Chapter 31

79 2 0
                                    

"Eiji, Eli are you two done? We're getting late."

Tawag niya sa magkambal. Nakatayo siya sa gitna ng sala habang ang mag -kambal naman ay nasa guestroom, nag-aayos. Sinubukan niyang tulungan ang mga ito pero tumanggi ang sila at sapilitan na inilabas siya sa kwarto kaya wala siyang nagawa kundi ang mag-hintay sa dalawang bulilit.

"Aunty Mommy!"

Agad naman siya napangiti ng makita ang suot ng mag-kambal. They were wearing a matching shirt and sneakers while Eli was wearing black shorts while Eiji was wearing black pants. They have the same color of shirt, black. Pinagka-iba ay may dalawang maliliit na hearts sa kaliwang bahagi ng shirt nila. They look cute.

Both of them like wearing matching things, especially Eli. Protective din si ito kay Eiji and most of time matigas ulo nito at matampuhin. Hindi naman ganiyan si Kersey. Si Eiji nagmana kay Kersey.

"Hello there." Bati niya sa dalawa, agad naman sila tumakbo papunta sa harap niya bago itinaas ang kamay nila, doon niya napansin ang tig-isang bond paper na hawak nila. Agad niya itong kinuha bago sinuri. "What is this?"

"We drew this for Uncle Daddy, Maganda po ba?" Ani ni Eli, she just smile before looking at the drawings. It was a drawing of them with the puppies and bunnies. It was a typical drawing of a kid, stick figures and such.

"Great job you two." Pag-puri niya sa dalawang bata. Ngiti lang ang sagot ng mga bata bago hinawakan ang mag- kabilang kamay niya. Agad naman niya iginaya ang dalawang chikiting papunta sa elevator pababa sa parking lot papunta sa sasakyan at saka niya inalalayan ang dalawa.

"Go now. Late na tayo." Malambing niyang ani.

Nang masigurado niya na ligtas at maayos ang dalawang bata sa child's chair ay agad naman siyang pumunta sa driver's seat bago pinaandar ang sasakyan at nagsimulang magbyahe, nasa kalagitnaan sila ng pagbya-byahe ng bigla na lang humirit ang mag kambal na gutom ang mga ito, naglalambing ang mga ito sakaniya. 

"But we just ate and were running late, pwede mamaya? After ng vaccination niyo?" She gently remind them, she was looking at both of the twins who are already looking at her through the rear view mirror. Agad naman bumusangot ang mukha ng mag kambal. She sigh, siguradong hindi naman siya papansinin ng dalawa.

"Okay then. Saan niyo gusto kumain?"

Agad naman lumiwanag ang mukha ng dalawang bata bago say na sumigaw ng. "Uncle Daddy's Restaurant!"

Agad naman siya natigilan, doon na pumasok ang nangyari kagabi. She can feel her cheeks heating up. She cleared her throat, Jusko Aurora hindi apple papatay sayo ang pagiging asumera mo papatay sayo. Iwinaksi niya sa isipan ang iniisip niya bago nginitian ang magkambal. "Sure but let's order a take-out. Late na kasi tayo sa appointment niyo."

Tumango lang ang dalawang bata, napangiti na lang siya bago nag-maneho papunta sa Restaurant ni Kyx. Nang makarating sila doon agad naman bumati sakanila ang amoy ng dagat, the cold wind was soothing. Agad naman siya bumaba bago inalalayan ang dalawang bata pababa sa sasakyan, halos hindi na mapakali ang dalawa habang tinatanggal ang seat belt nilang dalawa.

Bago pa niya makuha ang gamit ng mga ito ay agad ng tumakbo ang dalawa papasok sa restaurant. "Eli, Eiji!" Tawag niya sa dalawa kaso huli na siya, naka-pasok na ang dalawa at tumatakbo papunta kay Kyx na nasa harap ng Cashier. Shit naman, agad niya naman ni-lock ang pinto ng sasakyan bago sumunod sa dalawa sa loob.

Dealing with Mr. Scared of What? (Quadro Series #1) Where stories live. Discover now