Wakas

37 0 0
                                    

"One, two, three, smile!"

Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon.

"Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya.

May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon.

"Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin.

"Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay.

"Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan."

Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng assignment niya. Mabuti na lang at natutukan ko siya kahit papaano, at nagtatanong na lang siya sa amin kapag hindi niya alam ang mga gagawin.

Marahan kong tinulak ang pinto at nakita siyang inaayos na ang kaniyang mga libro, at dahil may sarili siyang kwarto ay paulit-ulit kong pinapaalala na laging linisin ang kwarto para hindi na mahirapan ang mga Nana niya.

"Tapos ka na?"

Bahagya itong nagulat dahilan para matawa ako, nanlaki pa ang mata nito ngunit napangiti rin nang makapasok ako sa kwarto.

"Yes po, I'm done with my three assignments," nakangiting saad niya at itinaas ang tatlong maliit na daliri.

"Okay, puwede ka nang makipaglaro, mag-iingat lang sa paggamit ng bike," paalala ko.

Imbes na sumagot ay pumunta ito sa akin at saka mahinang hinimas nag aking tiyan, ugali na kasi niyang humasin iyon ay yakap-yakapin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kuya niya ang lahat sa tatay niya, pero sabi nila nakuha ni Jace ang ugali ko na halata ko rin.

"Kailan po lalabas si baby?" tanong niya kaya inalalayan ko ito palabas ng kwarto.

"Hmm, two months pa anak, tapos makikita mo na ang kapatid mo," ngiting sambit ko saka siya nagtatatalon.

"Tapos po may baby ulit?" tanong nito pero natawa lang ako at umiling.

Kung narinig lang ito ng tatay niya ay paniguradong tatawanan ako no'n.

"Last na ito dahil baby girl naman siya. Sige na laro ka na. Huwag ka lang lalayo ah? Matutulog lang si mama," sabi ko rito saka hinalikan ang aking tiyan at maingat na tumakbo pababa.

Naalimpungatan na lang ako dahil sa panay himas sa aking pisngi at sa mahinang pagkanta sa aking tenga. Nagmulat ako at napansin si Jace na nakahiga sa aking tabi, nakapantay ito sa akong dibdib, ang kanang kamay niya ay nakataas at nakahimas sa aking pisngi habang kumakanta.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero madilim na base sa labas ng bintana. Gumalaw ako dahilan para mapalayo si Jace at ngiting-ngiti na tumingin sa akin.

"Lest eat na po, Ma, I'm hungry and baby might hungry na rin," pagngunguso niya sa aking tiyan.

Natawa na lang ako at tinulungan niya pa akong maka-upo at inalalayan sa pagtayo, ngunit napansin ko ang isang maliit na maleta na nasa tabi ng cabinet na wala naman noon. Hindi ko na lang iyon pinansin at agad na pumanhik sa ibaba. Halos marinig ko ang tawanan nila at ang pamilyar na boses.

Kitang-kita ko si Gab na may hawak na sandok sa kabilang kamay at ang isa naman ay remote na paniguradong hinahanap na ang paborito niyang pinapanood. Ngunit natigil ito nang nag-ingay si Jace at patakbong pumunta sa kusina dahil naamoy na niya ang ulam.

"My two babies," usal niya at lumapit sa akin.

Binitawan nito ang dalawang hawak at saka sinalubong ako ng yakap. Kaya pala naroon na ang maleta sa kwarto.

"Kanina ka pa rito? Next week ka pa uuwi 'di ba?" pagtataka ko dahil next week pa matatapos iyon.

Umiling lang ito saka humalik sa aking pisngi. "Natapos kahapon, kaso hindi ako nakaalis agad dahil pagod na ako, kaya ngayon na lang naka-uwi. I missed you," madramang sabi nito.

Natawa na lang ako at binigyan siya ng isang halik at pumunta na sa kusina. Halos sila lang din ang nagkuwentuhan tungkol sa trabaho at sa gawing bakasyon namin sa Pampanga kasama ang parents ni Gab. Akala ko nga hindi magkakasundo sina mama pero nagustuhan din dahil nga sa sarap din magluto ni mama.

Kahit papaano naging maayos buhay nila sa probinsya. Dahil may trabaho na si Adrian ay nakabili na siya ng lupa rito sa Maynila at si Gab ang tumulong sa pagsasa-ayos ng bahay. Tatapusin lang ang pag-aaral ng dalawa kong kapatid sa probinsya para makaluwas na sila rito.

Matapos ang hapunan namin at dumiretso agad kami sa kwarto, hindi pa naman ako makatulog dahil ilang oras akong nandito sa kwarto kanina, pinagmamasdan ko lang din si Gab habang inaayos niya sa cabinet ang mga damit nito. Hindi naman ako nito mapansin dahil nakatalikod siya sa akin, pero kung hindi pa ako tumingin sa salamin kung nasaan siya nakatingin sa akin ay bigla itong kumindat na inirapan ko.

Bigla akong nainis sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Natawa itong lumingon sa akin pero nakuha ng atensyon ko si Jace na kumatok at biglang pumasok, dala nito ang unan nitong maliit at ngiting-ngiti na umupo sa kama.

"I want to sleep here," ngiting sabi nito na inilingan ng ama.

"You have your own room, Jace. Matulog ka na, may pasok ka pa bukas."

"I can't sleep there p—"

"Hayaan mo na siya rito, ikaw ang matulog sa kabilang kwarto," sabi ko saka hinawakan ang braso ni Jace at pinahiga sa aking tabi.

Halos manlaki ang mata ni Gab habang si Jace ay tinatawanan siya. Pumunta pa ito sa aking tabi at tinititigan si Jace.

"Dito si Jace, doon ka sa kabilang kwarto Gabriel," anas ko at kinumutan ang anak niya.

"Ada? Tabi tayo 'di ba?" sabi nito ngunit hindi ko siya pinansin.

Dinig ko ang pagtawa ni Jace at ang pagyakap sa akin na para bang inaasar ang kaniyang ama. Nailing si Gab at saka pinagpatuloy ang ginagawa. Niyakap ko na lang ang anak kong unti-unting nahihimbing habang si Gab ay binabagalan ang paglalagay ng mga damit. Pero sandali akong nalungkot dahil sa itsura niya na parang iiyak. Nang isara na niya ang cabinet ay tumingin ito sa akin at saka naupo sa tabi ng kaniyang anak na mahinang hinimas ang ulo.

"I love you," bulong ni Gab na nakatingin sa akin pero ang hinalikan niya ay ang noo ng bata.

Maya-maya pa ay maingat niyang binuhat si Jace at saka lumabas ng kwarto. Napabuntonghininga na lang ako dahil tinatamad na akong tumayo at ayoko namang magising si Jace sa sigaw ko. Kaya nang makapasok siya sa kwarto ay agad kong hinagis ang unan sa kaniya dahilan para mas lalo siyang matawa.

"Hon, Ada, roon ang kwarto niya. Tapos dito tayo," nakangiting sabi nito saka agad na tumabi sa akin at hinalikan ang aking pisngi.

"Ang ganda ganda mo. Kaya minsan hindi ko Alam kung galit ka ba dahil sa anghel mong mukha," bulong nito at kinurot-kurot ang aking ilong. "Good night na my Mrs. Andrada, have a nice life with me," bulong nito saka ko naramdaman ang pagsakop ng kaniyang bisig sa akin.

Pakiramdam ko ang bilis ng panahong. Ang daming nangyari. Hindi ko alam na mapalad pa ako dahil nabigyan ako ng kumpletong pamilya. Mababait na mga kaibigan na hindi ako pinabayaan. Ang pamilya ko na tuluyang nakaahon sa kahirapan dahil na rin sa tulong ni Gab at sa trabaho ng kapatid ko.

Tapos ito ako, iniisip ko pa rin ang mga nangyari noon. Ang saya palang mahusgahan ng mga taong bibigyan ka pa rin ng papel sa buhay nila. 'Yong hindi ka itataboy dahil sa nakaraan. Ako pa rin naman 'yong Ada na nakilala nila. Pero dahil nahulma na ng panahon, mga sitwasyon, at ng mga taong nasa paligid ko, masasabi ko na normal lang palang magbago.

Hindi iyon dapat katakutan. Kasi baka ang pagbabago lang pala ang magiging daan para mas makuntento ka sa kung ano ka na ngayon.

Kuntento na ako sa kung ano ako.

An Innocent Courtesan | Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن