Kabanata 55

30 0 0
                                    

"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito.

Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak.

"Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho.

Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang.

Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat.

"Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya.

"Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papasok ba ang asawa mo?"

Umiling ako at saka pibaghandaan ng pagkain si Jace. "Hindi naman po sumagot nay, nilalaro niya lang po si Jace."

"Ay baka naman may lakad kayo? Tutal, birthday naman ng asawa mo," bulong nito saka ako kiniliti sa baywang na tinawanan ko.

"Walang magbabantay kay Jace—"

"Sus! Kami kami na lang. Sabihin mo lang kung aalis ba kami ng bahay o kayo ang pupunta sa kung saan," nakangiting sabi nito.

Tinawanan ko na lang si nanay dahil alam ko na kung anong ibig niyang sabihin, minsan na kasi niya kaming nahuli rito mismo sa kusina no'ng madaling araw na iyon. Hindi kasi ako makatulog at hindi ko rin alam na sinundan pala ako ni Gab. Halik lang naman ang nangyari pero dahil nakita kami ni nanay ay nag-isip siya ng kung ano.

"Ada?"

Napalingon agad ako sa aking likuran at bumungad doon ang mag-ama, malapit na rin kasing mag-isang taon si Jace, kaya mas lalong nakikita ang pagkakahawig nila, parang hati lang ata kami ni Gab.

"Bakit mo nilabas ang polo ko? Hindi ako papasok," ngiting sabi nito habang nilalaro ang kamay ni Jace.

"Tinanong kita kanina hindi ka naman sumagot," sabi ko kaya mas lalo itong natawa at naramdaman ang halik niya sa aking ulo.

"Look, mama is mad," bulong nito kay Jace na tumawa pa.

Nang matapos ako sa pag-aasikaso ay ibinigay ko na iyon kay Gab. At dahil wala naman siyang pasok ay nanatili na lang kami sa bakuran, hinayaang maglaro-laro si Jace sa tabi ng pool. Hindi rin naman naghanda ng mga pagkain dahil mas gusto ni Gab na simple lang ang lahat.

"Let's talk about baby," usal nito na ikinakunot ko agad.

"Kay Jace?"

"Not that, I mean, his siblings," nakangiting saad nito at pinisil-pisil ang palad ko.

"Ayoko pa ng baby," sagot ko agad. "Maliit pa si Jace, at saka baka mahirapan tayong dalawa."

Mahirap naman talagang mag-alaga ng bata. Ni hindi ko pa nga alam ang iba pero dahil nandiyan naman sina nanay hindi ako gano'n katakot.

"Hindi ko naman sinabing ngayon. Siguro after 4 years? Then let's stick with 2 or three kids? Para naman may kasama si Jace." Marahan nitong pinisil ang aking palad habang ang mga mata ay nasa kaniyang anak at mapait na napangiti.

Naiintindihan ko naman siya. Kahit ako ay ayokong walang kapatid si Jace, pero ayoko rin ng masyadong marami, tama na sa akin ang dalawa o tatlo silang magkakapatid.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon