KABANATA 28

1.1K 42 1
                                    

Cold

Bago magtanghalian ng araw na iyon ay nakaidlip ako saglit at nagising lang dahil sa nairinig kong usapan. Nasa may bandang paanan ko lang at doon ko naaninag si Yahwi na may kausap, hula ko ay babaeng doctor dahil sa puting damit nito.

Pinakiramdaman ko ang sariling mga paa at may bago na naman yatang inilagay roong pang-suporta. Hindi na tin gaanong kumikirot at pwede nang igalaw-galaw. Pinili kong huwag na lang magmulat pa at pakinggan sila.

"Don't worry, I'll come here by Sunday again and check for his ankle."

"Is it fine for him to walk now or not yet? I will not letting him though."

"Ano ka ba, it was just a sprain and he'll be fine too the next day. I'll just accompany him walk properly next time."

I heard him scoff. "Alright then."

"You worry too much about your friend, Yahwi. I'm not used to huh. Hmm!" And her girly chuckles filled the room.

Wala na akong narinig pa at tanging ang pagbukas-sara lang ng pinto ang huling narinig ko. Pero hindi iyon ang tumatak sa isip ko.

Friend?

Saktong pagmulat ko ay ang pagbubukas uli ng pinto ng kwarto niya. Huli na nang maipikit ko ang mata at magkunwaring tulog pa dahil agad na siyang nakalapit sa akin.

"Lunch is ready. Let's eat."

Napatango ako. "May tao kanina? Sino 'yon?"

"Doctor. She checked your ankle, Yuki."

"Uh, okay..." Tango ko at napaiwas ng tingin.

Inalayayan niya akong umupo at marahang sinuklay ang buhok ko.

"I'll carry you now-"

"Huwag na, alalayan mo na lang akong maglakad."

"Alright." Tango niya at inalalayan pa rin akong tumayo at ipinaikot ang braso sa bewang ko.

Sinubukan kong magtanong pa ng hindi naipapahalata ang emosyong nararamdaman ko.

"Bakit umalis agad? Sana pinakain mo muna bago umuwi,"

"She has some errands to do so, and don't mind her."

"Your friend?"

"Yes," mabilis na sagot niya ng walang pag-aalangan.

"Hm, okay..."

Napatango ako pero hindi pa rin ako kumbinsado. Sinabi niya rin kayang kaibigan niya rin ako kaya ganoon ang sinabi niyong doctor? At bakit hindi man lang ako ginising nang i-check ang paa ko, hindi ba?

Lumipas ang buong araw na iyon ang iniisip ko kaya mas pinili ko na ring manatili sa loob ng kwarto niya at hinayaan siyang ipagpatuloy ang ginagawa namin kanina. Hindi naman na siya nagtanong at hinayaan ako.

Sabado ng umaga ay hinintay ko ang pagdating ng doctor na iyon pero naalala kong sa linggo pala uli siya babalik. Muntik ko na ring makalimutang mamayang hapon ang dating ng mga ka-grupo ko at sinabing tutulong rin. Mabuti at konting sinat na lang ang mayroon ako at medyo nakakalakad na ako ng maayos pero may konting ika-ika pa rin para hindi ma-pwersa.

"You took a bath first? Why you didn't call me, Yuki?" mahinang puna niya habang yakap-yakap ako mula sa likod.

Tinapos ko ang pagsusuklay ng basang buhok bago ko siya sinagot.

"Hindi naman kailangang sabay tayo lagi, hindi ba?" Walang ka-emo-emosyong ani ko.

"It's not like that but-"

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon