KABANATA 47

808 39 1
                                    

Test Paper

Kinabukasan ng biyernes ay tila gumaan ang pakiramdam ng lahat dahil nairaos ang naging examination sa buong linggo. Maliban sa akin dahil hindi talaga ako sigurado sa mga isinagot ko noong nakaraan. Magaan man ang pakiramdam ko pero kabado rin dahil makukuha namin ngayong araw ang test papers namin at malalaman ang mga nakuhang score.

Pinili kong maglakad-lakad na lang nang mag-uwian. Sinabihan ko na rin si Chanwoo na hindi muna ako makikisabay sa kanya. Mas pinili kong mapag-isa at iyakan ang mga test papers ko. Dapat hindi na ako nagulat nang makitang mabababa ang nakuha kong scores. Hindi ko alam kung dapat bang may sisihin ako pero naisip ko, kasalanan ko din naman dahil nagpaapekto ako ng sobra sa labis na pag-iisip sa sitwasyon namin ngayon ni Yahwi. Gusto ko na lang siya makita para gumaan man lang ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang direksyon ng nilalakaran ko patungo sa kompanyang pinagtatrabuhan ngayon ni Yahwi. Mataas pa naman ang sikat ng araw at kahel na kahel ang sinag niyon na tumatama sa mukha ko. Yakap-yakap ko ang test papers habang naglalakad at nakatingala sa matayog na building sa harap ko. May ilang napapatingin sa akin na parang ewang nakatingala roon. Binalewala ko na lang at naghintay sa may gilid.

Napatayo ako ng tuwid nang may nagsisilabasan sa front door na mga empleyado. Tumingkayad ako habang iginagala ang tingin sa mga lumalabas. Napangiti ako at kakaway na sana kay Yahwi nang makita ko siya sa wakas pero mabilis ko ring ibinaba nang makita kung sino ang kasama niyang lumabas. Tumalikod na ako at binilisnlan ang paglalakad bago pa man niya ako makita. Iwinaglit ko ang nakitang pagkakakunyapit ng mga braso ni Alexa sa braso ni Yahwi. Baka wala lang 'yon!

"Yuki,"

Naputol ang pinag-iisip ko nang may biglang humablot sa braso ko at ipinaharap sa kanya.

"O-Oh? Hi!" Gulat at utal na sambit ko nang mabungaran si Yahwi na seryoso man ang mukha ay may pagtataka pa rin marahil siguro palaisipan sa kanya kung bakit makikita niya ako rito.

"What are you doing here?"

"H-Huh? Uh, napadaan lang! D-Diyan ka pala nag-wowork? Wow!"

"Where have you been, then? You didn't go to school?"

"H-Hindi ah, pumasok ako-"

"Then why the fuck are you here?" Giit niya at bahagyang pinasadahan ang katawan ko.

"H-Hindi, naoadaan lang talaga ako-"

"Stop lying again."

"A-Again?" Ulit ko sa narinig na sinabi niya at tila napantig ang tenga ko sa salitang iyon.

Mariin siyang napapikit at napamulat lang nang may tumawag sa pangalan niya mula sa likod. Sabay kaming napasulyap. Doon ko nakita ang isang grupo siguro ng mga kasamahang intern niya at kabilang na roon si Alexa na nakataas na ang kilay habang nakatingin sa banda namin. Napaiwas ako ng tingin.

"Sasama ka pa ba?" Bahagyang sigaw ng isang lalaki bago lumipat sa akin ang tingin at bigla akong nginitian, nawala lang nang iharang ni Yahwi ang katawan para pagtakpan ako.

"Susunod ako."

Mukhang may pupuntahan pa yata sila. Ang wrong timing naman. Siguro ito na ang pinagkakaabalahan niya kaya hindi na niya ako madalas naaalala. Masaya akong may mga ibang kaibigan siya rito at nakikisama siya sa kanila. Hindi ko lang maiwasang malungkot ng bahagya sa hindi ko alam na dahilan. Ayaw ko lang sabihin.

"Uh, Yahwi. Mauuna na din ako ha? Mukhang may pupuntahan pa pala kayo. May dinaanan lang talaga ako sa may malapit kaya napadaan ako rito..."

Napatitig siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at napasulyap sa likuran niya. Nandoon pa rin ang mga kaibigan niya at mukhang nag-uusap, naghihintay pa rin kay Yahwi. Bigla ay napasulyap silang lahat sa banda namin. Kinabahan ako dahil baka pinag-uusapan pala nila ako! O si Yahwi kung bakit kinakausap niya ako?!

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon