Kabanata 3

33 1 0
                                    


Nakangiting tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Nakasuot lang ako ng tipikal na pantalon at puting t-shirt. Itinali ko na lang ang aking buhok dahil hindi naman ako masyadong mahilig na ilaylay ang buhok ko dahil sa mahaba ito at mainit sa pakiramdam. Ayoko namang pagupitan dahil baka magtampo. 

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagmadali na akong bumaba para naman makapagluto na dahil gising na rin ang iba. Hindi pa naman ako nakakapagbayad ng upa dahil wala pa akong trabaho, kaya bilang ganti ay ako na ang kumikilos sa gawaing bahay. Hindi rin naman ako nag-iisa dahil kasama ko lagi si Jona. Dalawang linggo din kasi siyang suspended dahil sa pagtusok niya ng tinidor sa isang costumer na sinasayawan niya noon, hinipuan daw siya sa bandang ibaba niya kaya niya iyon nagawa.

Hanggang sayaw lang naman daw siya at kung kailangan talagang gawin ang bagay na ayaw niyang mangyari, ay doon niya lang ginagawa.

Kaya pala panay ang pagpapaalala niya sa akin kapag may mga lalaking lumalapit sa akin. 

"First day mo sa work?" nakangiting tanong sa akin ni Ella na mukhang kagigising lang. 

Tumanggo ako saka siya sinabayan sa paglalakad. "Oo, e. Sana mabait sila roon 'no?" tanong ko saka siya tumawa. 

"Sana lang talaga. Maraming pogi roon dai, siyempre mga engineer ang nagtatrabaho roon. Ang daming mga fafa." Nagtatatalon na niyakap niya pa ako kaya ako natawa. 

Hanggang sa nakapunta na ako ng kusina at nandoon na nga ang iba ka kumakain, pati si Jona na agad na naglapag ng plato sa puwesto ko. 

"Galingan mong mag-mop doon, ah. Kailangan kumintab ang sahig, para ma-promote ka agad," sabi ni Maylene sa akin na tinapik pa ang puwetan ko. 

Sobrang babait nila sa akin dahil naranasan daw nila ang mga bagay na ginagawa ko ngayon. Ganito din daw sila noon at sana raw ay hindi ko na sila magaya dahil baka hindi ko sikmurain. Sa totoo lang ay hindi ako sang-ayon sa mga gano'ng bagay lalo na't dignidad nila ang natatapakan. 

Pero kailangan nilang mabuhay. Minsan, hindi nakukuha ng isang dasalan ang lahat ng pangangailangan mo. Iyon ang natutuhan ko sa kanila sa araw-araw na nakakasama ko sila. 

"Kung anong pinagawa nila sa 'yo, gawin mo na lang. Kung tingin mo may maling mangyayari, umiwas ka na agad," pagpapaalala sa akin ni Rizza na medyo masungit sa kanilang lahat. 

"At saka huwag kang papadala sa mga ngiti ng mga engineer na 'yan, gago 'yong isang costumer ko, hindi man lang ako binayaran ang puking*na," inis na sambit ni Klea, na nakatutok pa sa akin ang tinidor. 

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sobrang dami nilang sinasabi na hindi ko Alam kung magagawa ko pa ba kapag naroon na ako. Ilang araw na hindi umuuwi si Ate Calli dahil sa pinuntahan nila sa ibang lugar, hindi naman daw ako dapat na mag-alala dahil gano'n naman daw parati si Ate noon. 

Inubos ko na lang ang aking pagkain at saka nagpaalam na umalis. Ang tanging dala ko lang ay ang envelope ko at si Jona na panay ang pagpapaalala sa akin kung anong gagawin ko at kung anong numero ang tatawagan kung sakaling magkaproblema. 

"E, basta ikaw ang bahala. Kung nagbago ang isip mo tawagan mo agad ako para masundo kita," sabi nito na agad kong kinawayan dahil nakita ko na si Ma'am Alora. 

"Ingat sa daan. Salamat Jona!" Kaway ko saka naglakad palapit sa babang nakangiti sa akin. 

"Maaga ka sa usapan ah, good thing. Ahm, puwede ka na palang magsimula at hindi ka na nila kakausapin— Ally, here's Jona. Siya 'yong sinasabi ko sa 'yo, ikaw ng bahala sa kaniya, okay?" malambing na sabi ni Ma'am Alora, at saka bumaling sa akin. "Don't worry, kilala ko siya. Mauuna na ako, bye!" 

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now