Kabanata 22

19 0 0
                                    

Kagaya nga nang nangyari ay maaga akong pumasok sa trabaho, gano'n pa rin naman ang routine ng trabaho ko. Sandali pa akong natigil sa ginagawa nang makita ko si Jack sa gilid, nakatingin sa akin ay saka kumaway. Ang kulot nitong buhok ay umalon din dahilan para matawa ako.

Kahit naman marami ang nangyari noon, hindi maaalis na ginawa nila ang lahat para protektahan ako, akala ko talaga ay kinampihan niya ang pinsan niya, nakokonsensya din ako dahil sabi ni Alora sa akin noon na may lamat na sila Ma'am Sunny at ang pinsan niyang si Jack... na dahil pa sa akin.

Gusto kong umiwas, pero kahit papaano, naging kaibigan ko sila. Naging mabuti sila sa akin.

Matapos kong maitapon ang basura ay agad akong lumapit sa kaniya. Yayakap sana ito katulad ng ginagawa niya noon pero kinaway ko agad ang mga kamay ko.

"Grabe, parang 'di tayo close niyan."

"Marumi kasi," natatawa kong saad saka siya natigil.

Napatitig ito sa akin at saka napatawa na rin at kamot-kamot ang ulo. "Kaya naman pala," bulong niya.

"Ha? Bakit?" nakangiting pagtataka ko dahil sa ikinilos niya kanina.

Isinuksok niya ang kaniyang kamay sa mga bulsa nito saka nakangiting umiling. Wala pa rin siyang pinagbago, masiyahin pa rin siya, mabuti na lang at may ganyan klaseng kaibigan si Gab— bakit ba nadadamay 'yon?

"Ang ganda mo pala kapag nakangiti, kaya naman pala gano'n umakto ang isang 'yon." Tumawa ito saka ako inakbayan. "May work ka pa? Tara Jollibee tayo?"

"S-Si Sunny—"

"Pinsan ko 'yon, kaibigan kita. Huwag kang matakot doon, akong bahala sa 'yo, okay? Kung may trabaho ka pa, hintayin kita rito," nakangiting saad nito saka ako tumango.

Binilisan ko na ang pag-aayos ng aking sarili, hindi naman bago sa akin ang pag-aaya niya dahil madalas kaming kumain ng street food noon, wala rin masama dahil nililibre niya rin ang ibang mga trabahador doon. Nang matapos ako ay nakita ko na agad siya, nakasandal sa malaking puno habang tumatawa dahil sa mga batang naglalaro sa harapan niya.

"Jack," tawag ko at napalingon ito.

"Tara na? Saan mo gusto?" tanong nito na sinabayan na ako sa paglalakad.

"Kahit saan, kaso masyadong mahal kapag Jollibee tayo."

"Treat ko naman, ayos lang 'yan, ngayon na lang ata tayo nakapag-usap after nangyari ang... 'yong ginawa ni Sunny sa 'yo," mahinang sabi nito sa akin. "Sorry ah? Selosa talaga 'yon, maldita rin," ngiting sabi nito na tinanguan ko lang.

Wala naman na akong magagawa kung gano'n ang ugali ng isang tao, kung ayaw nilang magbago, hindi ko na problema iyon, ako na lang siguro ang lalayo.

Nagpasya kaming maglakad na lang dahil gusto niyang mag-sorry nang mag-sorry. Mabagal lang ang pagkakalakad namin dahil malapit lang naman ang bilihan ng street food dito, doon kasi ay mas maraming pagbibilhan.

"Siya nga pala Ada, puwedeng magtanong? Medyo personal kasi 'to, pero puwede mo namang hindi sagutin," sabi nito na unti-unting ikinabagal ng aking paglalakad.

Napalunok ako dahil sa kabang nararamdman ko, hindi ko alam pero ang unang pumasok sa utak ko ay ang tranaho ko sa club, ilang beses na kaming nagtitigan at gano'n din si Gab, na alam kong nakakahalata na rin.

"A-Ano 'yon?" tanong ko saka kami nahinto sa isang tindahan na may mga street foods.

Nakatitig ito sa akin at saka naging seryoso ang mukha.

"Madalas ba kayong magkita ni Gabriel?" diretsong tanong nito na ikinatulala ko.

Hindi agad ako makasagot, dahil ramdam ko ang pagtitig nito sa aking mukha kaya ako nag-iwas ng tingin. Dinig ko ang pagtawa nito nang mahina saka kumuha ng dalawang basong malaki kung saan nilalagay ang mga pagkain.

"See? Personal siya masyado, kaya ayos lang kung ayaw mong sagutin—"

"Nagkikita kaming dalawa," mahina kong sagot saka kumuha ng stick at nagsimula nang tumusok ng mga kikiam.

"Alam ko—"

"Eh bakit ka pa nagtanong?" inis kong sabi rito dahilan para parehas kaming napahinto.

Kusang nanlaki ang mga mata namin ngunit ang kaibahan ay nakangiti pa rin ito, umiwas ako ng tingin at saka nagpatuloy sa pagtusok.

"G-Galit ka ba?" natatawang sabi nito saka kinukuyog ang aking balikat. "Joke lang naman, ito naman, bayaran mo 'yan, ah?"

"Sabi mo ikaw magbabayad? I-Ibabalik—"

"Hindi talaga mabiro 'to," natatawang sabi niya saka nagtusok at inilagay sa baso ko.

Natahimik na lang ako saka hinintay siyang makapagbayad. Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya dahil sa pang-aasar niya sa akin, hindi naman dapat ako naaapektuhan pero hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis sa pang-aasar niya.

Umayos ako ng tayo nang lumapit ito at saka inilahad ang dalang baso saka napatawa na naman. Minsan hindi ko alam kung bakit na lang siya natatawa sa akin.

"Tahimik lang ba si Gab kapag kausap mo siya?" tanong na naman niya na kanina ko pa hindi sinasagot.

"Bakit mo tinatanong?"

"Gusto ko lang."

"Kaibigan mo naman siya 'di ba? Siya na lang kausapin mo—"

"But the things is, he didn't answer all of my questions." Pangingindat nito at saka ngumuya.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan man na madalas kong daanan. Kung siya ay panay tanong, ako naman ay madalas na samaan siya ng tingin. Pero hindi naman umuubra sa kaniya iyon.

Huminga ako nang malalim at saka tumingin sa kaniya. Wala naman atang masamang magtanong. Baka pag-isipan niya pa ako ng iba kung sakaling hindi ako sumagot.

"Ano bang mga tanong mo?" mahinang tanong ko saka siya napangiti.

"May schedule ba kayo kapag nagkikita kayo?"

"Wala. Aksidente lang kaming nagkikita sa daan tapos nag-uusap nang kaunti."

Tumango ito. Nagtusok ito ng kikiam at saka iyon kinain habang natatawa pa rin. "Madalas ba siyang tumingin sa 'yo?" tanong nito na kinunotan ko.

Muli kong inalala ang mga inaakto niya sa tuwing magkasama kami, hindi naman siya palatingin sa akin, hindi ko alam kung bakit, pero masasabi kong kabaligtaran siya ni Jack.

"Hindi. Sandali lang pero iiwas din," sagot ko saka siya napangiti.

"Anong pakiramdam kapag kasama mo siya?"

"Masaya," diretsong sabi ko na ikinangiti ko.

Pero maling-mali ang ginawa ko dahil sa tingin sa akin ni Jack. Halos nakanganga na ito at napaurong pa ako dahil sa pagka-usog ng ulo niya ay sumilaw ito kaya ako napapikit.

"Oh my god," bulong niya na tinakpan pa ang bibig.

"H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" sigaw ko saka naglakad nang mabilis.

Halos takbuhin ko na ang nilalakad ko para lang hindi ko marinig ang malakas na pagtawag niya sa aking pangalan. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagtakbo ko o dahil sa sinabi ko kanina kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko.

Basta ang alam ko lang ay hawak ko pa rin ang pagkain at nasa loob na ako ng aking kwarto. Hindi ko rin kasi namalayan na malapit na pala kami sa bahay. Hindi na rin ako nag-abalang balikan siya sa daan dahil alam kong makikita ko siya bukas o sa kahit na anong araw.

"Gabriel," bulong ko. "Gabriel Andrada." Kinurot ko ang aking daliri dahil sa pagbigkas ng buong pangalan at ang pag-init ng aking pisngi.

Totoo nga, may gusto ako sa kaniya. Pero paano? Hindi naman talaga kami nakakapag-usap, pero napansin ko na madalas siyang magpakita kung kailan kailangan ko ng isang tao sa tabi ko.

Bigla-bigla na lang siyang dumarating.

Halos lahat ng sinasabi ni Jona ay sinusunod ko. Maliban sa isang 'to. Wala naman atang masamang magkagusto? Siguro, kailangan kong alamin sa ngayon kung bakit sa lahat ng  lalaki ay siya pa.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now