KABANATA 58

700 35 9
                                    

Entrust

Halos isang taon na pero hindi pa rin nagigising ang Ninang Bonita at Ninong David. Dumaan ang birthday ko na hindi sila kasama. Malungkot man ay naging kontento na rin ako dahil pinili kong sa ospital idala ang cake ko para dama ko pa rin ang presensiya nila. Pati pasko at new year ay kasa-kasama namin sila. Mukha ngang ayaw na talaga nilang gumising pa at sinusulit ang mga oras na magkasama sila pero sa kabilang mundo kung saan silang dalawa lang ang nandodoon.

Ang sabi ng doktor ay mukhang malabo na talagang magising sila. Tanging makina na lang kasi ang bumubuhay sa kanila at kapag napagod rin iyon ay pareho silang mawawala sa amin. I know they're still fighting to live, hindi sila aabot ng isang taon kung hindi. Kaya pilit ko pa ring ipinaglalaban sila at naniniwala akong may pag-asa pa.

I don't want to let them go. I just couldn't! Never. Hyerin is growing but still, she needs them most. She still needs guidance and care from a mother and father. I need them both too. Ayaw ko nang mawalan pa muli ng mga magulang.

Dumating ang birthday ni Hyerin.

Dahil sa kagustuhan kong makasama niya pa rin ang mga magulang ay sa labas ng hospital room nina Ninang at Ninong ako naghanda para sa 5th birthday niya. Pumayag naman ang ospital. Pinagtulungan namin nina Daniela at ilang pinsan niya ang pag-aayos ng dekorasyon, samantalang sina Tita Dona ang nagpresintang magluto ng kanyang handa. Inimbitahan ko rin si Chanwoo at hindi naman siya tumanggi gayong may trabaho na rin sa sariling kompanya ng mga magulang. Narito na siya mula kahapon at ngayon ay katulong din namin sa pag-aayos.

Alas tres ng hapon nang bumalik kami ni Chanwoo sa bahay para sunduin si lola Rem at Hyerin. Bakas ang saya sa kanyang mukha, matamis ang ngiti sa labi. Gandang-ganda siya sa kulay pink na bestidang binili ko para sa kanya. Hinuli kong inilagay ang maliit na korona sa itaas ng napusod na buhok niya. Ngumiti ako bago lumuhod sa harap niya.

"Happy birthday!" 

"Thank you, Ninong ko!" Masayang balik niya bago ako dinamba ng yakap.

Hindi na lingid sa kaalaman niya na nasa ospital ang mga magulang niya. Nagawa rin naming aminin sa kanya dahil wala na kaming maidahilan pa para lang pagtakpan ang totoong sitwasyon ng mga magulang. Sa bawat araw na isinasama ko siya sa ospital para bumisita ay palaging umiiyak, at gaya ko ay halos gusto na lang naming manirahan din sa ospital para lang mabantayan sina Ninang at Ninong. Pero hindi naman pwede kaya nagtitiis kami.

Nang makabalik kami ay tila nagkakaguluhan sila sa may labas at nakabukas na ang pintuan ng kwarto nina Ninang. Nasa labas si Daniela at nang makita kami ay mabilis niya kaming tinakbo, mas kapansin-pansin sa malapitan ang namamasang mga mata niya pero may dalang saya.

"Gising na sila!"

Napaawang ang labi ko at nagmadali habang hila-hila si Hyerin. Naiiyak man ay napangiti ako nang tuluyang makita ang mulat na mulat ng mga mata ng Ninang Bonita ko at gayun din ang Ninong David na dinaluhan ng kapamilya. Gaya ng labi ay ramdam ko panginginig ng mga tuhod ko habang naglalakad palapit sa kamang hinihigaan niya. Naunang nakalapit si Hyerin sa kanya at ngayon ay bahagyang nakadapa ang katawan sa ina para mas mayakap. Pilit kong hinahawi ang luha kong hindi mapigil sa pagbuhos habang pinapanood siyang nakangiti habang pilit na kinakausap ang sariling anak.

May benda pa rin sa ulo, hindi pa ganoong gumaling ang mga natamong sugat sa katawan niya. Namumuti ang balat niya at nanunuyo ang mga labi. Namamayat na rin ang katawan niya at halata ang panghihina. Pilit niyang inaalo ang anak at kalaunan ay pinapunta rin sa amang naghihintay para sa kanya.

Nang bumaling ang namumungay na mga mata niya sa akin ay marahan siyang ngumiti at nahihirapang iniaangat ang kamay, awtomatikong gumalaw ang katawan ko at inabot ko iyon. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol ng tuluyan at yumakap sa kanya ng mahigpit. Nanghihina pa rin ang braso niyang yumakap pabalik sa akin.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon