KABANATA 54

744 37 51
                                    

First love

"Brian?!" Gulat na sambit ko nang marinig ang pamilyar na boses niya.

Natawa siya ng mahina at bumitaw. Gulat ko siyang sinulyapan sa likuran ko pero nakatunghay na siya sa may gilid ko dahilan pa para maglapit ng bahagya ang mukha naming dalawa. Mabilis akong napalayo at umiwas ng tingin. Ayokong isipin niyang naapektuhan ako roon. Sana hindi niya mapansin ang pamumula ko at huwag pag-isipan ng masama!

"Surprise, Kyum!" Hindi na ako nakaiwas nang pisilin niya pa ang kaliwang pisngi ko bago ngumiti ng matamis. "Sorry. Namumula ka na naman,"

"H-Hindi, mainit kasi..." Depensa ko habang bahagyang pinasadahan siya ng tingin.

Simpleng white tshirt ang suot niya at isang plain light blue na longsleeves, denim na pantalon at puting sapatos. May backpack rin siyang dala at nakasumbrero ng puti. Maayos at simple lang naman ang pormahan niya pero nakakaagaw na siya ng pansin. Siguro dahil bukod sa gwapo ay dahil na rin sa tangkad niya at athletic na katawan. Pansin kong panay na ang sulyap ng iba sa kanya. Napapaiwas na lang ako ng tingin sa malisosyong titig nila sa amin.

Umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako. Kinuha niya ang sumbrero ko at isinuot sa akin, saka naman siya may kinuha mula sa loob ng bag na dala niya. Inilabas niya ang isang folder mula doon at iyon ang pinangpaypay sa akin. Napasinghap ako at mabilis na pinigilan ang kamay.

"A-Ano ba, Brian..."

"Bakit?"

Napapikit ako ng mariin. Umiling ako at ginabayan ang kamay niya para ilayo. Ngumiti lang siya pero mas lumapit pa habang pasimple pa ring ipinapaypay sa akin iyong folder. Iniwas ko na lang ang tingin roon at hinayaan siya.

"K-Kailan ka pa pala lumuwas?" Pagbubukas ko ng tanong at pasimpleng umusog palayo.

"Noong nakaraang linggo lang. Naghanap pa ako ng apartment na pwedeng tuluyan. Gusto ko sanang magpatulong at magpasama sayo pero huwag na lang pala dahil isu-surprise sana kita sa pasukan,"

"S-Sana tinawagan mo na lang ako. Willing naman akong samahan ka,"

"Okay na. Mas masaya pa rin akong nakita kita ngayon ng mas maaga,"

Tipid lang akong ngumiti at wala nang sinabi pa. Napalinga ako para tingnan kung parating na ba si Chanwoo o si Yahwi. Kinakabahan ako dahil baka magkita at magkaharap sila.

"Free ka ba mamaya, Kyum?"

"Huh?" Sambit ko dahil hindi ko masyadong narinig. Binalingan ko siya.

"Kako, i-tour mo naman ako rito. Ang lawak-lawak nitong school, muntik pa akong mawala kanina!"

Natawa siya kaya natawa na rin ako nang maaalala rin ang unang araw ko noon sa university.

"Ako din noon! So I feel you!"

"Sobrang nakakahiya talaga kanina dahil pinagtitinginan ako na parang nawawalang bata,"

Napailing siya at tila nahihiyang napakamot ng batok. Ngumiti na lang ako at mahinang tinapik ang balikat niya.

"Hayaan mo, i-ttour ka namin mamaya ni Chanwoo. Hintayin lang muna natin siya,"

"Siya lang ba hinihintay mo rito?"

"Oo,"

Ngumisi siya. "Sasabay na rin akong kakain mamaya sa inyo kung ganoon, Kyum. Hindi ko pa alam kung nasaan ang cafeteria rito, baka mawala uli ako..."

"Sige!"

Ngumiti siya at tumango. Pinagpatuloy niya ang pagpaypay niyong folder niya sa akin. Hindi ko na rin masyadong pinansin pa at naenganyong makipag-usap sa kanya, sinasagot ko ang mga tanong niya at pinapaalalahanan sa mga bagay-bagay na alam kong makakatulong sa kanya ngayong nasa Maynila na siya.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon