KABANATA 49

910 45 17
                                    

Video Record

Problemado pa rin ako sa pagtatanggal sa mga kissmarks na ginawa ni Yahwi. Medyo effective naman ang advice ni Chanwoo kaya iyon ang sinunod ko. Napawi naman ng kaunti ang pamumula niyon sa leeg at dibdib ko na inuna ko at baka bukas ay mawawala na rin. Pero ang pinoproblema ko ay sa batok at likod dahil hindi ko makita at maabot. May pinuntahan naman si Chanwoo at magpapatulong sana ako.

Kaya nagdadalawang isip pa rin ako ngayon kung tatawagan ba si Yahwi para tulungan ako, tutal ay kasalanan naman niya ang mga ito!

"I'm here at mall."

"Huh? Anong ginagawa mo diyan?" medyo inis na turan ko nang marinig ang sagot niya. "Sino kasama mo?"

"My co-intern. We're just buying some materials for our project."

"Linggong-linggo!"

"Heh, why do you sounds annoyed? Is there something wrong, hmm?"

Marahan ang pagkakatanong niya. Akala ko kung naiinis siya. Napalabi ako. Ibinaba ko ang salaming hawak at humiga sa sofa. 

"Basta. Puntahan mo ko mamaya pagkatapos niyo, ha?"

"Why? Wait, does your friend telling you bad things about me again, huh? That's why you seems like annoyed to me right now. Fucking again."

"H-hindi ah!"

"Alex, tara na!" Ang boses na iyon ni Alexa sa kabilang linya ang pumaibabaw sa boses ko kung kaya ay mas inuna pa niyang sinagot ang sinabi ni Alexa kaysa sa akin.

"Go first. I'll just look for you later."

"Tawagan mo na lang mamaya!"

Hindi ko alam kung anong isinagot niya sa kanya dahil hindi naman na siya nagsalita. Ako ang sunod na tinanong niya kalaunan.

"What?"

"W-Wala!"

"Anong wala? Just tell me if your friend-"

"Hindi!"

"Why are you annoyed then?"

"W-Wala!"

"Just tell me or else I won't buy you-"

Sa iritasyon ko sa kanya ay mabilis ko na lang pinatay ang tawag at hindi na siya pinatapos pang magsalita. Gigil akong nagtipa ng mensahe sa kanya nang bigla ay mag-text siya.

Yahwi:

Did you just dismiss the call while I was still talking?

Ako:

Oo!!! Naubusan ako ng load kaya sorry po!!!

Yahwi:

You just texted me back. How come you don't have any load now?

And really? What's with your exclamation point, Yuki?

Gigil at may pang-aasar na nagtipa ako.

Ako:

!!!

Yahwi:

Damn it.

Natawa na lang ako at hindi na nag-reply pa. Inilapag ko na lang sa tabi at kinuha ang kutsarang pinapalamig bago inilapat sa may balikat. Hindi ko na rin pinansin pa ang pag-notif ng cellphone ko at pag-vibrate para sa mga text messages niya. Nang mapawi ang lamig ng kutsara ay binabad ko na lang ulit sa may yelo at papalamigin ulit oara idampi mamaya.

I checked my phone for his message. But I was surprised when I've read another message. Someone just gave my number 5,000 worth of load! What the!

Nagsinungaling lang naman ako kanina nang sinabi kong wala akong load! Didn't he even noted the sarcasm of my my text? Goodness!

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon