KABANATA 20

1.4K 53 0
                                    

[WARNING!!! Please, read at your own risk peaches!]

T'i Amo Tanto, Amore Mio

"So, anong oras kung ganoon?"

"Umaga, hapon o gabi?"

"Buong araw para marami tayong magawa!"

"Chill, Zar, mainlove ako niyan eh!"

"Shut up!"

Tamang pakikinig lang ang nagagawa ko habang kasalo sila sa tanghalian. Nagkasundo kasi ang grupo na magkaroon uli ng meeting at ngayon nga ay nag-uusap kami tungkol sa project naming gagawin sa sabado. Pero hindi ko magawang makasabay at ang atensyon ko ay minasa'y dumadapo sa kabilang mesa.

And Yahwi is sitting there silently and innocently, not minding those stares darted to him by those girls around. Ako nga itong naiinis sa kanya dahil nagpumilit na magpunta rin sa kung saan ako kakain at pinagpaalam pa talaga sa akin.

"Ikaw, Yuki? Clear natin time sa Sabado ha? Dapat lahat pupunta," si Zarina kaya mabilis akong napatango-tango.

"O-Oo naman,"

"Good." Ngumiti siya at tumango. "So according sa gagawin nating design, mag-bbase tayo sa napili din ni Yuki? Approve ba?"

Nagulat man ay nahihiyang nayuko na lang ako. Gaya nga ng usapan ay nagsilapag kami ng mga tipong design ng bahay na gusto namin at nagugustuhan nila iyong ipinakita ko. Two storey at flat ang bubong niyon at ganun talaga ang mga tipo kong bahay.

"Kasi maganda ang exterior and interior. Hindi naman sa gayahin natin lahat kasi 'yang mga ipinakita niyo ay pupwede ring idagdag. Maganda iyong sayo, Lisa."

"Yey!"

"Eh 'yung akin, Zar? Baka naman pasado na ako sayo?" Nagsisimulang panunukso na naman ni Christ kay Zarina na nananahimk na sa banda.

Napairap siya. "Hindi. Ang panget mo!"

"Ouch!"

Hindi ko na rin napigilan at sumabay na napahagikgik sa dalawang nakikinood rin sa bangayan nila.

"Tatawa-tawa kayo ah?"

Dahil ako ang katabi niya ay ako ang unang kinurot niya sa pisngi at pabirong sinakal ang leeg gamit ang braso niya.

"Nakakatuwa kasi kayo panoorin,"

"Sus! Baka natatawa?" Simangot nito kaya natawa na lang ako ng maliit.

"Hindi! Hindi-"

"Sino po rito ng Yuki?"

Natigil ako at mabilis na humiwalay kay Christ nang may lumapit na isang waitress. Napaayos ng upo nang marinig ko ang pangalan ko.

"A-Ako po, Ate."

"May nagpapabigay, ubusin mo raw."

Nagulat ako roon at bahagyang nag-init ng pisngi. "P-Po?"

"Sus!" Ngising sambit niya at inilapag na ang large halo-halo na dala niya saka mapaglarong kumindat bago umalis. Marami iyon at specialty rin nila at tantiya ko hindi ko naman mauubos.

"Hala! Baka secret admirer mo, Yuki! Kyaah!"

"Sanaol, Yuki! Malaking sanaol!"

Hindi ako sumagot at mabilis na bumaling sa kabilang mesa at wala na nga roon si Yahwi. Inilipat ko ang tingin sa labas at kitang naglalakad na siya pabalik sa school.

Nakagat ko na lang ang labi at sinimulan nang kainin iyon at hatian sila kahit na iba ang pakiramdam ko tungkol sa biglang pag-alis niya. Maybe he saw me with Christ kanina? Knowing him?

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon