Kabanata 27

19 0 0
                                    

Literal na hindi ako nakatulog buong magdamag nang makauwi kami sa bahay. Pati si Jona na halata ang inis sa kaniyang mukha dahil sa ikinikilos ko, na kanina niya rin pinagpipilitan na sabihin ko na kay Gab ang totoo at saka lumayo. Hindi ko pa rin talaga maisip ang mga nangayari at nabasa ko kaninang umaga. Ang dami kong tanong, ilang beses na niya akong nakikita at nakikipagtitigan sa akin, ang pagtingin niya sa kamay ko... alam kong noon pa alam na niya, pero hindi siya nagtanong. Hinuhuli niya ako pero hindi direkta ang mga tanong niya. Kung minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin dahil lagi lang siyang nakatitig, may gustong sabihin pero hindi niya magawa.

To: Gab
Tapos na. Good morning

Sinend ko agad ang message na iyon at dahil sinabi ko sa kaniya na sa iba na ako nagtatrabaho at bago na rin ang schedule ko ay alam kong mahahalata niya pa rin, dahil alam na niya. Umakto na lang akong maayos at pinilit na ngumiti nang basahin ko na naman ang text na natanggap ko galing sa kapatid ko.

Huling therapy na ni mama at sobrang saya ko dahil nagbubunga na ang lahat, hindi ko pa rin talagang magawang maisip na posible pala ang gano'n, ang makapagpundar ako, hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa perang pinapadala ko pero sinisigurado nila na may nangyayari talaga. Naipagawa ang bahay, nakapag-ipon, nakapagpa-ospital si mama at may balak na rin na gumawa ng tindahan para sa negosyong gagawin nila na plano ko lang.

Hindi ko masabi kung malayo na ba ang narating ko habang patuloy na nadudumihan ang buo kong pagkatao at ang pagtago ko sa sikreto. Iniisip ko pa lang na sabihin ito kay mama ay natatakot na ako dahil ayaw na ayaw niya sa lahat ang nagsisinungaling. Dahil iyon ang ginawa ni papa sa kaniya kaya nasira ang pamilya namin.

"Makikipagkita ka sa kaniya?" tanong sa akin ni Maylene habang abala ako sa pagwawalis.

Agad akong tumingin kina Jona at Annie na naka-upo sa sofa at titig na titig din sa akin.

"Oo eh kakausapin ko. Bakit?"

"Makikipagkita ka na ganiyan ang itsura mo?" Turo niya sa akong mukha kaya ko binitawan ang walis.

"Ano bang meron?"

"Mukha lang zombie, nyare ba? 'Di you natulog?" tanong niya uli na inilingan ko.

"Natulog naman. Tapalan ko na lang ng concealer," sagot ko saka sila tinalikuran.

Masisisi ba nila ako? Hindi naman kasi talaga ako sanay sa mga ganito, sa pagpupuyat, ngayon ko lang naman natutuhan 'yan mula nang sumabak ako sa ganitong trabaho at no'ng nagtatrabaho ako bilang janitress noon.

Naligo agad ako at nagsuot ng disenteng damit. Hindi ko na siya tinawagan o t-in-ext dahil alam kong nasa site siya ngayon, sinabi niya sa akin ang schedule niya noon kaya alam kong naroon siya at nagpapahinga, minsan ko na siyang tinanong kung inuuwian niya ba sila Ma'am Sunny at ang anak nito pero hindi siya sumasagot.

"Alis na ako," pagpapaalam ko.

"Ingat! Balitaan mo kami!" sigaw ni Annie bago ko sinara ang gate.

Hindi naman ito ang unang beses na pumunta ako sa site niya, dahil madalas ko iyon gawin sa tuwing busy siya at pinapayagan akong pumunta. Pero ito lang ang unang beses na kabado ako, 'yong tipong pupunta ako dahil alam kong may matindi akong dahilan. Mayroon na akong isasagot sa tanong niya kung anong ginagawa ko roon na madalas na ngiti at yakap lang ang sinasagot ko.

Ilang minuto lang ang naging byahe dahil hindi naman masyadong trapik. Nang makababa ay natanaw ko na agad ang building kung saan ginagawa pa rin hanggang ngayon, okay naman na ang harapan, ang likuran na lang ang inaayos at pipinturahan na lang.

Dahil malaki ang bakod doon ay pumunta pa ako sa pinaka gate kung saan sila pumapasok, sumilip lang ako dahil baka naroon siya, ang kaso nga lang ay puro construction worker ang naroon. Papasok na sana ako nang makita ako ng kanilang foreman na nangunot pa at agad na lumapit sa akin.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now