Kabanata 21

19 1 0
                                    

Hangga't maaga pa ay naisipan kong bumisita kina Jona, mamaya pa naman kasi ang trabaho ko. Ayoko rin naman na papuntahin sila rito sa inuupahan ko dahil masyadong malayo, at isa pa, pagod sila sa trabaho kaya ako na lang ang ba-byahe. Pagkarating ko sa kanila ay agad kong binuksan ang gate nang dahan-dahan, baka kasi mamaya tulog pa sila. Mabuti na lang at nasa akin pa ang extra nilang susi.

"Tao po—"

"Ay! Punyeta! Ada naman! Ang aga-aga nanggugulat ka!" sigaw ni Annie sa akin na may sabon pa sa mukha.

Napatawa na lang ako nang mahina dahil halos hindi niya mabuksan ang mata niya dahil sa sabon at dali-daling tumakbo papunta sa lababo. Napatingin ako sa mga kagigising lang na kumaway sa akin at nanlaki pa ang mata ng iba. 

"Napabisita ka? Walang work?" tanong ni Leni na tinapik ang bakanteng puwesto na katabi niya kaya ako naupo.

"Mamaya pa naman. Wala kasi akong maka-usap sa bahay, e, mga estudyante 'yong mga kasamahan ko pa roon," sabi ko saka sila ngumiwi.

Napansin ko ang pagbalik ni Annie na may dalang kape at ibinigay sa akin, titig na titig ito sa aking katawan at saka ngumisi. Hindi ko na lang ito pinansin at saka nakinig sa mga kinukwento nila. Bahagya rin hinanap ng aking mata si Jona na hindi pala umuwi dahil may mga kailangang gawin sa club.

"Bihira na nga lang kami maka-uwi rito, e, kasi naman sobrang daming tao roon, pero keri lang! Tumaas sweldo namin." Pangingindat nito sa akin at saka kumuha ng tinapay.

"At saka nga pala girl! Kinukuyog kami ng babaeng matanda na hinahanap ka, jusmeyo marimar! Tinawag ka pang kabit, e, dapat sisihin no'ng matandang bruha na 'yon ang asawa niya, kasalanan mo bang maging maganda at mas bata sa bruhang 'yon? Ibang klase," mahabang sabi nito na unti-unti kong kinunotan.

Hindi na bago sa akin iyon. Noon pa man may mga matandang babae o 'di naman kaya'y mga asawa ng lalaking lumalapit sa akin nag pumupunta roon. No'ng una pa lang ay sinabihan na ako ni Ate Calli, na huwag magpa-apekto sa mga gano'ng tao. Na wala naman akong kasalanan, sila ang lumalapit sa akin at hindi ako. Nagtatrabaho lang naman ako.

Kaya hindi ko alam kung makokonsensya ba ako o ano, kung may kasalanan Mang naganap, hindi ba dapat sisihin nila ang mga asawa nila?

Hindi na lang ako sumagot sa mga kuwento nila. Pagkatapos nilang sabihin iyon sa akin ay nagkuwento pa ang mga ito sa mga nakilala nila at ang napapadalas na pagpunta roon nila Gab at ang iba pang engineer na nagtatrabaho sa pinagtatrabahuan ko noon. Hindi ko tuloy alam kung nakakatulong ba ang pagsuot ng maskara dahil pakiramdam ko ay kilala na ako ng lahat.

"Sa trabaho? Kumusta naman? Mabait ba sila?" tanong ni Maylene na halos titig na titig sa akin.

"Oo naman, medyo okay naman doon. Mababait sila, medyo masungit lang ang ibang chef," sagot ko na nginiwian na lang nila.

Wala naman silang ibang sinabi sa akin na kahit na ano sa pag-ta-trabaho ko, basta tawagan ko lang agad sila kung sakaling may mali sa paligid. Matapos ang dalawang oras ay nagpaalam na ako sa kanila, hindi na ako masyadong nagtagal pa dahil gusto ko silang makapagpahinga agad.

Muli ko na naman naisip ang mga sinabi nila, ang mga lalaking naghahanap sa akin at ang mga asawa nilang ang tawag sa akin ay kabit, at kung ano-ano pang pamimintang.

Itinali ko na agad ang buhok kong nakalaylay at saka sinuot ang apron, medyo marami na ang mga tao at hindi naman ako late kaya hindi ako napagalitan, binilisan ko na lang ang pagkilos at nang maayos ang ibang bagy sa likod saka na ako kumuha ng mga order.

"Ada? Table 8." Inurong nito papunta sa akin ang tray at may mga lamang fries at carbonara.

"Sige po." Maingat ko iyon idinala at saka mabilis na naglakad.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now