KABANATA 46

775 32 1
                                    

Conversation

"Uh, Auntie, pwede ko bang makausap si Kyum?"

Parehong napaawang ng bahagya ang mga labi namin ni Ninang at nagkatinginan. Halatang hindi namin inaasahan iyon. Napalunok ako ng mariin.

"A-Ako? Bakit?"

Hindi siya sumagot imbes ay bumaling kay Ninang na may pangungusap ang mga mata at tila nagpapaalam. Keme siyang natawa at tumango-tango habang hinahagod ang likuran ko animo'y natataranta na ewan o ayaw niya talagang pumayag at napipilitan lang? Pinandilatan niya ako ng mga mata nang sumulyap siya sa akin.

"Ah, okay. Basta Yuki, pumasok ka na agad sa kwarto mo pagkatapos. Lalabas na din ako, kung ganoon..."

Napatango na lang ako at hinintay namin siyang makalabas. Hinarap ko si Brian at maliit na ngumiti. Magtatanong na sana pero naudlot din dahil agad siyang lumapit sa akin at kinuha ang pulsuhan bago hinila palabas ng kusina gamit ang pintuan roon. Tumahimik na lang ako at nagpatianod palabas at sa may likod ako dinala.

"Kailangan bang dito pa tayo mag-usap, Brian?"

"Boyfriend mo ba talaga 'yon, Yuki? Bakit? Paano? Imposible namang paatulan mo ang kagaya niya? Pinilit ka lang ba niya?" Sunod-sunod na tanong niya na halos ikahilo ko.

"Huh? Brian, kumalma ka nga-"

"Akala ko ba gusto mo ako?"

"A-Ano?" Gulat na sambit ko sa biglang tanong niya habang seryoso ang mukha at titig na titig sa akin. Napaatras ako ng wala sa sarili nang maglakad pa siya palapit sa akin. Inilingan ko ang mga sinabi niya. "Gusto mo ako, 'di ba?"

"Ano bang pingsasabi mo, Brian? Lasing ka lang siguro kaya-"

"Sagutin mo ako, Kyum. Alam kong gusto mo ako kahit noon pa mang mga bata tayo at bago ka nagpa-Maynila. Imposible ring hindi mo naramdaman noon na pareho lang tayo ng nararamdaman!"

"H-Hindi..."

"Hindi? Talaga? Ikakaila mo pa? Halata namang gusto mo talaga ako noon, Kyum! Bakit ikakaila mo?"

"Oo gusto kita pero noon iyon, Brian. Noon! Matagal na pero hindi na ngayon. May mahal na akong iba. Atsaka simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sayo noon at wala akong alam sa sinasabi mong alam kong gusto mo rin ako! Ngayon ka lang nagkakaganito at hindi ko alam kung bakit!"

"Dahil mahal kita!" Mariing sigaw niya kaya napapitlag ako. Hindi ko siya napigilang hawakan ako sa mga braso at mas inilapit ang katawan ko sa kanya. "Pinaramdam ko iyon sayo noong umuwi ka rito. Sinabi kong gusto kong mag-aral sa Maynila dahil nandodoon ka, na gusto kitang makasama. Hindi mo ako sinagot pero alam ko ang naging reaksyon mo. Gusto mo!"

Napahilot ako sa sentido at napailing. "Hindi... Oo, gusto ko dahil gusto mong mag-aral doon pero walang ibang meaning 'yon para sa akin, Brian. Please, stop this now..."

"Nalilito ka na ba? Ginawa mo lang bang panakip-butas ang lalaking 'yon dahil sa nararamdaman mo sa akin? Para pagtakpan? Sa kanya lang nabaling ang atensyon mo, Kyum, at ako pa rin ang gusto mo hanggang ngayon..."

Pilit kong iniilingan ang sinasabi niya. Nahihilo ako sa mga ipinapasok niya sa utak ko. Hindi ko gusto ang pino-point out niyang wala namang katotohanan. Lasing lang siya kaya nasasabi niya ang lahat ng mga iyon.

Nanlalabo ang namumungay kong mga mata at pilit inaaninag ang mukha niyang sobrang lapit sa akin at dikit na dikit. Hindi ko namamalayang sa pagkakalapit pala ng mukha niya ay may iba na siyang ginagawa sa labi ko!

Malakas ko siyang itinulak nang maanalisa ang ginagawa niya. Naitakip ko ang likod ng palad sa sariling bibig at mariing pinupunasan, napaatras ako nang umabante siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso, pilit akong nagpupumiglas.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon