KABANATA 45

1K 32 3
                                    

Child

Hindi pa nagsisimula ang binyag nang makarating kami sa simbahan. Kay baby Hyerin ako agad nagtungo at nilaro muna siya. Nagsidatingan na rin ang mga ilang bisita at lalo na ang mga ninong at ninang niya. Hindi ko aakalaing isasama pala ni Ninang Bonita si Yahwi na isa sa magiging Ninong kahit wala naman siyang pangalan sa invitation, hindi gaya sa amin at ni Chanwoo na naroon. Naisingit pa rin ni Ninang ang pangalan niya. Kasama nga rin si Brian na kanina pa nakarating. Nang magkasalubong kami kanina ay siya ang unang umiwas at may bahid pa rin ng pagkadisgusto sa mukha sa tuwing dadako ang tingin kay Yahwi na hindi na lumayo sa tabi ko.

May pa-misa pang saglit ang pari bago ang tuluyang pagbibinyag kay baby Hyerin. Nasa harap at buhat-buhat siya nina Ninang Bonita at Ninong David habang binubuhusan ang ulo ng holy water at dinadasalan. Nakatayo rin kami kasama ang mga Ninong at Ninang sa palibot nila at hawak ang mga nakasinding kandila.

Hindi ko kailanman inalis ang atensyon ko kay baby Hyerin at ang masayang-masayang mukha ng Ninang Bonita ko at Ninong David sa buong oras na iyon. I can see from where I was those unshed tears of joy from their eyes. Tuwang-tuwa sila habang pinapanood ang anak. Hindi ko rin tuloy maiwasang mamasa ang mga mata habang pinapanood sila roon. Parang ramdam na ramdam ko rin ang nag-uumapaw na saya habang hawak-hawak nila si baby Hyerin.

Hindi ko ikakaila ang inggit sa puso ko at masakit mang isipin na hindi naman ako magkakaanak o makapag-asawa ng babaeng magbibigay sa akin ng anak galing sa laman at dugo ko na aalagaan at mamahalin ko rin ng buo. In my case, baka tatanda pang mag-isa kung nagkataong maghihiwalay man kami in the future ni Yahwi. Hindi naman ako kumpiyansa na kami na talaga ang magsasama habang buhay at baka makanap pa siya ng babaeng mamahalin at magbibigay rin sa kanya ng anak at pamilya. Eh, hindi ko naman iyon maibibigay sa kanya. Even if I want to be selfish and just have him beside me for a lifetime is fine to me, kontento na ako sa kanya kung gusto man niyang makasama rin ako hanggang pagtanda.

Pero kung gusto niya man ng anak, then I will not force him to stay with me and just let him find a woman who can bear his child. Everyone wants a child. No one don'ts. Everyone wants a happy family composed of one mother, a father and of course their very own children. Pinaka-ideal na ng lahat iyon.

Maybe I should ask him later and talk about it?

Napabuntonghininga ako. I slowly glanced at him beside me who is also staring at them too much. The light of the candle flickered as it reflected through his glistening eyes. Curiosity ate me about what he's thinking right now at this moment. Pareho kaya kami ng iniisip?

Hindi ko naitago ang gulat nang bumaling siya bigla sa akin at bahagyang ibinaba ang mukha para magtanong.

"Why?"

Mabilis akong napailing-iling at mariing kinagat ang labi bago napayuko sa kandilang nasa kamay ko at paubos na rin pala. Hindi ko rin pala naramdaman ang mainit na pagtulo niyong natunaw na likido sa kamay ko.

"W-Wala..."

Nang matapos ang pagbinyag ay isinunod ang picture taking nilang tatlo bago kasama ang mga Ninang at Ninong. Matamis ang ngiti kong tumabi kay Ninang at masayang yumakap sa kanya. Sa likod ko pumwesto si Yahwi at sa may tabi ko naman si Chanwoo. Nagsilabasan na rin ang ilan pagkatapos ng seremonya.

"Yuki, halika rito at mag-picture pa tayong apat!" yaya pa ni Ninang. "Ikaw na rin magbuhat kay baby Hyerin,"

Napangiti ako at mabilis na tumango. Marahan kong binuhat si Hyerin na panay ang bungsingis at hindi na rin nagreklamong nagpabuhat sa akin. Mas lalo akong napangiti at hinele siya bago humarap kina Chanwoo na kukuha ng litrato. My smile widened more when I met Yahwi's eyes set to me. He's so serious but his eyes seems happy staring at me. Maliit lang siyang napangiti at tumitig.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon