KABANATA 50

979 38 9
                                    

Fonteverde

"Ipapakilala mo na ako sa lolo mo?"

Hindi ko naitago ang gulat at pagkabigla sa naging tanong ko habang nakatitig sa invitation card na kabibigay niya sa akin. Invitation iyon para daw sa birthday party ng lolo niya na magaganap sa susunod na linggo, katapusan ng Mayo. At hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at pangamba. Ang isiping ipapakilala pa lang niya ako sa lolo niya ay nakakapagbigay na ng kakaibang nerbiyos sa akin pero paano na lang kung mismong mga magulang na niya? Imposibleng hindi, kasi dadalo din naman ang mga iyon kasi pamilya nila!

"Yeah, I already told him about you."

Iniangat ko ang mukha sa kanya. Ngumiti siya at kasabay niyon ay ang pagsayaw ng puting buhok niya dahil sa pag-ihip ng hangin. Dahil nakaupo naman ako sa hood ng sasakyan niya ay nagawa kong abutin at suklayin iyon ng maayos.

"T-Talaga?"

"Yes, Yuki. He wants to meet you."

"Baka naman tutol siya sa atin?!"

He chuckled and slightly pinched my chin. "Of course not."

Napalabi ako at mas sinipat ang engrandeng invitation card. Ang plain at simple lang pero ang elegante at engrande tingnan. Gintong-ginto ang kulay at kumikinang sa kintab ang labas. May kung anong simbolo rin ang nakatatak sa ibabaw ng natuyong wax sa gitna pero hindi ko maipaliwanag ang itsura. Siya na rin ang bumaklas niyon nang hindi ko magawang tanggalin. Natawa siya ng mahina nang ngumuso ako. Mariin niyang inilapat ang labi sa sentido ko habang pareho kaming nakatutok ang mga mata sa invitation card. Napaawang ang labi ko nang mabaklas ang pagkakatupi at mabungaran ang loob.

"Wow, ang gwapo pala ng lolo mo!" puri ko nang mabungaran ang mukha ng lolo niya sa loob. Ngiting-ngiti, pormal ang damit at tila haring nakaupo sa isang magarang upuan.

"You tell him that, and he'll definitely like you."

Napahagikgik ako at umiling. Natanggal ang ilang kaba sa dibdib ko dahil mukhang hindi naman ako mahihirapan kapag nakaharap ko na talaga siya. Tiningala ko siya nang may maalala na sobrang nagpapakaba rin sa akin.

"Pero sa lolo mo pa lang naman ako ipapakilala, 'di ba? O pati rin na sa mga magulang mo? Mga kapatid?"

Pero agad na napawi ng kaunti ang pag-aalala ko nang makitang biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. His lips parted a bit as if stunned and he remembered something. His eyes grew darker, it was changed to something maddening. He shook his head at me.

"You will not ever meet them because they're gone, Yuki. And I don't have any siblings. I am only fucking lonely child."

"Oh, okay. Sorry..." 

"It's fine." He assured me with a smile and kissed the side of my head. "Besides, I have never felt lonely again when you came into my life, Yuki..."

Ngumiti lang ako at mariing idinikit ang labi ko sa kanya. Mas lalo siyang ngumiti at yumakap ng mahigpit.

"Pero nakakahiya naman yatang magpunta. Baka maraming tao ang dadalo doon, Yahwi..."

"Don't be. I will never leave you alone there."

Ngumiti ako pabalik at tumango. Sa ipinapakita niyang tapang at lakas ng loob na ipakilala ako sa lolo niya ay lumalakas rin ang loob ko dahil kasama ko siya. Mas maayos na rin ito para parehong pamilya namin ay legal kami at alam ang relasyon naming dalawa.

Nang gumabi ay umalis na rin kami sa lugar na pinupuntahan namin pagkatapos niya akong sunduin sa university. Sa pareho lang ding lugar kung saan kami noon dinala ng sasakyan niya at tumigil, unang gabing may mainit na nangyari sa pagitan naming dalawa. Doon lang kami tumatambay kapag gustong makapag-solo.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon