Kabanata 28

19 0 0
                                    

"Daming tao girl! Tiba-tiba na naman tayo nito!" Malawak ang pagkakangiti ni Annie nang makapasok kami sa loob ng club.

Ako naman ay parang wala lang. Normal ito para sa akin. Dahil alam kong mangyayari na naman ang bagay na ayaw ko pero gusto ng aking katawan. Na para bang hindi ko makontrol kapag nasa harapan ko na.

"Ngumiti ka naman diyan. Sige ka, baka malasin ka pa. At saka isipin mo, may maipapadala ka na naman, huwag mo nang isipin 'yong Gab na 'yon, isa lang ibig sabihin no'n, ekis ka na sa kaniya."

Hindi ko siya pinansin. Pinili kong hindi lingunin si Annie ngunit kita ko ang pag-iling ni Jona. Tanggap ko naman na tama siya. E, ano naman kung layuan ako, importante ang trabaho ko kaysa sa kaniya.

"At saka ikaw na ang nagsabing wala laying relasyon, diba? Cheer up! Daming boys diyan Ada, isang sperm lang 'yon. Gora na ako!" Umalis ito sa harapan ko, naiwan ako sa harapan ng maraming tao.

Nagpaalam na rin si Jona na muli na namang sasayaw. Habang ako, haharap sa mga tao at magbibigay na naman ng mga alak, ni halos hindi ako makapagreklamo sa ginagawa nila sa akin, ang madalas na pamamalo sa aking puwetan, ang panghihipo, at kung ano-ano pa.

"Oh? Ikaw ba muna?" bungad ni Tonet sa akin.

"Oo."

"Ayaw mong tanggapin? Baka mamaya biglang—"

"Wala ako sa mood eh," pagpapalusot ko para lang matigil ang mga tanong nila.

Tumango na lang siya at binigay na ulit ang maliit na papel at ballpen, nilagay ko na iyon sa aking bulsa at saka kinuha ang isang tray at dinala sa table na tinutukoy sa sulat. Dahil abala ang mga kalalakihan sa panonood sa mga babaeng unti-unting hinuhubaran ang sarili ay hindi ako napansin ng mga lalaki kaya agad akong nakaalis nang matiwasay.

"Miss, one vodka please!" malakas na sabi ng babaeng may kalayuan sa akin, pero alam kong sa akin siya nakatingin.

Inilista ko na muna iyon at agad na natigil dahil sa isang paghipo sa aking likuran na agad kong iniwasan.

"Woah, chill!" natatawang anas ng lalaki sa likuran ko habang sinusundan ako. "Wanna feel the heat in our cold night?"

"I'm sorry sir," tanging sagot ko saka nagpatuloy sa paglayo sa kaniya ngunit sunod ito nang sunod hanggang sa makarating ako sa counter at ibinigay ang papel kay Tonet.

"What do you mean by sorry?" tanong nito na naupo pa sa bar section at sumenyas kaya binigyan ito ng beer.

"Hindi po puwede."

"Why not? Babayaran naman kita. It depends on your performance—"

"I'm sorry sir," pag-uulit ko saka siya tinalikuran nang matanggap na ang bote.

Nakahinga ako nang mabuti dahil hindi na siya sumunod sa akin. Inabot ko agad ang bote sa babae na halos lasing na ngunit nagawa pang maglagay ng pera sa mesa. Nang matapos ay tumuloy ako sa iba pang mga trabaho. Wala akong imik. Halos gusto kong magtrabaho na tikom lang ang bibig at hindi nakikipag-usap sa iba.

Hindi ko alam kung bakit ko dinadamdam ang mahigit isang linggong hindi namin pagkikita ni Gab. Huli naming pagkikita ay no'ng namasyal kami matapos niya akong ihatid noon sa bahay, nakatanggap pa ako ng mensahe na magiging abala na siya kaya hindi na muna kami makakapagkita. Pero siguro gano'n talaga, lalayo ang taong akala natin maiintindihan tayo. Sino ba ako para diktahan siya na intindihin ako.

Maganda na rin ang ganito. At least, hindi na ako mag-iisip ng kung ano-ano, hindi na ako ng obligado sabihin sa kaniya ang totoo kasi bakit nga naman? Para saan? E, kung tutuusin ay wala naman kaming relasyon.

"So! There you are!" Isang lalaking may hawak na bote ang lumapit sa akin at pilit na hinatak ang aking braso.

"Ano po bang problema mo—"

"You fvcking whore! It's been a months pero wala namang nangyari sa tiyan mo," natatawang sabi nito na tinuro pa ang aking tiyan.

Nangunot lang ako dahil hindi ko naman alam ang mga sinasabi niya, hindi ko rin siya mamukhaan dahil bukod sa madilim ay hindi naman siya pamilyar sa akin, maliban siguro sa boses.

"Hindi ko po alam ang sinasabi mo," magalang kong saad at patuloy na nililinis ang mesa sa bakanteng dulong puwesto.

"Gano'n ba karaming lalaki ang naloko mo na nabuntis ka para lang bigyan ka ng sustento? Kaya hindi mo ako maalala?" mapaklang tanong nito sa akin at doon lang ako natigilan.

Matagal na iyon. Itinigil ko na ang gano'ng gawain. Oo at nagpanggap akong nabuntis nila para bigyan ako ng sustento. Tumingin ako sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Hindi ko talaga siya maalala.

"Sobrang dami ba namin?" natatawang tanong na naman niya.

Hindi ko siya pinansin at saka bahagya pang napansin ang isang lalaking nasa malapit sa amin, hindi ko alam kung sa amin ba siya nakatingin o sa nakatalikod ito, dahil na rin walang ilaw sa puwesto namin, tanging sinag lang.

"Mga babae nga naman, hangga't mayroong naiisip na ibang paraan, gagawa at gagawa lang ng paraan para magkapera," sabi nito saka hinawakan ang aking buhok at saka hinimas iyon. "Nakakaawa ka naman," natatawang sabi niya bago ko nailapat ang aking palad sa kaniyang pisngi.

"Alam mo ikaw? Kung sino ka man, wala akong pakialam sa 'yo. Hindi ko na kasalanan kung naniwala ka sa mga sinabi ko noon. Choice mo kung magbibigay ka ng pera. Kaya huwag mong isisi sa akin," mariin kong saad at halos ikuyom ko na ang aking mga kamay.

"And now you acted like a victim here?" Natatawang umiling ito at saka mariing inilapag ang bote. "You know what, I admitted that you're so good on bed... don't you want to try again—"

Hindi ko na ito pinatapos at agad na dinuraan ang kaniyang mukha at mabilis na umalis doon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga inaakto ko, noon man ay hindi ako nananakit at hangga't maaari ay hinahayaan ko na lang. Pero sobra na sila, sila ang kusang lumapit sa akin at hindi ko sila pinilit, tapos ngayon ako ang lumalabas na abusado?

Agad akong dumiretso sa ibang mesa para kunin ang ibang mga nagkalat na bote, ingat na ingat akong kunin ang mga iyon at inilagay sa iisang tray. Nanginginig ang mga kamay ko at pinilit na ayusin ang sarili. Pero hindi ko na napigilan pa, agad kong tinaas ang maskara para punasan ang aking luha, may kadiliman naman kaya hindi ako makikita ninuman, binalikan ko nang kaunti ang tingin sa puwesto ko kanina at naroon pa rin ang lalaking nakatayo na hindi ko maaninag, pero ang lalaking kausap ko ay wala na.

"Bakit ka ba umiiyak!" saway ko sa aking sarili.

Naupo agad ako sa sofa na katabi ko at hinayaang pagpahingain ang sarili. Ramdam na ramdam ko ang pagod, gusto ko na lang sumuko pero paano ang pamilya ko? Ako lang ang inaasahan nila.

"You just doing your work, don't mind them."

Sa hindi malamang dahilan ay agad akong kinilabutan dahil sa boses na iyon. Sobrang pamilyar sa akin, ngunit sobrang imposible para paniwalaan. Pero malinaw na malinaw kong nakikita na nasa mismong harapan ko siya, nakatayo at titig na titig sa akin.

"G-Gab," tawag ko ngunit hindi ko sigurado kung narinig ba niya.

Huminga siya nang malalim at saka ako tinalikuran. Kinuha nito ang selpon nito at mukhang may kausap sa kabilang linya.

Iyon lang ang nangyari. Gano'n lang.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon