KABANATA 39

930 43 2
                                    

Secret

"Alex!"

Napabaling ako ay Yahwi na nasa tabi ko at wala namang reaction ang mukha pagkakita sa babaeng tumawag sa kanya. Nang tuluyang makalapit ay si Yahwi talaga ang unang nilapitan. Nasa may likod niya si Bea na nahingal yatang sumunod sa kasama.

"I didn't know you're here! What a coincidence! Oh my!"

Bigla-bigla ay naririndi ang tenga ko sa pagtitili niya at ang pagkakalapit niya kay Yahwi. Sino ba siya? I think I already heard her voice somewhere else.

"What are you doing here?" His flat tone echoed inside my head.

Agad akong naapektuhan roon kaya napatingla ako sa kanya na ang mga mata naman ay nakatuon pa rin sa babaeng kadarating pa lang. But the woman seems unaffected by his firmness. I bit my lips and watched them. Pero nailayo lang ang atensyon ko sa kanila nang kalabitin ako ni Lisa.

"Sasama ba 'yan sa atin? Bakit ang haliparot naman!" Bulong nito kaya mas lalong nadagdagan ang nararamdaman ko ngayon.

"Sino ba raw siya?"

"Baka 'ano' siya ni kuya Yahwi-"

"Bunganga mo nga, Christ!"

"Ay, sorry, Yuki! Hehe!"

"Hindi ko rin siya kilala eh..." Sambit ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa na nag-uusap pa rin pero napalayo ng pwesto nang hilahin niya si Yahwi at hindi man lang siya pumalag?

"Tara na sa loob, Yuki!"

Agad kaming napabaling kay Bea nang kumapit siya sa braso ko. Mabilis siyang tinanong ni Jina matapos kumapit sa braso niyo at napalayo sa akin.

"Si ate Alexa, nag-aaral sa Private Catholic School. Hindi ko alam na magkakilala sila ni kuya Yahwi,"

"Muhkang hindi naman banal!" Bulong-bulong nito kaya natatawang nahampas siya ni Lisa.

"Hindi naman talaga!" Sang-ayon na rin ni Bea at nagkibit balikat.

Natawa silang lahat pero hindi ako. Napansin ako ni Lisa at agad na nilapitan.

"Yuki, okay ka lang?"

"H-Ha? Oo naman..." Kagat ko ng labi at napaiwas ng tingin. "Uh, yayain mo na kaya sila, Bea, para makakain na tayo sa loob?"

"Sige, wait lang!"

"Tara na sa loob, Yuki?"

Agad akong napatango at hinuling sulyap pa silang dalawa na magkaharap pa rin at mukha namang aburido sa kanya si Yahwi, bago sumabay papasok sa loob. Tumabi na lang ako sa tabi ni Lisa at may bakante pa sa kabila. Aasahan kong si Yahwi ang uupo roon pero ganoon na lang ang dismaya ko nang naunahan pa siya ni Bea maupo gayong sabay-sabay naman silang tatlo pumasok. Magkatabi tuloy sila niyong babaeng kadarating at sa harapan ko pa talaga.

"Okay lang ba na sumaling-pusa ako sa inyo ngayon? Ayaw kasing sumabay sa akin ni Bea kumain eh, and beside kakilala ko naman si Alex cuz we're working together in the same company for our internship." simula niya nang maupo.

Now I know who she is. Siya siguro iyong gustong makisakay noon kay Yahwi pauwi pero hinindian sa huli kahit nagpupumilit. Gandang-ganda siya sa bagong kulot na buhok. Nanginginang ang makinis na mukha kahit na hula ko ay wala siyang suot na kahit anong make-up at tanging makapal na lipstick lang. Napaiwas ako ng tingin nang madako ang tingin niya sa akin na ngiting-ngiti.

"Hindi naman po, ate. The more, the merrier!" Sagot agad ni Lisa at kemeng tumawa.

"Ako na lang kung ganoon ang magbabayad para kay Alex. Tutal ay-"

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon