Kabanata 47

18 1 0
                                    

Kinabukasan ay halos pumutok ang ulo ko, maliwanag na, napansin ko agad na nasa kwarto na ako at ang paglakad ni Jona nang pabalik-balik ang nakikita ko.

"J-Jona," tawag ko.

Alerto ako nitong nilapitan at naupo sa bandang paanan. Nilapitan agad ako nito ng malamig na bimpo sa ulo, kapansin-pansin na ang mga suot nila ay galing sa sa club at mukhang wala pa silang ayos.

Kahit ako, ganito pa rin ako.

"Ada? Subukan mo 'to, pumunta ka ng banyo at subukan mo 'to," nagmamadaling saad ni Jona sa akin at ibinigay sa kamay ko ang dalawang mahabang bagay.

Kahit papaano ay nabawasan ang aking hilo. Hindi ko alam kung bakit ako sumunod, basta na lang akong pumunta ng banyo at sinubukan ang hawak kong pt. Gusto kong magtaka, pero ang katawan ko ay sinunod ang sinabi ni Jona. Natapos ako sa ginagawa at agad na lumabas ng kwarto, agad na inagaw ni Jona ang pt habang ako ay tulala sa kama.

Iniiisip ang mga nangyari kanina o kahapon o hindi ko alam kung kailan at sana hindi na lang nangyari ang bagay na 'yon. Ang huling naaalala ko na lang din ay ang pagsigaw ni Rafael sa pangalan ko. Tapos nandito na ako sa kwarto, maliwanag na ngunit ang suot ni Jona ay ang pangtrabaho pa rin.

Wala pa rin ako sa sistema. Halos tinitingnan ko lang ang itsura ni Jona na halos manlaki ang mata nang titigan ang kaniyang hawak.

"Anong gagawin natin niyan, Ada? Mayayari tayo kay tita niyan."

Saka lang ako bumalik sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Jona. Napako na lang ang aking paningin dahil sa pagkahulog ng dalawang maliit na bagay na may dalawang guhit sa loob nito. Hindi ko magawang pulitin iyon dahil sa panginginig ng aking katawan.

Paano nangyari ito?

Nag-ingat naman ako, tinandaan ko naman ang mga sinasabi nila sa akin. Kaya hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito.

"Ada—"

"H-Hindi ko ala—"

"Ada! Buksan mo ang pintong ito!" Isang malakas na pagkalampag sa pinto ang bumalot sa kwartong iyon.

Pinilit kong tumayo sa kamang kinauupuan ko ngunit wala akong lakas. Gustuhin ko mang pulutin ang dalawang bagay na nasa sahig ay naunahan na ako ni Ate Calli, gulat na gulat ang mga mata nito at kahit kauuwi lang galing trabaho ay nagawa niya pang imulat ang mata niya para matitigan ang bagay na iyon.

"Buntis ka? Sa iyo ba 'to, Ada?" tanong nito na hindi ko alam kung nagagalit ba siya o ano.

Talagang magagalit siya dahil ilang beses niyang isiniksik sa kokote ko na hindi ako puwedeng umabot sa ganitong sitwasyon. Hindi ako puwedeng mabuntis.

"A-Ate," tanging bigkas ko pero para akong lumilipad sa ulap.

Wala ako sa sarili, hindi ko pa naibibigay ang buhay na gusto ko para sa pamilya ko. Gusto ko lang namang magtrabaho.

"Ipalaglag mo 'yan, Ada. Ayan na lang ang magagawa mo ngayon—"

"Tita! Ano ba 'yang sinasabi mo kay Ada?!"

"Ipalaglag mo 'yan kung ayaw mong ikahiya ka ng mga magulang mo! Nangako ka sa pamilya mo, Ada! Wala sa usapan na magbubuntis ka dahil hindi naman ako nagkulang sa mga paalala ko sa 'yo! Kilala mo ba kung sinong ama niyan? Kilala mo ba?!" gigil na gigil na bulyaw nito sa akin na halos ikataas ng balahibo ko.

Roon mismo ay tuluyan akong napaluha sa sinabi niya. Gusto niyang ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko. Gusto niyang patayin ang anak ko.

"Ada naman! Ikaw ang pinaka-iniingatan ko sa lahat tapos ganito?" sumusukong sabi nito na napaluhod na sa aking harapan.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now