Chapter 17

85 2 0
                                    

"Kyx!"

Tawag niya bago siya tumakbo papalapit dito. Andito siya ngayon sa restaurant ni Kyx. Napaharap ang binata, nakatayo kasi ito sa bungadan ng restaurant, agad naman siya tumigil ng makitang halos tatlong dangkal ang layo niya dito, kasi mukhang tatakbo na ito papalayo sakaniya habang tumakbo pa lang siya dito.

"What are you doing here?" Tanong nito bago humakbang papalayo sakaniya. Wow, ang layo na niya. Agad naman siya napasimangot. Naiitindihan niya kung bakit ito lumalayo pero minsan parang nakaka-tampo. Hindi niya din alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya.

Matapos nitong sabihin 'Gusto kitang lapitan ng una kitang makita' Ganito siya. Lakas din ng mood swings. Ganito ba talaga ang mga Crest? Dagdag mo pa si Bishop na sobrang bait sakaniya tapos bigla na lang naging suplado.

"Naka-tanggap ka ba ng text galing kay Tate?"

Tate texted her about a photo-op and since she's the maid of honor, she had to be there. Marami na siyang kasal na hinawakan. She's picking her dress from Tate's boutique, na-mention din nito na Kyx didn't get his suit, so here she is. She's happy seeing him but he doesn't seem happy. Tanga malamang.

Malamang takot sa babae ito, sino ba naman matutuwa kung nakita mo ang kinakatakutan mo diba? Matutuwa ka ba kung nakikita mo ang kinatatakutan mo? Malamang hindi.


"Yes. I have to grab my suit." Ani nito bago tinignan ang relo nito. "It's still early. Just go home." Utos nito. Agad naman bumagsak ang ngiti niya. It's just 7. She should have come a little later. Gusto niya kasi itong makasama. Hokage move sana, hindi gumana. "I'll grab you some food. Wait here."

"Kyx." Agad naman napatigil si Kyx ng tawagin niya. Nagta-taka lang siya tungkol sa isang bagay. "Bakit mo ako bigla binibigyan ng pagkain? At bakit naman sasabihin sayo ni Dave na nagca- calorie deficit ako?" Nilagay niya ang kamay niya sa bewang niya. "Pinagchi- chismisan niyo ba ako?"

Kyx tilt his head to the side, confusion were slowly etching on his features. Hinarap siya nito. "Nasabi kasi ni Dave na magana kang kumain noon pumunta kayo dito." Ani nito. "Nag-tanong din ako sakaniya tungkol sayo." Then he eyed her intently. "And what's chismis? I'm not good at Tagalog yet so what's that word?"

"Pero naintindihan mo ko kapag nagta- tagalog ako." Saad niya. "Kakabalik mo lang na dito sa Pilipinas?"

Umiling ito. "I'm home schooled. I just started to learn speak Tagalog months ago but I can somehow understand when I was 20."

Agad naman umangat ang dalawang kilay niya habang nakikinig dito. But then it make sense. Hindi ito lumalabas, for obvious reasons. Sigurado din siya sa limitado lang ang kinakausap at pinuluntahan nito.

Umiling na lang siya dahil sa iniisip niya habang si Kyx ay nakatingin pa din sakaniya. Para sa binata para wala lang dito ang sinabi nito pero para kay Quinn umaamin ang binata sakaniya kaya hindi nito alam ang gagawin o sasabihin at mukhang nabahala ang binata dahil sa pananahimik ni Quinn.


Napayuko ito habang pinaglalaruan and daliri. "Sorry. I figured that maybe I should know about a thing or two about you. Especially with our situation" Hindi pa din maka-tingin ang binata sakaniya, he look guilty. "I'm sorry. I didn't mean I just want you to eat. I like seeing you eat."

Dealing with Mr. Scared of What? (Quadro Series #1) Where stories live. Discover now