Kabanata 37

13 0 0
                                    

Hawak nito ang maleta habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay, ang polo nito at inilagay niya sa aking likuran at nagawa niya pang suklayan ako sa mismong parking lot kanina habang hinahayaan akong umiyak. Inilabas ko lahat kanina, naiinis ako sa tuwing hindi ko makontrol ang pag-iyak ko.

"I have pajama there and shirt, sabihin mo lang kung hindi kasya sa 'yo ang pajama, okay? Huwag ka magtatagal sa tubig para hindi lumala ang sipon at ubo mo, maglinis ka lang ng katawan para mahimasmasan ka," mahinang sabi nito habang ina-adjust ang aircon.

Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako saka pumasok sa banyo. Ramdam ko na ang init ng katawan ko dahil halos buong araw ako nabasa ng ulan, hilong-hilo ako na halos gusto ko na lang matulog agad. Itinali ko agad ang aking buhok saka naghilamos ng katawan, nagbihis agad ako at mabuti na lang ay garter ang pajama ni Gab kaya nagkasiya sa akin.

Pagkalabas ko wala agad si Gab sa kwarto, malinis iyon, napansin kong bukas ang maleta ngunit wala namang laman, nanatili na lang ako sa kama at sinubukang ipagpahinga ang utak, gabing-gabi na rin kasi at baka matulog na si Gab dahil halata ang antok sa kaniyang mga mata kanina nang titigan ko siya.

Napatingin ako sa orasan na alas-dose na ng madaling araw, kaya pinagpagan ko ka ang higaan ko at hihiga na sana nang bigla namang bumukas ang pinto.

Nakangiting lumapit ito at saka ako inalalayan. "Let's eat, kailangan mong kumain bago matulog. Mainit pa 'yong sabaw," sabi nito saka ako sumunod.

Mukhang in-adjust niya ang lamig sa buong bahay dahil hindi masiyadong maginaw, siguro kasi nakakapit ako sa braso niya. Nahinto kami sa kusina at naroon nga ang mga pagkain, may ilang prito ngunit mas nangibabaw ang amoy ng sabay.

"Hindi ka na dapat nagluto," bulong ko dahil medyo marami iyon.

"You need it. Baka mas lalong magkasakit ka, look." Sinipat nito ang aking noo at leeg at saka nailing. "May sinat ka, may ubo't sipon ka pa, baka trangkasuhin ka kapag hindi naagapan," mahinang sabi nito saka nilagyan ang aking plato.

"Salamat." Pinilit kong ngumiti at saka kumain.

Parehas kaming tahimik, napansin ko ang laging pagtingin niya sa akin at pagsipat sa aking katawan, hindi ko alam kung anong iniisip niya. Natapos ang pag-kain namin at siya na ang naghugas dahil pinauna niya na ako sa kwarto, malapit nang mag ala-una pero hindi pa rin ako makatulog. Pero agad na naputol iyon nang bigla siyang pumasok sa kwarto at nangunot nang makita ako.

"Can't sleep?" tanong nito at saka nahiga sa aking tabi.

Nakasuot ito ng pajama at sando kaya ramdam na ramdam ko agad ang init ng braso niya at ang muscle nito na parang ngayon ko lang napansin. Nakatihaya lamang ako habang siya ay tumagilid kaya nakaharap siya sa akin. Mahina nitong hinimas ang aking buhok at saka hinalikan ang aking noo.

"May nangyari ba?" tanong niya sa akin.

Umiling lang ako saka ngumiti. "W-Wala naman," sagot ko.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang mga nangyari o kahit hindi na dahil nakakahiya lang din naman ako. Magsisinungaling na lang siguro ako, rito naman daw ako magaling sabi ni mama.

"Sure? Ang saya-saya mo nang hinatid kita tapos uuwi kang ganito, inaway ka?"

Mabilis ko agad siyang inilingan at saka natawa. "Hindi ah, ano kasi, sobra kasi akong kinabahan kaya umuwi na lang ako. T-Tapos napaligo ako sa ulan, baka next time na lang siguro ako dadalaw," sagot ko.

"Sama ako?" tanong niya saka ako ngumiti.

"Oo naman."

Sandali kaming nanahimik. Mukhang hindi na ata darating ang araw na iyon dahil nga sa ginawa ni mama. Baka hindi na ako makabalik. Siguro, kung may kikitain ako, padadalhan ko na lang ng palihim si Adrian, hindi ko nga lang alam kung tatanggapin niya, ayoko namang matigil siya sa pag-aaral para lang magtrabaho na naman.

"Bakit pala hindi ka dumiretso rito kanina? Alam mo naman ang password."

"Hindi naman ito sa akin," sagot ko pero tumawa siya.

"Kahit na, okay lang sa akin. Tapos hindi ka pa tumawag o nagtext."

"Nabasa ang selpon ko, e. Sorry."

"Hmm, bili na lang tayo ng bago."

Hindi ako sumagot. Ayokong manghingi at tumanggap sana ng tulong dahil sobra-sobra na ang nagawa niya. Naramdaman ko ang pagsiksik ng ulo niya sa aking leeg at saka idinikit ang mukha sa akong sentido.

"Dito ka na lang muna bukas, ah? Half day lang naman ako kaya makakauwi rin ako agad. Ayaw mo man lang ba sabihin kina Annie na nandito ka?"

Umiling ako. "Huwag na siguro, baka kung ano pa isipin nila. At saka alis na rin ako rito bukas ng gabi o hapon."

Nakakahiya naman kasi. Pumunta lang ako para makitulog o ano.

Bahagya siyang umangat at saka nangunot. "Puwede bang dito ka na lang? Magpahinga ka na lang dito, mas okay sa akin. Baka lumala ang sakit mo."

"N-Nakakahiya—" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi.

"As I said, mas okay kung nasa akin ka," bulong niya saka ako pinatagilid paharal sa kaniya at napasubsob sa dibdib nito.

"Gab—"

"Let's sleep? Dito lang ako," bulong nito saka mahinang hinahaplos ang aking buhok at naramdaman ang antok.

Kinabukasan ay halos tanghali na ako nagising, wala na siya sa tabi ko at malinis na ang buong kwarto, napansin ko rin ang mga damit na nasa maleta ko kahapon na nakaayos na sa gilid, mukhang tuyo na.

"Gab?" tawag ko ngunit walang sumagot.

Naikagat ko pa ang aking labi dahil sa biglaang pagtayo ko at ang pagkirot ng aking ulo, napansin ko rin ang pagkahilog ng bimpo ka mukhang galing sa aking noo. Sobrang init ng tela. Roon ko lang napansin na mainit pa rin ang aking katawan.

Nagmadali akong bumaba para sana hanapin si Gab, pero wala na siya. Malinis ang buong bahay at tanging pagkain ang naiwan sa mesa. Mukhang mainit pa at mukhang kaaalis lang din niya. Napansin ko ang papel sa ibabaw ng mesa kaya agad ko iyon binasa.

Good morning, hope you see this note and eat those foods that I prepared for you. Huwag ka munang kumilos-kilos, punasan mo ng malamig na tubig ang katawan mo para mabawasan ang init. I have boxer and shirt there, feel free to use especially at the right side, since hindi ko pa nagamit iyon. I'll go home later, just stay there, okay? I love you.

— Gab.

Agad akong napangiti dahil doon. Katulad nga ng sinabi niya ay kinain ko ang mga niluto nito, ako na rin ang naghugas ng plato para naman hindi nakakahiya. Mas okay kung ikikilos ko ang aking katawan para naman mawala ang aking sakit. Kahit papaano, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nakakatuwa lang dahil hindi niya ako pinilit na magkuwento dahil hindi ko kaya. Hindi niya ako pinilit.

An Innocent Courtesan | CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora