KABANATA 29

1K 39 1
                                    

Ex

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa naririnig na usapan na nagmumula pa sa baba. Naalimpungatan ako at mabilis na kinapa ang katabi pero walang Yahwi roon. Mabigat ang mga matang napamulat ako at wala nga siya roon.

Napaupo ako at kinusot ang mata. Mataas na pala ang araw at maliwanag sa loob dahil sa nakaayos ay nakahawing kurtina. Napanguso ako at dinama ang namimigat kong mga mata dala siguro ng pag-iyak ko kagabi.

Nakatulugan nga ni Yahwi ang paghalik sa akin habang dikit pa rin ang labi niya sa akin. Marahil ay medyo nalasing sa alak na nainom kaya mabilis na nakatulog. Kaya pagkatapos niyon ay doon ako naiyak. Hindi talaga magtigil hanggang sa nakatulugan ko na rin iyon. Sana lang talaga ayos na kami ngayon at naalala niya ang usapan namin kagabi. I was really sorry last night.

Napahikab ako at akmang bababa na ng kama nang saktong bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang isang babae na puting-puti ang damit at may dala-dalang gamit. Nasulyapan ko ang mga bandages kaya siguro siya iyong kaibigang Doctor na sinasai ni Yahwi sa akin.

"Oh, gising ka na pala." Nakangiting bungad niya nang mapansin ako.

Pamilyar ang mukha at tindig niya, at parang nakita ko na siya dati. Nagtataka man ay napangiti na lang ako at tumango. Mabilis kong kinapa ang mukha at nilinisan iyon bago siga kinausap.

"Uh, sino-"

"Oh sorry! Btw, I'm Jeane, I'm Alex's very close friend at mas matanda ako sa kanya. I'm also a doctor pero hindi daw halata gaya ng sabi niya." Hagikgik nito at umupo sa paanan ko. "Maliit kasi ako, pero maganda naman, 'di ba, parang kagaya mo?" Nguso nito kaya tipid na lang akong napatango.

"O-Opo," namumula ang pisnging tango ko.

"Your name's Yuki, right?"

"Y-Yes po."

"Sus! Nahihiya ka ba sa akin? You blush easily, Yuki."

Kinapa ko ang nag-iinit na pisngi. "Sorry po, hindi ko lang mapigilan." Kagat ko ng labi at mas lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman sa presensya niya. She seems jolly and playful at naiilang ako.

"It's alright. Maybe you have this Idiopathic craniofacial erythema condition."

"P-Po?"

"Don't worry, it's just a condition where, you see, you blushed easily and extremely. A facial blushing and you're right, it sometimes uncontrollable."

"Uh, ganoon po ba?" Tumango siya.

Kaya pala mabilis talaga akong mamula gaya ng sabi nila kahit na wala namang ganoong dahilan na minsan na mi-misinterpret ng ilan. Naalala ko na naman bigla ang mga sinabi ni Zarina noong nakaraan. Ipinilig ko ng ulo.

Napabuntong hininga ako ng malalim at sa namayaning saglit na katahimikan sa pagitan namin ay binasag ng isang matinis na sigaw sa may labas. May iba pa ba siyang bisita?

"Kamusta na pala ang paa mo?" Basag niya roon kaya agad na nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"I-mamassage ko pa lang sana kanina pero gising ka na pala. Does it still hurt you?"

"Uh, medyo hindi na po masakit..."

"Kahit na inilalakad mo?" Tumango ako. "Okay then. I'll just massage it first."

"Sige po."

Tahimik niyang kinuha ang paa ko at sinumulang hilutin. Wala roon ang atensyon ko kahit na masarap sa pakiramdam ang masahe niya at nakakawala ng kirot roon. Nang matitigan ko siya ng matagal ay gayon na lang ang pagkaka-alala ko sa kanya bigla. Siya pala iyong kasama noon ni Yahwi sa restaurant kung saan rin kami kumain noon ni Chanwoo. Napatango-tango na lang ako mabilis na nawala ang selos na nararamdaman ko dahil sa pag-iisip ng iba.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon