakad palapit sa akin habang kipkip ang ilang mga pang-second year na architecture books.

Ngumiti ako at hinintay siyang makalapit. "Why?"

Nahingal pa siyang kumapit sa braso ko at natawa.

"Sabay na tayong mag-lunch. Iniwan ako nina Pia eh!" Nguso niya at kumapit na sa braso.

I chuckled, inabot ko ang ilang libro niya, malawak ang naging pagngiti niya.

Siya lang kasi ang malakas ang loob na kausap-kausapin ako at tratuhin ng ganito na parang okay lang na mapalapit sa akin. Well, I find her really a friendly one at walang pake sa mga sinasabi ng tao. Wala nga siyang permanenteng barkada dahil kung sino-sino siya nakikisama. Lahat ay gusto siyang maging kaibigan dahil sa kakaiba nitong ugali at palatawang tunay kaya nga ang alam ko ay walang hindi may gusto sa kanya at wala pang nakakaaway ni isa.

Namatay man ang issue na ibinato sa akin noong first year ako, ay iba pa rin ang trato nila sa akin, pasalamat lang ako na hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Bea simula noong unang araw ko rito hanggang ngayon. Isang buwan pa lang nang sabay rin kaming nag-enrol at kasama rin si Chanwoo. Hindi nga lang kami magkakapareho ng lahat ng time sa mga hectic na subjects namin ngayong second year, may mga ilan lang at minsan talaga ay sa akin siya sumasabay.

"Yuki ah? Huwag kang pa-fall! Marupok ako, kaya don't me!" Ngusong pinalobo ang pisngi niya at pa-bebe nitong iniipit ang ilang takas na buhok sa likod ng tenga.

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatawa na lang sa naging akto niya. I can't deny the fact that she's pretty, and her beauty is exquisite. Kayumanggi ang kulay ng balat at maiksi ang buhok na may iilang bangs sa noo, matambok ang mga pisngi at mas maliit nga lang siya sa akin. She's really cute.

"Ang cute ah," Kindat ko at ngising kinurot ang pisngi nitong namumula na.

"Ih! Ene be, kekeleg eke eh!"

Natawa na lang kami pareho at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa cafeteria.

"Grabe, punong-puno na naman! Saan tayo nito uupo?"

"Ano? Kakain pa rin ba tayo rito? Wala rin tayong mauupuan..." Sambit ko at nililibot ang tingin sa loob na punong-puno na. Ni wala na ngang bakanteng mesa at ang ilan pa nga ay nakatayo pa at naghihintay sa mga patapos na.

"Ay! Arat na! Gutom na talaga ako eh!"

Natawa ako ng bahagya at inaayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag ko sa braso at ilang libro na hawak.

"Order na tayo,"

Hindi mahaba ang pila kaya mabilis din kaming nakapag-order ng pagkain namin. At ang problema na lang namin ay kung saan kami uupo. Nakatayo kaming dalawa habang hawak-hawak ang naka-tray naming pagkain.

"Doon kaya kay Kuya'ng nakatalikod, hintayin na lang natin? Patapos na rin ang nasa harap niya, oh?" Biglang turo niya sa may gilid.

"Oh sige," tango ko. Maglalakad na sana kami nang may tumawag sa pangalan niya.

"Bea, here!" Boses iyon ni Pia.

Hinanap namin kung nasaan at grupo nga iyon ni Pia na kumakaway sa banda namin. Sakto at may dalawa pang bakanteng upuan sa pabilog na mesa nito.

"Doon tayo, Yuki!"

Kahit nag-aalangan man ay tumango na rin ako. "Sige,"

Nang makalapit kami ay hindi nakatakas ang pagtitinginan nila sa isa't isa. Babalewalain ko na sana at uupo na sa tabi ni Bea nang may nagsalita.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon