Kabanata 14

19 0 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo sa pag-ta-trabaho ko na walang naging problema, nasanay na lang ako na panay pagbibigay ng alak ang gawain ko at ang paglilinis. Araw-araw din ay madalas akong tanungin nila Leni kung maayos lang ba ako, kung anong mga nangyayari sa akin dahil hindi ko naman sila madalas makita kapag nasa trabaho na.

Nang matapos akong makapag-ayos ng sarili sa Cr ay nagpasiya na akong lumabas. Pinilit kong alisin sa utak ko ang mga nangyari kahapon, pero hindi ko magawa. Hindi ko rin magawang magsabi kina Jona, dahil baka patigilin ako sa pag-ta-trabaho rito, e, ito na lang talaga ang trabahong may kalakihan ang nakukuha kong pera.

Hindi ko pa rin makalimutan kung paanong hipuin ng lasing ang aking pang-upo. Ni hindi pa ako makagalaw noon dahil sa sobrang bilis ng pangyayari, na tipong nakita ko na lang ang sarili ko na umiinom ng kape.

Ugali ko na ang uminom ng kape sa tuwing na-iistress ako. Malaki na rin naman ako kaya bakit pa ako magsusumbong? Sa lugar na 'to hindi ko maiiwasang mabastos talaga. Hindi ko na maiiwasan.

Nang matapos ako sa paglilinis ng dalawang mesang nabakante ay nahagip ng paningin ko si Tonet na kinawayan ako kaya lumapit agad ako sa kaniya. May ibinigay itong papel sa akin at saka itinuro ang numero na nasa dulo.

"Kailangan ng isang babae na pupunta riyan," bulong nito sa akin at saka hinila ang tray mula sa aking kamay.

"E-Extra services ba 'yan?" bulong ko na ikinanguso niya.

"Hindi ko alam, e. Pero kung extra services nga... ano? Papayag ka ba? Masakit kasi kapag virgin, e—"

"Tonet!" saway ko dahil nag-iinit na talaga ang pisngi ko.

Ayoko talagang pinag-uusapan ang gano'ng bagay dahil nahihiya ako. Wala akong experience at mas lalong wala pa akong first kiss. Kaya hindi ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila. Dahan-dahan akong tumingin kay Tonet, na natatawa na lang at saka inilapag ko ang basahang hawak ko.

"Hindi naman por que virgin masakit na. Kaya mo 'yan! Fight fight lang!" ngiting sabi ni Tonet saka ko pinuntahan ang VIP room na iyon.

Pero wala naman. Wala akong maramdamang takot at kakaiba dahil hindi ko rin alam. Basta dire-diretso lang akong naglalakad papunta roon, hanggang sa makatapat ako sa pinto at dahan-dahang kumatok. Ngunit agad na kumalabog ang puso ko nang makita ko ang pagbukas ng pintong iyon.

Nanumungay ang mga matang titig na titig sa akin na para bang sinasabing pumasok ako. Huminga pa ako nang malalim saka tuluyang nakapasok sa kwartong iyon. Bumungad sa akin ang pulang dingding, halos lahat ay kulay pula ang mga bagay doon, mabuti na lang at maliwanag, akala ko kasi ay patay ang ilaw.

Nang tingnan ko ang lalaki ay nahuli ko itong nakatingin sa akin. Ngunit nag-iwas ito ng tingin lalo na nang isara niya ang pinto at dumiretso sa dalawang sofa na mahaba kung saan ako nakatayo sa gilid.

"You can sit," sabi nito kaya ako napa-upo agad.

Pinilit kong ibaba ang palda ko na halos hindi ko alam kung may mahihila pa ba ako o ano, nakashort naman ako pero kitang-kita talaga ang hita ko. Natigil naman ako nang mapansin iyon ng lalaking kaharap ko na ngayon ay mabilis na tinignan ang aking hita kaya ito napailing. Hinubad nito ang jacket na kaniyang suot saka inabot sa akin.

"Please, use this," tipid na sabi niya kaya ko iyon kinuha.

Kailangan ko talagang takpan ang hita ko. Nakakahiya kasi at baka sabihan niya akong malandi, e, ayon naman ang tingin sa aming mga nagtatrabaho rito, hindi mo rin naman masisisi kung gano'n talaga.

Maingat kong inilapat iyon sa aking hita. Nang matapos ay saka lang ako napatingin sa kaniya na naglalagay na rin ng alak sa isang baso at saka iyon inurong sa akin.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now