KABANATA 37

1K 39 4
                                    

Overthink

"Why you didn't tell me you're one of the panelist?"

"It's..."

"It's? Atsaka, tinawagan pa kita, hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"It should be a surprise?"

"Surprise?"

"Y-Yeah? Didn't you get surprised? You were-"

"Shut up! Nanggigigil ako sayo!"

Matapos ang presentation naming lahat ay idineklara rin ang nanalo, o ang grupong mas nakakuha ng mas mataas na puntos. Hindi kami ang nanalo dahil pangalawa lang ang amin pero kahit na ganoon ay sayang-saya pa rin kami. Hindi ko lang alam kung naisama ba ang pagkakandautal-utal ko nang ako na ang nag-explain sa parte kO.

Sukat ba namang sa buong oras ay nasa akin ang tingin niya at hindi kailanman inalis. I was intimidated by him, by his stares! And especially when he asked me question I hadn't answered. Tila ako nablanko kanina, natameme, nanlalambot ang mga tuhod at malakas ang kabog ng dibdib ko. Ni walang gustong lumabas ni isa sa labi ko kanina gayong may naihanda na ang utak ko kanina, mabuti na lang at agad rin akong sinalo ni Lisa at siya ang sumagot.

Pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan at piniling tumayo na lang roon at nakinig lang sa mga comments ng panelist sa gawa namin. Hindi ko na rin tinapunan ni isang tingin si Yahwi para hindi ko ma-distract ang sarili at pinilit kong kumalma sa harap nila. Panay rin ang sorry ko kanina sa grupo ko nang matapos kami at gusto nang umiyak sa harap nila dahil sa mga pinaggagawa kong katangahan. And they just told me, it's fine dahil atleast nakapangalawang pwesto pa kami. Hindi ko alam kung bakit sila panay thank you sa akin at sayang-saya pa.

"Okay lang iyon, ano ba! Eh, kung hindi nga dahil sayo hindi tayo tutulungan ni kuya Yahwi, hindi ba?" Pabulong man pero may himig panunukso sa boses ni Lisa. "Atsaka, i-celebrate natin iyon sa sabado! Dapat pupunta tayong lahat ha? Ilibre natin si kuya Yahwi! Pasasalamat lang!"

Pero hindi ko magawang pagaanin ang loob dahil alam ko ang mga palpak na ginawa ko. Ang katotohanang hindi pa ako sanay sa mga ganoon, iyong nasa harap ng madla at tutok sa akin ang kanilang mga mata. I'm not either good in presenting or explaining infront. Nahihiya at kabadong-kabado ako kapag naiiisip kong bawat galaw ko ay nakasunod sila ng tingin at may masasabi at mapupuna.

I'm so frustrated right now at hindi pa rin nakaka-move on. Panay ang balik ng mga palpak na pinaggagawa ko kanina sa harap nila sa utak ko. I shouldn't have let myself be affected by this man! I should've done better if he wasn't there, for sure. Damn it.

Now I'm cursing inside my head because of petty things.
Kaya hindi ko siya pinapansin hanggang ngayong naihatid niya ako sa harap ng apartment namin. I feel like I want to cry right now. How could I be like this? I'm so weak, my heart so weak about things like this. Why would I cry? Damn it.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at lumabas sa kotse niya. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko at ang malakas na pagkakasara ng pintuan ng kotse niya.

"Yuki,"

"Go home, Yahwi. Salamat sa paghatid." Walang lingon-lingon kong saad at tinuloy-tuloy ang pag-akyat.

"I'm sorry, okay? I just thought-"

"Okay lang, I think I'm just overreacting right now."

"Hey,"

Hindi ko na siya pinansin at kinalkal ang susi ng apartment ko saka mabilis na isinuksok. Narmdaman ko ang presensiya niya sa may likuran ko.

"Yuki..."

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon