Chapter 61

121 4 0
                                        

"Kyx?"

Tawag niya sa lalaki na nakatalikod sakaniya. Hinarap siya ng binata, hindi niya alam kung ano ang ginawa niya pero bigla na lang nanlamig ang binata sakaniya. Noong una akala niya pagod lang ito pero hindi, halatang iniiwasan siya nito at nanlalamig din parang bumalik ang Kyx na nakilala niya noon.

It all started a week ago, hindi niya alam kung anong nangyari dito eh. Halos mabaliw siya kakaisip kung ano ginawa niya.

"Yeah?"

Kyx utter, not looking at her. May kung ano ito sinusulat sa isang notebook. Andito siya ngayon sa loob ng office ni Kyx habang ang iba ay nasa veranda kung saan sila kumakain. Hindi sumabay si Kyx sakanila kaya dinalhan niya ito ng pagkain. Nag -lakad siya papalapit dito bago inilapag ang tray sa maliit na table sa gilid nito.

Nakagat niya ang labi niya ng manatili itong tahimik. "Pinatatanong ni Dave kung sasama ka pa ba saamin sa lunes?" Tanong niya. Inaya kasi sila ni Dave na I-celebrate ang New Year sa Bacolod. Lahat kami sumama, pati na din si Kyx at ang mga kakambal nito. Sa totoo lang excited siya kaso biglang naging ganito si Kyx.

Hindi niya din ito maayos na makausap dahil mailap sakaniya, it's been almost a year na mag-kasama sila and Kyx is comfortable around her, matagal na silang mag-kasama. 

Bilang mag-kaibigan... Syempre.

"Of course, bakit hindi?" Kung okay lang sila, siguradong tutuksuin niya ang binata pero ngayon na parang iniiwasan siya ni Kyx, nag-iingat siya baka kasi may magawa o masabi naman siya. All the months their together ngayon lang nagkaganito ang binata. "Can you please put the 'do not disturb' sign outside."

It wasn't a request, it was a statement. Parang sinakal naman siya mukhang gustong sabihin nito na umalis siya ng hindi siya sinasabihan na umalis. She smiled at him once again before bidding her goodbye and leaving the his office and put the 'do not disturb' sign. Hindi niya alam pero parang iiyak siya, nasasaktan siya sa inaakto ni Kyx.

"Oh, Quinn." Bati ni Dave. "Kumain ba siya? Bakit ayaw lumabas non dito?"

Tumango siya at umiling bilang sagot sa tanong nito bago inabot ang purse niya, gusto niyang umalis doon. Naninikip ang dibdib niya parang hindi siya maka-hinga, basta ayaw niya na dito. "Kakainin niya na lang daw. Una na ako."

Hindi na niya binigyan ng pagkakataon maka-sagot si Dave dahil agad niya itong tinalikuran. Lutang siya habang nag-mamaneho. Hindi niya talaga alam kung bakit biglang nag-kaganon ang binata. These past months that they're together she can proudly say that Kyx is finally comfortable around her, comfortable enough to talk, act, smile and most lovingly, laugh around her.

To put it shortly, he already show his true skin.

Mabilis lang ang panahon pero tuwing nakikita niya si Kyx sa apartment niya, naglalaro kasama nina Lorenzo at iba pa parang ang bagal ang takbo ng lahat. Kyx always surprise her in every way posible, marami siyang nalaman tungkol dito. He is like a little child, always excited no matter what they'll do.

Kahit pupunta lang sila sa parke or kahit magligaliw lang sila sa resort nito, his eyes will always sparkle. It always make her cheeks heat up. Halos kilala na rin siya ng mga empleyado nito, at lahat sila nagsasabi na siya daw ang bukam-bibig ni Kyx.

Marami na silang nagawa at napuntahan ni Kyx at halos dalawang memory card na ang puno ng picture at mga video nila ni Kyx, well mostly ni Kyx. Lagi siyang nakangiti habang tinitignan ang mga larawan at video na iyon at iyon ang malala. She thought that this feelings will just go away but she's wrong.

Dealing with Mr. Scared of What? (Quadro Series #1) Where stories live. Discover now