KABANATA 43

888 34 1
                                    

Meet

"Yuki, wake up."

"Hmm..." hawi ko sa kamay ng kung sino mang yumuyugyog sa braso ko.

Hindi ko pinansin at padapang nagtalukbong ng kumot dahil nanuot ang lamig ng pang-madaling araw na hangin. Bukas ang mga bintana ko kaya malayang pumapaloob iyon at ngayon ay nanlalamig ako.

Wala na akong narinig pang kahit ano kaya pinagpatuloy ko ang tulog. Ramdam ko pa ang namimigat kong ulo kaya mas lalo akong inantok.

Mag-aalas dose na nang tuluyan akong magising. Napaunat ako ng katawan at bangag na napatitig sa kisame at may kung inaalalang kung ano. Napailing na lang ako at umalis sa higaan. Doon ko naramdaman ang matinding uhaw kaya iniwanan ko ang magulong higaan at lumabas. Tahimik sa sala pero maingay sa baba dahil sa pagpapatuloy ng trabaho at siguro ay kumakain na rin dahil pananghalian na. Masesermunan na naman ako nito ni Ninang!

Nagdiretso ako sa kusina sa baba dahil sa naririnig na boses ni Ninang at ang maliliit na pagtawa ni Hyerin. Ang masayang mukha ko ay agad na napalitan ng gulat nang unang sumalubong sa akin ang seryoso at kanina pa yata nag-aabang sa aking mga nagmamala-pilak na bughaw na kulay ng kanyang mga mata.

"Y-Yahwi!" Gulantang na sambit ko sa pangalan niya.

Napabaling rin ako kay Ninang Bonita na natigil sa pagkain at nasa tabi si Ninong na buhat-buhat pa si Hyerin at pinapakain ng cerelac. And Lola Rems na malawak ang ngiti sa akin at si Chanwoo na tahimik lang sa upuan.

"Oh, mabuti at nagising ka pa?"

"N-Ninang..."

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin kong salubungin ng tingin. Si ninang ba na nag-aakusa at hindi maganda ang timpla nang mabungaran ako, si Ninong at Hyerin na tahimik lang, si Lola Rem ba na nakangiti at nanunukso ang mga mata, si Chan na tikom na tikom ang labi at pinanlalakihan ako ng mga mata, o si Yahwi na hindi kailanman inalis ang matiim at nanggagalit na mga titig sa akin. Napalunok ako nang pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko.

"Ang dugyot mo, Yuki. Maligo ka na nga muna, mahiya ka sa bisita mo!"

Napaamang ako sa sinabi niya at mabilis na sinuklay ang magulong buhok at kinapa ang gilid-gilid ng mga mata. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko at iniwas ang tingin sa kanya.

"B-Babalik ako!"

"Malamang!"

Mabilis akong napatalikod at lumabas ng kusina. Mariin kong napapikit sa pagsigaw niyon ni Ninang. Minadali ko ang pagligo at kahit tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok ay bumalik ako sa kusina. Agad silang napabaling sa akin pagkapasok ko. Nakagat ko ng mariin ang labi at pataas na pinasadahan ang basang buhok, bumagsak din iyon sa huli. Sa tabi ni Ninang ako umupo. Nakahanda na ang pagkain ko roon at isang baso ng gatas na umuusok pa.

Nagsimula na akong kumain. Tahimik sila at tanging maliliit na bingisngis lang ni Hyerin ang nangingibabaw. Mabagal akong napapanguya ng kinakain at panay ang sulyap kay Yahwi na nasa harap ko lang na seryoso sa pagkain. Napaabot ako sa baso ng gatas nang napasulyap siya sa akin. Dali akong umiwas at dinahan-dahan ang pag-inom.

"Hindi mo ba babatiin ang bisita mo?"

Sa gulat ko sa biglang pagsasalita ni Ninang ay mabilis na dumikit ang mainit na gatas sa labi at dila ko kaya napaso. Naibaba ko ang baso pero mabilis na umalalay si Ninang sa tabi ko.

"Hindi kasi nagdahan-dahan!" pagalit na puna niya habang marahang pinupunasan ang itaas ng napasong labi ko gamit ang inabot na towel ni Hyerin.

"S-Sorry..."

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon