KABANATA 12

1.3K 52 2
                                    

Seal

Morning came and I woke up more early than my usual time of waking up. I can feel how heavy my eyes and just wanted to sleep more. Chanwoo even noticed it.

"Bangag ka sis? Itsura mo, para kang zombie!" Puna niya habang nag-aayos ng seatbelt.

I just answered him with a long yawn and rolled my eyes at him. Pahilata akong umupo at niyakap ang bag ko.

"Aba!"

Huling narinig ko sa kanya bago ako uli nakatulog. Pero mabilis lang iyon dahil agad rin kaming nakarating ng university. Palabas na ako nang pigilan ako ni Chanwoo.

"Ayusan kita gusto mo?" Ngisi niya at mabilis na inilabas ang gamit. "Ang panget mo talaga, namumutla iyang labi mo need na ng lipstick!"

Napahikab ako at napairap. "Hay naku, Chanwoo, huwag mo nga akong-"

"Hep! Kung may crush ka lang siguro, hinding-hindi ka n'on mapapansin sa ka-simplehan mo! Oo, maganda ka nga pero need din ng enhancement, Yuki! You understand me? Huh? Huh?"

Agad na pumasok ang nag-iisang tao sa utak ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at ipinilig ang ulo para iwaksi siya sa pananakop sa isip ko. Agad na nag-init ang mga pisngi ko dahil roon.

"Oh, see? Namumula ka pa! Hah! Sino ang malas na boylet iyon, Yuki? Dali at para matulungan kitang mapasayo!" Aniya kaya mas lalo akong pinamulahan.

"W-Wala akong nagugustuhan!"

"Sus! Utal-utal pa nga!" Halakhak niya at ekspertong naglalagay uli ng liptint sa labi para mas lalong pumula.

Kung kagaya niya lang ako na confident ay baka nakikipag-kompetensiya na ako sa pagpapaganda. Pero hindi eh, nahuhuli ako sa bagay na iyan.

"Ayaw mo talaga?"

"N-Noong huli kasi akong nilagyan ng liptint ni Bea ay makapal ang lagay niya at naging dahilan pa kung bakit-" Kusa akong napatigil sa pagsasalita nang maalala ang nangyari. Muntik na!

"Kung bakit...?"

"Uh, w-wala. Kontihan mo lang ha? Baka usisahin pa ako kapag mapansing makapal ang tinta ng labi ko," nahihiyang sambit ko kaya napahagikgik siya.

"Ay keribels! Say ah!"

Natawa na lang din ako at sinunod ang gusto niya.

Sinipat ko ang labi ko sa salamin at konti nga lang ang inilagay niya, tama lang para depinahin ang totoong kukay ng labi ko. Napaharap ako sa kanya nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Pero sa totoo lang Yuki, huwag mo na lang isipin ang mga sasabihin nila. Hayaan mo lang silang tumahol nang tumahol hanggang mapagod. Dapat wala kang pake sa kanila, buhay mo 'yan, katawan mo 'yan at ikaw lang ang may karapatan diyan, duh? Dapat be proud kung ano at sino ka, hmm? Laitin ka ng lahat, but don't you ever degrade yourself for being like that, for who you chose to be. Dapat isupalpal mo sa pagmumukha nila na tama ang naging desisyon mo na piliin kung anong makapagpapasaya sayo, okay? Got me? Rawr!"

Ngumuso ako at napatango. "Roger that, bebest." Ngiti ko ng matamis pero pinitik niya lang ang noo ko.

"Ang inosente mo rin masyado, kailangan pa kitang turuan ng maraming bagay!" Ngising halakhak niya.

"Psh!"

Nang matapos ang klase ko sa pang-umaga ay dumiretso ako sa cafeteria at bumili ng pagkain. Doon na sana ako kakain pero namataan ko si Yahwi na papasok mag-isa kaya mas pinili ko na lang na huwag. Kuntodo ang pagtatago ko sa kanya pero malas ko lang talaga dahil mabilis niya akong nakita. Kaya harap-harapang iniwasan ko siya at nilagpasan. Hindi rin naman siya naghabol pa at iyon ang pinapasalamat ko. Kaya ang ending, sa may hagdanan papuntang rooftop ako tumambay.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon