Kabanata 51

19 1 0
                                    

Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri.

Literal kasi na kinakabahan ako o ano.

"Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin.

Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari.

"Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nito na tinawanan ko na lang.

Gusto ko naman talagang maging maayos kami. Kung ano mang kalabasan ng mga mangyayari tatanggapin ko. Basta sa akin ang bata.

Habang nag-aabang si Annie sa labas ay ako naman ang panay lakad, pakiramdam ko naiirita ako dahil sa sobrang init pero kailangan kong kumampante, minsan kasi hindi ko na mapigilan ang sariling sumigaw at magkulong sa kwarto. Isinuklay ko na lamang ang maikli kong buhok at inayos ang pananamit, napansin kong mas lalo akong pumuti dahil na rin hindi ako masyadong lumalabas at minsan nasa terrace lang ako.

Ngunit literal na nahinto ako sa pagsusuklay nang bigla namang marinig ko ang boses ni Annie na may kausap. Alam kong siya na iyon dahil sinisigaw na ni Annie ang pangalan ko. Agad akong nagmadali sa pag-aayos at saka marahang bumaba sa hagdanan, mahirap na baka mamaya bigla akong madulas.

Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko dahil sa kaba, hindi ko rin maintindihan bakit sobrang lamig ng aking kamay ngunit normal naman ang ibang parte ng katawan ko. Mas lalo  pa akong napakurot nang makita ko ang pamilyar na balikat na iyon na naka-upo sa sofa. Nakatalikod ito sa akin at mariin na hinihimas ang kaniyang kamay.

"Oh, iwanan ko na kayo rito ah. Hoy ikaw, ililigpit kita ng buhay kapag may ginawa kang kabalbalan dito," pangbabanta ni Annie saka lumabas ng bahay.

Habang ako, nanatiling nakatayo lang at nakatitig sa kaniya. Parehas kaming nagtititigan at halos walang salitang mailabas. Pero bakit ganito? Wala akong galit na maramdaman sa kaniya kahit na hindi ako nito pinansin, at hindi inako ang anak.

Mas pinili kong ngumiti, ngunit hindi niya iyon nakita dahil sa pagtitig nito sa akong tiyan na maya't maya ko hinihimas.

"Upo ka," ngiting alok ko rito kaya sa akin ito napatingin.

Gano'n na gano'n pa rin ang suot niya. Nakasuot ng itim na slacks at navy blue nitong polo na madalas kong makita sa kaniya. Walang pinagbago ang itsura niya maliban na lang siguro sa ayos ng buhok nito.

Siyang-siya pa rin.

Palihim akong napangiti nang maalala ko ang nakaraan namin. Sayang pala.

Parehas kaming naka-upo ngayon sa magka-ibang upuan. Wala akong magawa kundi ang ngumiti at titigan siya. Wala pa ring pinagbago, mahal ko pa rin siya. Sigurado ako.

Pero mas priority ko ang bata.

Ang bata muna.

"Kanina ka pa rito?" tanong ko ngunit hindi ito sumagot.

Pasalit-salit ang kaniyang tingin sa akin at halos hindi iyon mawala sa aking tiyan, kung minsan pa nga ay kinukuyom niya ang kaniyang kamay saka bahagyang ngumiti.

An Innocent Courtesan | CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang