KABANATA 14

1.3K 52 11
                                    

Madness

"Yuki,"

Hindi ko naitago ang gulat pagkakita sa kanya. Nakatayo siya sa may pinto at mabagal na naglalakad palapit sa akin.

"I-Ikaw pala, Jameson," tipid ko siyang nginitian at kusang napahigpit ang kapit ko sa hawak. "May kukunin ka rin ba rito? May naiwan ka?"

"Wala naman,"

Napaatras ako nang matantiya kong masyado siyang malapit sa akin nang tumigil sa paglalakad. Napansin niya iyon kaya ngisi niyang hiwakan ang braso ko. Napapitlag ako sa gulat.

"Relax, Yuki. Baka isipin kong kinakabahan ka kapag malapit ako sayo eh." biro niya at humalakhak.

Sinabayan ko rin ang tawa nito habang pasimpleng tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Nakaramdam na ako ng kaba at takot nang marahan niya iyong pinipisil. Hindi imposibleng may gawin siyang iba gayong kaming dalawa lang ang narito. Dumagdag iyon sa kaba ko. Nang hindi sinasadya ay napatitig rin ako sa kanya.

"H-Hindi naman," ngiti ko para ipakitang okay lang ako at hindi kinakabahan gaya ng aniya. "Uh, sige, aalis na ako-"

"Agad-agad?"

"Oo, kasi-"

"Oh sige, bilisan na lang natin." Aniya na ipinagtaka ko. Naguguluhang napasulyap ko sa kanya ngunit ngumisi lang siya.

"Huh?"

"Wala." Ngisi niya at hinila ako. "Ito para sayo,"

Nilahad niya ang isang malaking paper bag na hawak sa akin. Tinitigan ko iyon at nang maramdaman ang pagkalas niya sa braso ko ay lumayo ako sa kanya.

"A-Ano 'yan?"

"Regalo ko,"

"Bakit naman, Jameson? Para ka namang sira," mahinang tawa ko para pagtakpan ang kaba roon. 

Hindi siya sumagot at parang hinihintay talaga akong abutin iyon kaya inabot ko na. As if he won't let me not to take it.

"Araw kaya ng mga puso ngayon,"

Binuksan ko iyon at kita ko ang maraming box ng chocolate roon at may bungkos pa ng bulaklak. Napaawang ang labi ko at napailing-iling na ibinalik iyon. I was shocked and didn't expect that. I became frantic and nervous.

"B-Bakit mo naman ako bibigyan ng ganito?" I chuckled nervously. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang pisngi ko, napatalon ako sa gulat.

"Bakit baman hindi?"

Hinawi ko ang kamay niya. "Ano ka ba, Jameson, dapat ang girlfriend mo ang pagbibigyan mo nito. Matutuwa si Luci niyan kaya sa kanya mo dapat ibigay-"

Mukhang naglit siya roon dahil nanlisik bigla ang mga mata niya. "Ikaw nga ang gusto ko, bakit ba!?" Asik niya at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Napaigik ko sa higpit niyon na parang gigil na gigil talaga siya. Naibagsak ko ang mga hawak at ni hindi niya iyon pinansin.

"A-Ano ba, Jameson, masakit..." Puna ko at pilit na nagpupumiglas pero sa gulat ko ay hinila niya ako palapit sa katawan niya at umaambang hahalik sa akin.

"J-Jameson! Ano ba!"

Parang hindi niya ako naririnig at binabalewala ang pagpupumiglas ko. Namuo ng mainit na luha ang gilid ng mga mata ko nang marahas niyang hinaklit ang butones ng uniform ko. Malakas ko siyang itinulak at niyakap ang sarili.

"Baliw ka ba? Anong tingin mo sa ginagawa mo?" Malakas na sigaw ko para matauhan siya at para may makarinig na rin sa akin mula sa labas.

Napahikbi ako at pilit na tinatakpan ang katawan saka mabilis na pinulot ang mga gamit ko. Lumuhod din siya sa harapan ko at pilit na hinuhuli ang tingin.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon