Kabanata 44

15 0 0
                                    

Maghapon lang kaming nag-usap nila Jona at hindi ko alam na sobrang dami palang nangyari mula nang nawala ako rito sa bahay. Madalas na wala si Jona dahil sa lola niya at sina Maylene at Annie na lang ang naiiwan dito sa bahay, dahil si Leni ay nakikipag-ayos na sa magulang niya. Halos lahat sila rito ay hindi tanggap ang trabaho nila nang malaman iyon. Lahat naman siguro mahirap tanggapin ang trabaho namin pero wala kaming magagawa.

Nagpasiya na lang anong umuwi at maglakad na lang dahil hindi pa naman malalim ang gabi, umalis na kasi sila Jona at balak kong pumunta muna ng condo para maglinis at kunin ang mga gamit ko. Medyo natamaan din kasi ako sa sinabi ni Jona na hangga't hindi pa inaamin ni Gab ang tungkol sa amin sa anak nito at sa pamilya niya ay hindi ako makakausad. Kabit ang magiging tingin sa akin.

Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay nahagip ng aking piningin ang isang lalaking napahinto sa aking harap na may hindi kalayuan, medyo madilim na kasi kaya hindi ko maaninag ang mukha niya kaya hindi ko makilala. Nagpatuloy ako pero siya ay nakatingin sa akin kaya agad akong kinabahan. Yumuko na lang ako at saka tuloy-tuloy na naglakad nang bigla Kong naramdaman ang paglingon nito sa akin.

"Miss?" tawag nito kaya agad akong natigilan.

Kunot-noong napatingin sa kaniya at saka ngumiti. "Bakit po?"

"Miss, ako 'to, si Raf, 'yong lalaki sa room number 3, you are the waitress there right?" ngiting tanong nito na ipinagtaka ko.

Hindi ko masiyadong maalala ang mga sinasabi niya dahil ilang beses na akong nakapunta sa room 3 na iyon. Pero natigil ako nang alisin niya ang suot niyang sumbrero at ngiting kumaway pa. Hindi ko na naiwasang mapangiti dahil hindi ako puwedeng magkamali, siya ang lalaki na una kong pinuntahan noon sa mga kwarto.

Siya 'yong lalaking kinuwento ang tungkol sa dati niyang karelasyon na mas pinili ang career.

"Sir?" ngiting tanong ko na tinanguan niya.

"Kumusta ka na? Long time no see."

"Ah, okay naman ako, sana gano'n ka rin?" patanong ko na tinawanan naming pareho.

Lumingon ito sa likuran ko at saka mas lalong lumapit sa akin. "Free ka ba ngayon? Let's have some coffee if okay lang," ngiting sabi nito na hindi ko tinanggihan.

Halos isang taon na rin mula nang mangyari iyon. Mahirap ang sitwasyon niya noon, kaya hindi ko alam kung nalampasan na niya ang bagay na kung saan siya ang naiwan.

Nahinto kami sa isang coffee shop na may mangilan-ilang mga estudyante rin, naupo kami sa dulong bahagi sa mismong gilid kung saan kita namin ang kalsada. Siya na ang kusang um-order, kahit ano naman ay okay sa akin. Naghintay na lang ako sa puwesto namin at hindi maiwasang humang asa paligid. Maraming bumbilya sa paligid at eco-friendly din ang paligid.

Maya-maya pa ay bumalik ito at saka itinurok sa akin ang sa counter. "They are preparing it. Anyway, thanks for accepting my invitation," ngiting sabi niya na inilingan ko na lang.

"Wala 'yon, wala rin naman 'yong isa kaya ayos lang."

Nangunot ito at saka umayos ng upo. "Isa? Oh, you mean boyfriend?" tanong niya na tinanguan ko.

"Oo, pumunta kasi siya ng Singapore para sa trabaho, kaya binisita ko muna mga kaibigan ko."

"That's nice. I'm so happy for your relationship, keep strong. Alam niya ba na magkasama tayo?"

"Hindi, e. Okay lang naman siguro sa kaniya, baka sabihin ko na lang mamaya," sagot ko.

May sasabihin pa sana ito nang biglang lumapit ang mga dala sa order namin. Ngumiti lang ako at saka nakita ang order niya na mukhang mahal pa.

"So, dahil nandito na rin tayo, well mukhang okay ka naman na ngayon. Waitress ka pa rin sa club na 'yon?" tanong nito sa kalagitnaan nang paghalo niya sa tasa.

Napangiti lang ako at nangangapa kung anong isasagot. Gusto ko lang ituloy dahil sayang, pero hindi ko alam kung anong iisipin ni Gab sa akin.

"Nagtatrabaho pa rin ako pero sinabihan ako ng nobyo ko na huminto na lang doon, mas okay naman ang offer niya kaso nagdadalawang-isip pa ako."

"So, you don't want to leave there?"

Tumango ako.

Tumitig ito sa akin at nangunot. "Why bother?"

Bakit nga ba?

"Hindi ko rin alam, I mean, natatakot ako na baka kung ano ang isipin niya sa akin kapag hindi ako umalis," sagot ko at nakatitig lang siya sa akin. "May sinusuportan kasi akong pamilya at gano'n din siya. Hindi ko masabi 'yong totoo kasi nga baka ayon." Ngumiti na lang ako ng pilit kasi hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Nakikinig lang siya. Nakatingin sa akin at ngumiti nang kaunti, na halatang pilit, ang mga tingin na parang sina Jona. Sumandal ito sa upuan at humigop ng kape.

"Your guy, does he even trust you?" seryosong tanong nito na ikinatulala ko.

Nakatitig lang ako sa kaniya at patuloy na naririnig ang mga sinasabi niya. Parehas kaming nakatitig sa isa't isa pero ang utak ko, patuloy na inaalala lahat ng kilos at mga sinasabi sa akin ni Gab.

"H-Hindi ko alam, meron naman siguro. Hindi naman siya nagsabi nang masama sa akin no'ng nalaman niya ang trabaho ko." Ngumiti ako saka uminom ng kape.

Wala naman akong narinig talaga. Mas iniintindi niya ang kalagayan ko at pakiramdam ko naman ay hindi niya ako ikinahiya.

"Hindi por que hindi nagrereklamo ang isang tao, e, wala talagang problema. Maybe you can talk with him, I don't know pero kung wala ka namang ginagawang masama bakit ka niya pahihintuin? Don't get me wrong, but I know he hasn't bad intention to offer other job for you. That's your still decision."

Ngumiti ako. Pero hindi ako puwedeng mabingi dahil may punto naman siya. Parang ako, hindi ako puwedeng magreklamo pero sa totoo lang ay parang wala akong karapatang mapagod. Tiniis ko lahat kasi akala ko okay naman.

Lumipas ang ilang oras nang pagkukwentuhan namin bago kami magpasiyang magpaalam sa isa't isa. Ngayon ko lang din nalaman na Rafael ang pangalan niya. Medyo okay na siya sa buhay niya at tanggap ang mga nangyari noon, nagfocus na lang pala siya sa pag-ta-trabaho at hindi muna inisip ang lovelife dahil natatakot na siya. Pero nagpapasalamat siya sa ex niya na naging dahilan para magbago siya at nagkaroon ng direksyon ang buhay.

Sobrang mature ng mga taong gano'ng mag-isip. Ang hindi maghabol at intindihin ang sariling buhay.

Hindi ko rin maiwasang malungkot dahil sa mga na-realize ko ngayong araw. Na gano'n pala 'yon? Sa isang relasyon kailangan balance lahat, kapag siya ang nagsasalita ako dapat ang nakikinig, at kapag ako ang nagsasalita, gano'n din dapat ang ginagawa niya. Kaya pakiramdam ko siguro ay may mali kasi opinyon lang ni Gab ang pinapakinggan ko at hindi ko sinasalang ang aking opinyon.

Pagdating ko ng condo niya ay chinarge ko na agad ang selpon dahil nalowbat kanina. Ininit ko na lang ang ibang natirang pagkain at naglinis ng katawan. Nang makita ko na naka 20% na ang battery ay bumungad agad sa akin ang mga text messages ni Gab at ilang tawag nito.

Gusto ko man siyang tawagan ay wala na akong pangtawag, maiintindihan naman niya siguro ako.

To: Gab
Good eve. Sorry ngayon lang nakapag -text, nalowbat kasi ako kanina. Galing ako kina Jona tapos nakipag-kuwentuhan lang ako kay Rafael, kaibigan ko. About pala sa work, baka ituloy ko muna sa club kahit waitress lang. Sayang kasi ang kita. Wala na rin akong load pang-tawag kaya nag-text na lang ako. I love you.

Sent.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now