Chapter 63

78 1 0
                                    

"Ka-gwapa saimo. Bagay gid saimo ang bracelet day."

Napa-tingin siya kay Dave, hindi niya masyado maintindihan ang sinabi ng matandang babae, hindi naman sa hindi niya maintindihan parang naninibago kasi siya at baka mali ang pagkaka-intindi niya. Nagbebenta ng isang bracelet na sinusuot niya ngayon. Halos dalawang oras na din sila gumagala dito sa Bantayan Park.

The place was so crowded yet so cold. The place was full of rides and stalls of different kinds, food, souvenirs and games. Maliban doon marami rin puno na puno ng mga ilaw at ang simoy nang hangin na halatang walang masyadong polusyon. She should be enjoying but no, her mind is left in Crest Resident

"Salamat po pero kasama po ba ang dalawang ito manang?" Tanong niya sabay hawak sa isang bracelet na kulay black, kulay red kasi ang nasa pulsuhan niya. Tinanguan siya ng babae, doon niya napagalaman na couple bracelets pala, it was cute. Simple yet cute. Hinarap niya si Dave na nasa tabi niya lang. "Buy this for me."

Dave chuckle. "Oo na. Doon ka muna kay Tate. Uuwi na din tayo mukhang may nami-miss kana."

"Wala ah!" Agaran depensya niya. Dave just shoo her off. She sigh before walking toward Tate who's currently buying some popcorn in a stall. Agad siya nito binigyan ng popcorn. Kinuha niya iyon bago ito hinatak papunta kay Dave na naglalakad na papunta sakanila. "Uwi na tayo." Aya niya sa dalawa. Tumango lang ang dalawa. Gusto niya lang talaga umuwi.

Nang makarating sila sa bahay ay naabutan nila ang apat na kumakain, ang mayordoma ang bumati sakanila sa labas. Gutom na din silang tatlo kaya agad sila umupo sa mga bakante upuan at hindi niya alam kung maswerte siya o ano dahil ang iisang bakante upuan ay nasa tabi ni Kyx, gutom siya kaya walang pagdadalawang isip na umupo sa tabi ng binata kahit medyo pagaalinlangan siya.

Mukhang wala naman pake si Kyx at wala din siyang pakialam. Anina pa sila hindi nag-uusap at mukhang napansin ng mga kasama nila iyon pero wala sa mga ito nangahas na mag-salita mag- tanong o ano. Gusto niyang baguhin iyon kaso mainit ang ulo niya at naguguluhan pa din siya sa kung bakit naging ganito si Kyx sakaniya.

Tahimik silang kumakain hanggang sa nangahas na mag-salita si Tate. "Sabi ko na nga ba." Ang atensyon ng lahat ay napunta sakaniya. "Those casing. Nakita ko na yan. Kayong apat ng mag- kambal magkapareho ng casing?"

"Yeah." Kyx pick up his phone. "The twins requested it and it's cute and durable." Ani nito, Tate just nodded before looking at her with malice in her eyes. Umiling lang siya, ewan niya na lang sa babaeng to. Lahat na lang may meaning. Mag-papatuloy na sana siya ng pagkain ng may message na nagpop -up sa screen niya.

Nanlaki ang mata niya ng makita niyang galing iyon kay Kyx. Anina pa iyon na-send kaso ngayon lang siya nagka-internet kaya ngayon lang niya nakita.

[Walk with me?] The message read.

Napatingin siya sa kay Kyx na kumakain, binaba niya ang phone niya bago inabot ang kamay nito sa ilalim ng mesa, hindi ito unang beses na ginawa niya ito. Halos hindi niya namalayan na pinipigilan niya ang paghinga niya sa oras na nahawakan na niya ang kamay ni Kyx. She let out a big breath when Kyx intertwined his hand with hers.

Tinignan niya ito, his face was stoic but his hand, more specifically his thumb caressing her thumb gently. Lagi nitong ginagawa iyon. At maliit na bagay na ito ang dahilan kung bakit hindi maalis ang nararamdaman niya dito. Gaya ng sabi niya. Kyx is clingy and this is kind of clingy she meant. Holding her close to him.

Dealing with Mr. Scared of What? (Quadro Series #1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora